NANG malapit na sa pinto ko ang mabibigat na mga paa ay huminto ito.
Hindi umaalis ang paningin ko sa pinto kahit napapaatras na ako sa takot. Nananalangin ako na wag sanang bumukas ang pinto.
Ilang sandali pa'y pumihit ang seradura nito.
Aatakihin yata ako sa puso. Nilakasan ko na lang ang aking loob kahit puno na ako ng takot. "S-sino yan?" Nanginginig ang boses ko. "L-Lola Soler?"
Wala namang nagsasalita. Gumagalaw lang ang seradura pero wala namang sumasagot.
"L-Lola Soler, kayo po ba yan?"
Wala pa ring sumasagot.
Nang huminto na sa paggalaw ang seradura ay lumapit ako. Sinigurado ko na naka-lock talaga ang pinto.
Bakit nawala na iyong ingay? Nawala na iyong kalabog, nawala na rin iyong mga yabag.
Napatalon ako sa gulat. Paano'y may parang biglang sumipa sa pinto ng kuwarto ko!
Kandarapa akong bumalik sa aking kama. Nagtalukbong ako ng kumot at tinakpan ko ang aking tainga. Napaiyak na ako sa takot. Ayaw kong marinig pa ang ingay na iyon sa pinto.
Sino kaya iyon? Bakit niya sinipa ang aking pinto?
Naghintay pa ako pero wala na ulit ang mga tunog. Parang biglang nanahimik ang paligid, na halos ang sariling paghinga ko na lang ang tanging naririnig ko.
Wala akong ginawa kundi magdasal at tahimik na umiyak hanggang sa mamaga na ang mga mata ko. Kinalaunan ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
...
PAGBANGON ko ay maliwanag na. Nang kapain ko ang aking higaan ay basa iyon.
Shit. Mukhang nagkanda-ihi ako sa takot kagabi, ah.
Bumangon ako at sandaling tumulala. "Maloloka yata ako rito." Sinabunutan ko ang aking sarili.
Nadagdagan na naman ang tanong sa isip ko. Nahihiwagaan ako sa mga ingay na narinig ko, at sa kung ano ba talaga ang nangyari kagabi.
Tumayo na ako matapos ang ilang minuto. Naglinis ako ng katawan at nagpalit ng damit sa banyo. Mabuti na lang talaga at may sariling bathroom dito sa kwarto ko, dahil kung hindi ay mapipilitan talaga akong lumabas ng kwarto sa gabi. Nasa ibaba pa kasi ang common bathroom, nandon iyon malapit sa kusina nitong mansiyon.
Bumaba ako ng hagdan at dumerecho sa kusina. May toasted bread na doon kaya nagtimpla na lang ako ng gatas. Pagkatapos kong mag-almusal ay gumawa ako ng tinapay na may palamang steak at lettuce. Nagtimpla ako ng juice at inilagay sa tray ang pagkain.
Bago pa ako makapunta sa kinaroroonan ng hagdan ay nakasalubong ko si Lola Soler sa daan. Tulak-tulak niya sa wheelchair si Lolo Saul na malalim pa rin ang mga titig sa akin.
BINABASA MO ANG
Casa Inferno (The heart's home)
Übernatürliches"...and the devil fell in love with you, the way he loves hell." This novel is inspired by real events. Highest rank in horror: Top 1 Highest rank in Paranormal: Top 1