Chapter 15- Heartbreak

115 26 0
                                    

Greg's POV

Di ako makapaniwala sa nakita ko, Jason kissed Chloe. Halata naman ang gulat sa mukha ni Chloe nung hinalikan sya ni Jason. Gulat na may halong kilig yun. At nasaktan ako sa nakita ko, at tingin ko hindi lang ako ang nasaktan. Nakita kong tumakbo si Joanna palayo. Di na nga nya ata inintindi kung may nababangga sya. Basta takbo lang sya ng takbo. Hinabol ko naman sya. Kami lang ang magkakaintindihan ngayon. Kita ko ang gulat sa mukha ng mga tao sa paligid namin. Tss wala 'to. Naabutan ko syang nakaupo sa likod ng puno na malapit sa school. Balita ko sa punong 'to may nakatira raw na kapre at dwen- aissshhh mamaya na nga yang creepy thoughts na yan. Nilapitan ko naman sya.

"Who the hell are you?!" Bungad nya sakin. Di nya siguro ako nakilala dahil biglaan at medyo madilim.

"Si Greg 'to. Classmate mo." tinabihan ko sya sa pagkakaupo nya. Pero lumayo sya sakin ng konti. Problema nya?

"Wha-what are you doing here?!" Kita kong nagpunas sya ng luha nya. Umiyak sya? Ayy hindi! Nagpunas nga ng luha ehh!

"Gusto kitang damayan. Alam ko ang pakiramdam mo. Parehas lang tayo ng nararamdaman ngayon. Ohh eto panyo." Inaabutan ko sya ng panyo pero nakatingin lang sya sakin.

"Bakit mo inaabot sakin yan?! Hinihingi ko ba yan ha?!" Ano ba naman 'tong babaeng 'to! Malungkot na't lahat nagsusungit parin!

"Tss ikaw na nga dinadamayan! Kung ayaw mo edi--"

"Wow!" Sabay irap sakin. Aba't! Binara pa ko!

"Alam mo kasi Greg hindi panyo ang kaylangan ko! Si Jason! Si Jason ang kaylangan ko! I need him and I love him! I want him to comfort me! I want him to be with me! I... I... I love Jason!" Sinasabi nya yun habang umiiyak. Ngayon ko lang sya nakitang ganito. Kasi palage ko syang nakikitang nagsusungit at nambubully ng kung sino. Pero ito sya ngayon. Weak and crying.

"You know what? My mom said that if you saw a girl crying, you're supposed to give that girl a hug, para maramdaman nyang may nagcacare sakanya. I care for you Joanna. Because you're my classmate. And as a classmate, ayokong makakita ng may umiiyak na babae, because they're precious." nakatingin lang sya sakin, nginitian ko naman sya.

"Greg I love him! Mahal na mahal ko si Jason.. Pero bakit? Bakit si Chloe ang nagustuhan nya? Bakit sya pa? Pwede namang ako!" Sinasabe nya yun pero umiiyak parin sya. Pero wala ng sound. Tumutulo lang yung luha nya.

"Joanna, minsan talaga, pag hindi para satin ang isang tao, hindi talaga sya para satin. Oo mahal mo nga sya pero kung may mahal naman syang iba bakit mo pa ipipilit yung sarili mo? Alam kong mahirap pero dapat maging masaya ka na lang para sakanila, marami pang lalaki dyan, hinding hindi ka mauubusan." hays ang lakas ko magpayo ng ganito pero baliw na baliw naman ako kay Chloe. Tsk tsk

"Greg... Pwede pahug?" Bago pa ako makapagreact niyakap na nya ako at umiyak sya ng umiyak sa balikat ko. Hinagod hagod ko naman yung likod nya. Hayyy ayoko talaga ng nakakakita ng umiiyak na babae.

Dapat ko na sigurong kalimutan ang feelings ko para kay Chloe. Sana makaya ko yun... Sana... Sana talaga, hindi ako ma-in love sa babaeng yakap ko ngayon... Baka kasi masaktan din ako gaya ng sakit na nararamdaman ko ngayon kay Chloe. Kung pwede ko lang sanang turuan ang puso ko, matagal ko nang ginawa. Kung maiin love man ako kay Joanna, 'wag muna ngayon. Hindi ko pa kayang makalimutan si Chloe ng ganun kadali. Matagal ko na syang gusto. Naisip kong mag joke nalang.

"Uhmm, Joanna, sana matawa ka dito. Knock knock."

"Who's there?"

"Joanna."

"Joanna, who?"

"I Joanna close my eyes, I Joanna fall asleep 'cause I miss you babe, and I Joanna miss a thing!" Nakita ko namang natawa sya kahit pinipigil nya. Maganda rin pala sya ehh.

To be continued...

Keep voting! :)

Tears Are FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon