Isa lang akong simpleng babae. Sakto lang ang height, maputi, maganda, at mabait. Tulad ng ibang babae, mahilig din ako mag ayos ng sarili ko. Hanggang sa nakakilala ako ng isang lalaki. Isang lalaki na pinapangarap ng karamihan. Na swerteng saakin napunta. Ewan ko ba. Parang lumulutang ako sa langit pag kasama ko siya. Yung tipong mas gugustuhin ko na lang managinip ng napakaganda at di na lang ako magising. Panaginip na hahanap hanapin ko kung sakaling maputol yun sa oras na magising ako. Alam ko nararamdaman nya kung gaano ako kasaya sa tuwing kasama ko siya. Kung gano nya ako napapangiti sa mga simpleng bagay na nagagawa nya. At higit sa lahat, kung gaano nya napapabilis ang tibok ng puso ko , NA SAKANYA KO LANG NARAMDAMAN AT NARANASAN. Enjoy my story guys :)
Vote for my story! Happy reading!