Chapter 8

192K 8.9K 5.2K
                                    

DAHAN-DAHAN kong sinilip si Lola Soler mula sa aking pinagtataguan. Ngunit ganoon na lang ang aking hilakbot nang hindi mawala na siya sa kanyang kinatatayuan.


Nasaan na siya?


Bakit bigla siyang nawala?


May narinig akong humihinga sa aking likuran. Agad na napatindig sa takot ang mga balahibo ko sa katawan, at bigla akong pinagpawisan.


"Anong ginagawa mo?" tanong ng tinig na maaligasgas.


Si Lola Soler ba itong nasa likuran ko? Bakit iba yata ang kanyang boses? Para siyang nasa ilalim ng lupa nang magsalita siya.


Napapikit ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.


"Anong ginagawa mo?" gagad niya. Bakit parang mas lumalim ang tinig niya?


Malalim akong lumunok. Kahit kinikilabutan sa naririnig ay buong tapang na hinarap ko siya. Saka lang ako nanlumo nang makaharap ko na siya.


Hawak ni Lolo Saul ang kanyang tiyan habang tatawa-tawa ang nangingitim niyang bibig. "N-natakot ka ba, hija?"


"L-lolo Saul?" Nasa wheelchair siya at nakaupo.


Pero paanong naramdaman ko ang mainit niyang paghinga sa aking batok? Paanong nangyari iyon?


Tumayo ba siya kanina? Pero hindi pwede. Imposible dahil pilay siya.


"Natakot ka, ano?" Namumula ang hupyak niyang mukha sa kakatawa. "Bakit ba napakamatatakutin mong bata ka?"


Napakamot ako. Hindi ako makatingin sa kanya ng derecho.


"Halika dito at kamutin mo ang likod ko."


Lumapit ako sa kanya at sinunod ang utos niya. Banayad kong kinamot ang kanyang likod kahit pa bahagya akong nandidiri rito.


Bumalik sa isip ko si Lola Soler at iyong nakita ko kanina. Hindi ako maaaring magkamali. Nakita ko si Lola Soler na kausap ang sarili. Hindi ko nga lang maintindihan ang kanyang sinasabi.


"Lolo Saul, pwede pong magtanong?" Tanong ko sa matanda matapos kong ipilig ang aking ulo. Gusto ko ng makalimutan iyong nakita ko kanina.


"Sige lang, hija."


"Bakit po ang sungit ni Lola Soler?"


Narinig ko na napabuga siya ng hangin. Mukhang ayaw niya akong sagutin.


"Bakit po puro sugat ang likod nyo? Ano pong nangyari dito?"


Hindi siya umimik. Bigla siyang tumanaw sa kawalan.

Casa Inferno (The heart's home)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon