Chapter 26. Revenge

103 20 1
                                    

Chloe's POV

"Miss Chloe Garcia, Will you be my girlfriend?" Napaluha naman ako. Di ko inaasahan na ganito ang mangyayare. Di ako ready. At dahil dun ibinigay ko ang sagot ko.

"Jason..... NO." nabigla ang lahat sa sinabi ko. Pati si Jason. Halata ang gulat sa mukha nya. Pero sa totoo lang joke lang yun hahaha gusto ko lang talaga malaman ang reaction nya.

"N---no?" Paiyak na sya nun! Hahaha priceless ang reaction nya. Pano ba naman kasi bigla nalang syang yumuko at nanginginig doon.

"Joke lang Jason! Hahahaha!" Tapos tumawa ako ng tumawa doon. Hinahampas hampas ko pa sya.

"Gusto ko lang talagang malaman ang reaction mo hahaha pero seryoso na.. Jason.. YES. From now on.. Girlfriend mo na ako." parang loading parin sa kanya yung mga sinabi ko. Adik talaga 'tong lalaking 'to.

"You mean... Yes?" Kita kong nagsmile na sya. Napasmile narin ako.

"YES JASON! Ye––" pero bago ko pa matapos yung sasabihin ko nagtatalon na sya doon at niyakap nya ako. Ako naman tawa ng tawa. Sobrang saya. Sobrang kilig. Sobrang inlove.

"Thankyou Chloe! I love you Miss Chloe Garcia!!!!!" Sinigaw nya.. Sinigaw nya na mahal nya ako! Sobrang sarap sa feeling. Parang ayoko na matapos ang araw na 'to. At ayun pagtapos ng proposal na yun nagsipasok na lahat sa classroom yung iba. Buti nalang dalawa ang quadrangle sa school na 'to. Yung isa is for pageants and stuff at yung isa naman ay sa flag ceremony lang. Yaman diba? Hahaha!

"Uyy Chloe congrats ha! Kayo na pala ni Jason!"

"Uyy Chloe congrats!"

"Congrats Chloe!" Puro yan ang naririnig ko pagpasok ko sa room. Ako naman thankyou lang ng thankyou sa kanila. Mukha akong nanalo sa contest. Pero syempre? Mas daig ko pa ang nanalo sa contest sa nangyare kanina. At yung price ko ay puso nya.

"Babe! Kiss ko?" Ayan na sya nangulit nanaman. Nagrereklamo kasi sya kasi di ko raw sya kiniss sa lips kanina. Like hello? Nasa school po kami!

"Ihhh saka na Jason! Maghirap ka muna." tas dinilaan ko sya! Haha conservative ako nuh!

"Aantayin ko ang tamang panahon." tas tumawa sya dun sabay pinisil nya ang cheeks ko. Pasaway talaga!

"Congrats Garcia!" Napatingin naman ako kung sino.

"Joanna? Uhmmm tha--thankyou!" Nauutal parin ako. Hindi dahil sa takot ako. Nagulat lang ako. As in Joanna Guzman? Masungit at suplada. Tapos biglang susulpot sa harap ko para batiin ako? Di ako makapaniwala.

"Friends?" Tapos inabot nya ang kamay nya saakin. Nagdadrugs ba sya? O nagkakamabutihan na sila ni Greg kaya limot na nya ang lahat?

"Su--sure. Friends." tapos inabot ko ang kamay nya. Tapos hinug nya ako.

"Pasensya ka na sa mga nangyare noon. Nabulag lang siguro talaga ako kay Jason kaya nagkaganun ako."

"Naku Joanna kalimutan mo na yun. Ang importante maayos na tayo ngayon." para naman akong nabunutan ng tinik. Di lang siguro tinik. Siguro isang malaking malaking tinik.

"Joanna salamat." tapos inabot ni Jason ang kamay nya kay Joanna. Inabot naman yun ni Joanna. Napangiti ako. Ayos na ang lahat. Pero may isang bumabagabag sa isip ko. Kumusta na kaya si Miss Zoey?

Joanna's POV.

"Miss Guzman? May tawag po kayo." Inabot sakin ng maid namin yung telepono sa bahay. Sino naman kaya ito?

"Who's this?"

"Hulaan mo."

"Okay bye--"

"Joke lang Joanna! Si Greg 'to." Like what the F? May phone naman ako bakit dito pa tumawag 'tong kumag na 'to?

Tears Are FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon