Jason's POV.
"And for our last judge... A runway model and a fashion designing student from California University let's all welcome... MISS ZOEY GARCIA!" Halos atakehin ako sa narinig ko. Si--si Zoey? Sya ang isa sa mga judge ng pageant na 'to? How??! Tumayo naman sya at nagwave sa mga tao sa likod nya. Halata ang gulat sa mukha ng mga audience. Pati narin kay Chloe. Kasi... KAMUKHA NYA SI ZOEY! Napalunok ako ng laway sa nakita ko. Tahimik ang mga audience sa nakita.
"Wowowow... Magkamukha sila! Coincidence? Maybe... Maybe not! Haha." sabi ni Patrick. Magkatitigan kami ni Zoey habang paupo sya sa upuan nya. Gulat na gulat parin ang expression ko tapos bigla nya akong nginitian. Evil smile.
"Okay let's start." tapos binuksan na ni Patricia yung papel na hawak nya na naglalaman ng result.
"The first one who will succeed to the Q&A is........ Miss Hailee Baluyot from 8-B!" And naghiyawan naman yung mga kasection nya.
"You can now step forward.... Miss Beatriz Silvestre from 9-J!" Nagpalakpakan naman sila. Sana makapasok si Chloe....
"And you can now breathe.... *drum roll* Miss Chloe Garcia from 4-G!" Mas lalong lumakas ang hiyawan ng section namin. Ako naman tense na tense na sa mga nangyayare.
"Mukhang nakahinga naman na sila ng maluwag noh Patrick?"
"Yes Patricia. And now guys it's time for me to announce the top 3 from the boys. Are you ready?" Mas lalong lumakas ang sigawan. Lalo na ng mga babae sa gilid namin. May narinig pa nga akong 'JASON I LOVE YOU!'. Hays may Chloe na ko nuh.
"Please step forward....... Mr. Jaypee Lacsamana from 8-B!" *clap clap clap*
"You're lucky....... Mr. Joel Sarmiento from 9-C! Please step forward" nagpalakpakan naman. Matatawag pa kaya ako? Sana..
"And last but not the least...." Nafefeel kong nakatingin sakin si Chloe. Ako naman nakayuko lang.
"Mr. Jason Cruz!" Ako naman napa 'woah' at nakangiti ng napakalaki. Kasi nakapasok kaming dalawa ni Chloe. At mas lalo pang lumakas ang sigawan ng mga kaklase namin. Napatingin naman ako sa side nila Kuya Trey. Nakangiti sila pero parang may halong lungkot? Galit? Mixed emotions nalang. Bakit ganun?
"And now our TOP 6! Please give them a round of applause!" Nagpalakpakan naman silang lahat pati narin ang mga judges. Napatingin ako kay Chloe and magkatitigan silang dalawa ni Zoey. Si Chloe gulat na gulat parin pero si Zoey nakangiti lang. Pero halatang nakafake smile lang.
"Okay ang una pong sasagot sa mga questions ay ang mga girls." tapos tinawag na isa isa nung emcee yung mga girls. Pero mali mali naman ang grammar ng mga kalaban nya. Medyo disappointed ang itsura ng mga classmates nila. At ngayon turn na ni Chloe.
"And now, Miss Zoey Garcia will be the one to ask you your question." Nagulat naman si Chloe at si Zoey ngumiti lang. Go Chloe kaya mo yan.
"Here's your question , for you what is more important? To let go of your love one because you love him? Or you'll continue it because you love him?" Natigilan ang lahat sa tanong nya. May pinaghuhugutan ba sya? Si Chloe naman parang kinakabahan. Napatingin ako kay Zoey tapos tumingin sya sakin. Poker face.
"Uhmmm for me I'll stay with him. Because I love him. And if you really do, you'll stay because that's what you promised to him. That's all thankyou Miss." tinitigan lang sya ni Zoey, poker face tapos ngumiti sya at nagnod. Nagpalakpakan naman yung mga classmates namin. At nagsmile sakin si Chloe.
"Guys let's give them a round of applause!" *clap clap clap* feeling ko matatae ako sa kaba. Ganun pa man din ako pag kinakabahan. Sumasakit ang tyan ko pero di naman ako napupupu. Aalalahanin ko nalang yung paalala sakin ni Kuya Trey kanina.