Farewell

148K 6.8K 10.8K
                                    

Napabalikwas ako ng bangon mula sa aking kama habang hinahabol ang aking paghinga. Hinilamusan ko ang aking mukha gamit ang aking palad. Halos maligo ako sa aking sariling pawis.


Bangungot.


Kinapa ko itong higaan. Umikot ang mga mata ko nang makapang basa ito. Mukhang nagkanda-ihi ako sa bangungot ko. Katulad noong naroon ako sa premonition ko.


Nilingap ko ang paligid at sinigurado kong nasa Casa Castellano nga ako. Tumayo ako para lapitan ang bintana at buksan ang kurtina nito. Napasinghap ako nang salubungin ko ang magandang sikat ng araw. Mabuti na lang at umaga. Baka mapraning ako kapag nalaman kong gabi pa rin. Kagagagaling ko lang sa masamang panaginip.


Lumapit ako sa aking pinto at pinindot ko ang doorknob nito para mag-lock. Gumana naman ito.


"Ember, hija?" narinig ko ang tawag ni Lola Soler sa kabilang pinto.


Binuksan ko ang pinto. "G-good morning po." Umalingasaw ang masangsang na amoy ng isang bangkay.


"Pasensiya ka na kung naistorbo kita." Inayos niya ang suot na glasses at saka  ako tiningala. Ang isa niyang kamay ay nakahawak sa gulong ng kanyang wheelchair. "Nagising ba kita?"


"H-hindi po. Nagising na po ako five minutes ago."


"Let's go downstairs. Nakahanda na ang almusal."


Ano kayang klaseng almusal iyon? Baka hindi ko na naman magustuhan. Mapipilitan na naman akong ubusin.


"Ah, busog pa po kasi ako. Kakain na lang po ako sa labas mamaya."


Umiling siya. "No, hija. Wala kang makakainan dito dahil daig pa natin ang nasa isla."


Napakamot ako. Mukhang wala akong ligtas sa umagahan. Pinagulong ni Lola Soler ang kanyang wheelchair. Pero bigla siyang napahinto sa isang pader kung saan naroon ang malaking picture nila Lolo Saul.


Heto yung picture na pinagmamasdan namin ni Corazon sa premonition ko.


"May gusto akong itanong sa'yo, hija," maya-maya ay sabi ni Lola Soler habang nakatingala at nakatitig sa larawan.


"Ano po iyon?"


"Alam kong nasabi na sa'yo ni Saul ang tungkol kina Corazon at Rogelio."


Napayuko ako.


"At naikuwento rin naman sa akin ni Saul na nagbigay ka ng opinyon." Pagkuwan ay sa akin siya bumaling. "You think kailangan na naming ipalibing si Rogelio?"


Tumango ako. "Kailangan na po niyang matahimik. Mangyayari lang po iyon kapag nabigyan na po siya ng proper burial."


Napabuga ng hangin ang matanda. "Iyan din ang gusto sana namin, hija. Ang kaso ay ayaw pumayag ni Corazon. Naniniwala siya na hindi pa patay ang asawa niya."

Casa Inferno (The heart's home)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon