Chapter 4. Picnic

170 33 2
                                    

Chloe's POV.

Saturday ngayon. At syempre, walang pasok. Nagising ako ng past 7:00 na. Tapos nakita kong pakain palang silang tatlo. Si mama medyo nakakausap na namin.

"Anak, magpipicnic tayo ngayon ha? Para naman makalanghap ng sariwang hangin ang mama mo."

"Sige po. Anong oras po?"

"Siguro mamayang 2pm."

"At Chloe, sasamahan mokong mamili ng baon naten." Sabi ni kuya Trey.

"Sure kuya. Magjajogging muna ako pag tapos kumain. Sasama ko si Pompom." Si Pompom yung aso ko. Poodle sya.

"Sige anak. Tara kumain na tayo."

Nang matapos kame kumain, naligo muna ako. Syempre para fresh. Palabas na ako ng kwarto ko nang biglang pumasok ang kuya ko sa loob.

"Chloe, don't you mind if I'll come with you?"

"Sure. Why not kuya? It's been a long time since we have a quality time with each other." At ayun. Lumabas na kame ng kwarto ko. At nagpaalam narin kame kay papa at mama.

Jog dito, jog doon. Paikot ikot lang kame sa subdivision namen. Syempre habang tumatakbo, nagkukwentuhan kame ni kuya about sa studies namen. Graduate sya nung high school na salutatorian sya.

Ang kuya ko? Yes, may girlfriend sya. Si ate Christine. 1 year na sila. Matangkad ang kuya ko, gwapo, magalang, walang bisyo, maginoo at over protective pag dating saken at kay mama.

Malapit na kame sa bahay nang makasalubong namin si Jason.

"Goodmorning, Jason."

"Goodmorning, Chloe."

"You know him?" Sabi ni kuya.

"Yes kuya. Sya yung partner ko sa Mr. and Ms. Campus na sinabi ko sa inyo ni papa kagabi." Nilapitan nya si Jason at inakbayan.

"You should take care of my little sister. If not? You know what's waiting." Sinamahan nya pa ng deadly glare nya.

"Kuya naman ehh. Alam ko namang iingatan ako nyan ni Jason. Tropa ko yan ehh." At bigla namang namula si loko. Haha.

So ayun. Pumasok na kame sa loob para makapag prepare para mamili ng food.

Jason's POV.

Gusto kong lumanghap ng fresh air para naman marelax ako. Di kase ako makatulog kagabi kakaisip kay Chloe ehh.

Saktong pag labas ko, nakita ko si Chloe. At may kasama sya. Hawig nya ehh. So I assume na kuya nya yun.

Grineat nya ako. At grineat ko rin sya. Tapos ansama ng tingin sakin ng kuya nya. Akala siguro may masama akong balak kay Chloe.

"You should take care of my little sister. If not? You know what's waiting." Sabi ng kuya nya. May kasama pang deadly glare.

"Kuya naman ehh. Alam ko namang iingatan ako nyan ni Jason. Tropa ko yan ehh." Bigla naman akong namula. Nakakatouch kaya. Haha.

Nag ba bye na sya sakin at pumasok na sila sa bahay nya.

After kong magrelax, naisip ko nanaman si Chloe. Ano bang ginawa sakin nung babaeng yun at sobrang lakas ng tama ko sakanya? Hays. Naisip kong i text sya.

To: Chloe Ganda

Hi miss beautiful! You're still beautiful even if your hair us messy and you're covered up with sweat.

After 2 minutes, nagreply na sya.
From: Chloe Ganda
Loko ka talaga. Haha. Mamaya mo na ako text. Mamimili pa kame ni kuya ng food para sa picnic namin mamaya ehh. Gusto kasi ni papa na makalanghap naman ng sariwang hangin si mama. I'll text you if we're done. Bye.

So ayun. I didn't bother to reply. Nag open ako ng Facebook ko sa phone ko. Sinearch ko 'Chloe Garcia'. Ang ganda nya talaga. Kahit sa picture lang. So sinave ko yung picture nya sa phone ko. Di ko muna ginawang wallpaper baka kasi makita nya. Nakakahiya.

Bumaba ako ng kwarto ko at nakita ko si papa.

"Pa, kasali nga po pala ako sa pageant. Mr. and Ms. Campus 2015 po. Si Chloe Garcia po yung partner ko."

"Ahh, yung anak ni Adrian? Yung nakatira dito sa tabi ng bahay natin?"

"Yes, pa."

"So anong talent nyo?"

"Gusto ko po sana kumanta ehh."

"Sure. I'll be there to watch you. Oh sya, I have to go. May meeting pa ako. Bye, son. Iloveyou."

"Iloveyoutoo, pa."

Kung itatanong nyo kung nasan ang mama ko, namatay sya ehh. Breast cancer. At wala akong kapatid.

I'm very excited na makasama si Chloe for our pageant. It would be great to be with her.

To be continued...

Tears Are FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon