Chapter 22. Doppelganger

111 24 7
                                    

Jason's POV

"Jason are you ready? Di na ako kinakabahan!" 

"........."

"Jason ohh ang ganda ng gown ko! Look"

".........."

"JASON!" Nagulat ako kay Chloe. Pano ba naman kasi tinampal ako sa pisngi. Pero mahina lang.

"Ahhh--ahhh ano nga ulit yun?"

"I said ang ganda ng gown ko." tinignan ko sya from head to toe.

"O--oo nga ang ganda nga ng gown mo bagay sayo." tiningnan lang nya ako.

"Jason.. May problema kaba? Kanina ka pa nakatulala dyan."

"Ahh wala wala.. Iniisip ko lang yung ano--yung pageant." nagpalusot nalang ako. Ayaw kong pag usapan ang tungkol sa nakita ko.

*FLASHBACK*

"ZOEY??!" Nabigla ako ng makita ko sya. Paanong.. Paano sya napunta dito? At anong ginagawa nya dito? Ang alam ko kasi nasa US na sya at dun na nag aaral. Dun na din sya tumira pero hindi nya kasama ang parents nya. Di ko alam kung sino ang kasama nya doon. Kaylan pa sya umuwi?

"Zoeeeeyyyy!" Tinawag ko sya. Pero nakapasok na sya sa kotse nya kasama ang aso nya. Triny kong habulin yung kotse nya pero mabilis din itong nawala sa paningin ko. Hayy di talaga ako makapaniwala na nakita ko ulit sya.

*END OF FLASHBACK*

"Jason?" Tapos tinapik tapik nya ako.

"Ahh-ahh anuyun Chloe?" Sobrang tulala nanaman ako. Ano ba yan.

"I said let's go na." nag nod naman ako sakanya at inalalayan ko na sya papasok ng kotse. Pinagdadrive kami ni Kuya Trey. Habang nagdadrive pinapaalalahanan nya kami sa mga gagawin namin sa pageant. May experience na kasi sya sa ganun. Nagchampion nga sila noon ehh.

"Ayan andito na tayo. Basta Chloe wag masyadong stiff ha. Ikaw rin Jason. Tsaka wag kayong kakabahan lalo na pag Q&A na. Act like matagal nyo ng alam na yun ang itatanong sainyo. Para mabilis nyong masasagot."

"Yes Kuya!" Tapos kiniss sya ni Chloe sa cheeks. Ako naman nauna ng bumaba ng kotse para alalayan si Chloe palabas.

"Uyy Jason ingatan mo 'tong kapatid ko ha! At goodluck sainyo. Babalik muna ako sa bahay para sunduin si Mama at Papa. Manonood kami sainyo."

"Sige Kuya akong bahala sakanya. Ingat ka." nagnod lang sya at umalis na. Habang papaalis ang kotse na hinigit ako ni Chloe sa gilid.

"Jason may problema ba? Kanina ka pa nakatulala at wala sa sarili mo. Nag aalala ako sayo."

"Wala yun Chloe. Iniisip ko lang talaga yung pageant. Don't worry na ha." at kiniss ko sya sa noo.

"Si-sigurado kaba Jason?" Kitang kita sa mukha nya ang pag aalala. Ano ba naman kasing pinaggagagawa ko!

"Yeah I'm sure. Tara na sa loob." tapos umalis na kami doon. Habang naglalakad kami nakita ko yung mga classmates namin sa gilid. May kanya kanyang dalang banners at tarpaulin na may nakalagay na 'GO CHLOE AND JASON' 'THE BEST KAYO'. Nakakatuwa lang dahil all out ang suporta nila saamin haha. Pumunta na kami sa backstage para maghanda. Pabalik balik si Chloe habang naglalakad. Halatang kinakabahan.

"Chloe? May problema ka ba? Kanina ka pa pabalik balik dyan."

"Hindi ahh.. Nagpapractice lang ako ng pagrampa." Sabay iwas ng tingin. Nilapitan ko naman sya at hinawakan sa chin nya. Eye to eye kami.

Tears Are FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon