Chapter 1

360K 11.9K 9.6K
                                    

"WHERE are you now?"


Pinahaba ko ang aking leeg para tingnan ang paligid. "Hindi ko pa alam, baby. Pero nakapasok na ang tricycle dito sa looban ng Bario Bernabe."


Kausap ko si Green sa malaki kong cell phone na regalo niya sa akin. 


"Ano ka ba? I'm okay. Simpleng favor lang naman itong ginagawa ko for you compared sa mga nagawa mo sa akin." 


"Tsk. 'Yan ka na naman e." Lumungkot ang boses niya. "Material na bagay lang ang nagawa ko sa 'yo, Ember. I love you, baby. Kahit mag-ubos ako ng pera sa 'yo, ayos lang sa akin. Alam mo namang ikaw lang ang nagpapasaya sa akin kahit pa madalas mo akong tinatanggihan, kahit madalas ramdam ko na hindi mo ako mahal."


"O ayan ka rin na naman diyan." Napangiwi ako. "Nagda-drama ka na naman. Saka wag ka nang mag-worry sa akin dito, okay? Gusto kong gawin itong favor na ito. Saka maganda na rin na pumunta ako rito nang makilala ko na ang kuya and grandparents mo," pag-iiba ko.


"Thank you. You are my savior. I love you."


Huminto ang tricycle sa gilid ng kalsada. "Miss, hanggang dito na lang po."


Tinakpan ko ang speaker ng aking cell phone. "Okay po." Pagkasabi'y bumaba na ako ng tricycle.


Bumungad sa akin ang masukal na daan. Parang wala ng mga bahay kung dideretsuhin ang pinakadulo non. At sa gilid naman ng kalsada ay puro puno na, parang gubat ang hangganan kung papasok ka.


"Kuya, dito po ba talaga?" Nilingon ko ang tricycle driver.


"Oo, Miss. Kasi wala na talagang napasok na tricycle sa loob niyang way na 'yan. Wala naman kasing nakatira na diyan. Pero iyong sinasabi mong mansyon, may nakatira pa ron. Kaso nasa loob ng kasukalan iyon, e. Ikaw na ang bahalang pumasok sa loob."


"Po?"


"Umaga naman, e. Saka walang hayop don sa loob ng kakahuyan kaya wag kang mag-alala." Ngumiti si Manong driver. "Five-hundred po pala iyong singil ko hanggang dito. Special po kasi."


Tumango ako at nagbayad na. "Salamat po, Manong."


"Sige, Miss, diretsuhin mo lang iyang kalsada, sa bandang gitna, iyong sa may sirang daan ay may makikita kang karatula. Don mismo sa karatula na may nakasulat na Casa Castellano ka hihinto. Pasukin mo iyong loob ng gubat, diretso lang." Inginuso niya sa akin ang daan. "May nag-iisang mansiyon don. Iyon na iyon, Miss. O kaya pasundo ka sa bukana sa pupuntahan mo."


"Salamat po." Napangiwi ako nang lingunin ko muli ang daan. Biruin mong papasukin ko ang isang gubat.


Binalikan ko si Green sa cellphone. "Hello?"


Hindi na siya sumasagot.


Pinatay ko na ang linya nang makita ko na wala palang signal.

Casa Inferno (The heart's home)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon