Chapter 30. The Box

72 19 2
                                    

Dedicated to @redpinky
Zoey's POV.

"Ohhhh Zoey bakit mo ko pinapunta dito? Is there any problem?" Lumapit sakin si Greg. Andito sya sa bahay ko. I invited him. Gusto kong kumuha ng information about Chloe and Jason. Kahit na may hinire akong spy para matyagan ang kilos nila, di parin ako kuntento. Gusto ko manggaling mismo sa kaibigan nila KUNO.

"Nothing." Sabay inom sa beer KUNO na hawak ko. Pinalitan ko na ng juice 'tong laman ng bote ng beer na hawak ko bago sya dumating . I have a plan. A very brilliant plan.

"Kung ganun pala bakit mo pa ko tinawag dito? Hmmmm ahhh alam ko na! Gusto mo kong tulungan kita dyan sa beer na iniinom mo? Tara shot tayo!" Sabay kuha nung isang bote sa table ko. Di ko naman sya pinigilan. Lalasingin ko sya. Dahil ang lasing, di nagsisinungaling.

"Oo damayan mo ko. Kaylangan ko ng karamay." Tapos naglabas pa ako ng isang case ng beer sa ilalim ng table ko. Nagreserve na ko ng para sakin. Puro empty bottle. Di ako basta basta naiisahan.

"Wow may balak ka talagang maglasing noh? Panigurado may problem ka hahaha!"

"Shut up! Let's cheers!" Nakipagcheers naman sya saakin sabay lagok sa beer nya. Tuwang tuwa naman sya. Ininom ko naman yung beer ko KUNO.

"Tell me Zoey. May problema ka ba? Pera? Lalaki? Studies? Pag usapan natin yan." Sabay inom sa beer nya. Tinignan ko naman sya ng masama. Medyo natatawa naman sya.

"Wala akong problema. Ano? Kumusta na kayo ni Chloe?" Napatigil naman sya. At uminom ulit sya.

"Wala ehh! Si Jason talaga ang mahal nya. Mahal na mahal na mahal nya. Dumi lang ako sa kanila. Isang maliit na dumi."

"Hahaha! You're funny! And pathetic at the same time. Minamahal mo parin yung babaeng walang pake sayo. Tanga ka ba?"

"Oo ehh. Tangang tanga na ko sakanya Zoey. Alam mo yung feeling na gustong gusto mo sya tapos may mahal naman syang iba? Sarap nilang paghiwalayin leche!" Sabay lagok sa beer nya at... 4 na bote na nauubos nya?? Ang bilis naman. Mukhang magtatagumpay ako.

"Pwede mo namang agawin diba? Madali lang yun para sayo!"

"Umasa ka pa! Wag na! Maghihiwalay din naman sila kasi nga.. WALANG FOREVER hahahahaha!" Tapos uminom sya. Habang tumatagal parami ng parami ang naiinom nya. Bagsak na sya sa couch ko. At nagsasalita na sya mag isa habang tumatawa.

"T*ngin* mo Jason! Hahaha pak*u ka pala ehh! Akin dapat si Chloe g*go. You b*tch!" Salita sya ng salita habang nakatingin sa picture ni Chloe at Jason. Nagpost kasi si Jason ng pictures nila ni Chloe sa FB. Tinititigan pa ni gagu haha. Binaba ko naman yung beer na hawak ko. Sinet ko na ang sound recorder. At nilapitan ko sya.

"Now Greg. Tell me something about them." Tulog na sya. Eto na ang tamang timing. Jason.. Get ready *evil smile*

Jason's POV.

Ang ganda ng gising ko. Sabagay sino ba naman ang di maganda ang gising kong pagkamulat palang ng mata mo picture nyo agad ng girlfriend mo makikita mo. Dinikit ko kasi yung picture naming dalawa ni Chloe sa ceiling ng kwarto ko. Malaking picture hahaha. Pero naalala ko bigla yung conversation namin ni Zoey. Bakit naman nya itatanong sakin yung mga ganung bagay? Tss pero nung nakausap ko sya ewan ko pero parang may naramdaman akong kakaiba. Hayy siguro pagod lang talaga ako nun.

*dingdong* *dingdong*

Oh? Ang aga naman ni Marian magtawag? Haha joke! Bumaba ako agad para tignan kung sino yung nagdoorbell. Baka si Chloe? Haha excited ako. Binuksan ko na yung pinto.

"Chloe my... Ohh sorry kuya! Ano po yun?"

"Kayo po ba si Mr. Jason Cruz?"

"Ako nga po. Bakit po?"

"May nagpapabigay po sainyo nito." May binigay sya sakin na box. Ang ganda ng wrapper ahh. Tinignan ko yung nakalagay na note.

'Have a nice day sweetie!'

"Ehh kuya kanino..." Hala? Wala na sya? Ang bilis naman nya mawala. Kanino kaya galing 'to? Baka kay Chloe. Hayyy babe talaga ohh. Pumasok na ko sa loob. Tinignan ko yung laman nung box. Sound recorder at isang envelope na puro pictures yung laman. Pinlay ko yung recorder. Teka??? Boses 'to ni Zoey ahh! Nagsisigaw sya at nagmamakaawa habang umiiyak. At sinisigaw ang pangalan ni Greg. Napaclosed fist ako sa narinig ko. Tumaas ang dugo ko sa ulo. Nanginginig ang buong katawan ko sa galit. Binuksan ko yung envelope at kinuha ang mga laman nito. Tinignan ko ito isa isa. Mas lalo akong di nakapagpigil sa nakita ko. Gusto kong pumatay ng tao. Magkatabi si Greg at Zoey sa kama habang umiiyak sya. At kumot lang ang nagtatakip sa katawan nila. Greg raped her.

To be continued...

Keep voting! Yemajigop for the cover! Yay!

Tears Are FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon