Chloe's POV.
I forgot to tell you guys. Kaya wala si Harry and Trisha nung time na dumating na si Paowy, dahil sila na ang kumuha ng costumes na pinatahi namen ni Jason. Dumating sila nung... nung... nalaglag kame sa pool ni Greichel at yakap nako ni Jason.
"What the hell! Sa pool pa kayo nagyakapan? Pwede namang dito nalang ehh! I'll boost you up. Akin na yung kamay mo." Sabi ni Trisha. Kahit kelan talaga 'tong babaeng 'to. Si Harry naman ang tumulong kay Jason tumayo. Tas si Enrique kay Greichel. Si Greichel naman parang namumula.
Inabutan naman kame ni yaya Mildred ng towel. Pinulupot agad saken yun ni Trisha. Akala mo sya yung mama ko ehh. Napansin ko namang si tito Lorenzo, mama, papa, ate Cristine at kuya Trey ay nakatingin lang samen. Yung ngiting nakakaloko.
"Do you like my daughter, Jason?" Sabi ni papa. Pulang pula nako dito. Feeling ko sasabog nako.
"Uhmm..." sabi ni Jason. Bigla namang sumingit si tito Lorenzo.
"I think, oo. I can see to my son's eyes whenever he's talking to me about Chloe."
"Pa. Ako dapat ang nagsasabi nyan." Sabi ni Jason. Wh-what?! Sya dapat ang nagsasabi? So gusto nya nga ako?
"Yes, tito. I like your daughter. A lot. Unang beses na nakita ko syang umiiyak, I started to like her. She's kind and beautiful. Pero maraming nagkakagusto sa kanya." Sabi ni Jason. Sinabi nya talaga yun sa harap ng family ko?! That guy!
Greg's POV
Umamin na si Jason sa harap ng lahat. Paano na 'to? Gusto ko syang mahalin kahit alam kong hindi pwede. Oo, alam ko ang tanga ko para gawin 'to sa sarili ko. Pero dito ako masaya ehh. Ang mahalin sya sa malayo. Ang mahalin sya kahit hindi nya alam. Ang subaybayan sya kahit hindi nya nakikita.
Gusto ko syang alagaan. Pasayahin. Gusto kong ibigay sa kanya lahat ng meron ako. Pero paano ko yun magagawa? Kung ngayon palang kitang kita na sa mga tingin nya kay Jason, alam kong may something. At yung mga tingin nya na yun ay kailanman hindi nya magagawa saken.
Kailangan ko na nga sigurong mag move on. Pero paano? Almost 4 years ko na syang gusto. Mahal na mahal ko sya. Bakit ba sya ang minahal ko?
Jason's POV
Nagulat silang lahat sa sinabi ko. Si Joanna nag walk out. At si Greg naman ay nakita kong nakatulala. Siguro nasasaktan na sya ngayon. Kita naman sa mga mata nya na mahal nya si Chloe. Bakit nga ba hindi nalang silang dalawa ni Joanna ang magmahalan para lahat kame masaya? Si Trisha at Harry nagliligawan na. Nauna pa samen ni Chloe ehh.
"I like you for my sister, Jason. You should take good care of her." Nagulat ako sa sinabi ng kuya Trey nya. Kahit si Chloe nagulat din ehh.
"Ye-yes. I would. Thanks for trusting me with your sister."
Natahimik ng ilang segundo ng biglang kumahol si Paowy. Nagugutom na siguro. Kinuha na sya ni yaya Mildred kasama ni Pompom para pakainin.
"Bess, eto na nga pala yung costumes nyo ni Jason." At binigay nya na kay Chloe yung costume nya.
"Thanks." Sabi ni Chloe kay Trisha.
"Bumili na rin kame ng accessories nyo ni Chloe." Sabi naman ni Harry. Halatang natuwa si Chloe.
"Naggagabi na ohh. Baka malayo pa yung bahay ng iba nyong kaklase. Goodnight, guys!" Sabi ni mama. Este mama ni Chloe.
"Oo nga. I think kailangan nyo na umuwi. Baka kung mapaano pa kayo." Sabi ni papa. Nag thank you naman sila kila papa at tito Adrian sa food.
Nung nakaalis na silanh lahat at kami nalang ni papa ang natira dito, nagpaalam nako kay Chloe.
"I'm willing to wait for you, Chloe. Goodnight. Sweet dreams." At saka ko sya hinalikan sa noo. Namula naman sya.
"Thanks, Jason. For always making me feel so good. Goodnight, Sweetdreams."
Nag 'ayieeee!' Naman ang family namen. Nakakatuwa lang. Haha. Umuwi na kame ni papa. Nasa tabi lang ng bahay nila Chloe ang bahay namen ni papa. Kinausap nya ako pagdating namen sa bahay.
"Jason, I like Chloe for you."
"Thanks, pa."
"Sleep now."
"Yes, pa. Goodnight."
Sa wakas, naamin ko rin. Naamin ko rin sa kanya na gusto ko sya. I hope she feels the same way.
To be continued...
Keep voting! :)