Jason's POV
Simula nung narinig ko yung panig ni Chloe about sa nangyari kahapon, I feel so stupid. Naiinis ako sa sarili ko. Kasi nasaktan ko siya. At di ko siya masisisi kung sakaling lumayo ang loob niya sa akin. Pero 'wag naman sana. Dahil baka mabaliw ako.
Naglalakad lakad ako at hindi ko alam kung saan na ba ako papunta. Pinauwi ko na yung driver ko dahil gusto kong mapagisa.
Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng isang mini bar. At dahil gusto kong makalimot kahit paano, pumasok ako doon sa loob.
Zoey's POV
Nakita ko. Nakita ko ang lahat ng pangyayari. Simula sa tapat ng bahay ng dati kong family hanggang ngayon dito sa mini bar. Nakakaramdam ako ngayon ng inggit at galit. Inggit dahil napagtatanggol ni kuya Trey si Chloe. At naaalagaan din siya nila mama. Kaya I will ruin her life! Nagagalit ako dahil sa nangyari sa amin noon. Chloe will pay for this. I swear!
Nakakailang bote na si Jason. He looks so miserable. I have a brilliant plan. Or should I say, EVIL PLAN. Hahaha!
Nakabagsak na yung ulo ni Jason sa lamesa. Dami nang bote ang naubusan ng laman. Ganun ba talaga siya nasaktan? Or baka trip niya lang uminom? Hahaha!
Ako na ang nagbayad ng mga ininom ni Jason. Dadalhin ko siya sa hotel at doon ko isasagawa ang evil plan ko. Mwahahahaha. *insert evil laugh*
Sinakay ko na sa kotse ko si Jason at nagpadrive ako sa driver ko sa isang malapit na hotel. Nababasa ko sa mata niya na iniisip niya kung sino itong kasama ko at kung bakit pa kami sa hotel pupunta. Well wala na siyang pakielam dun.
Nakapasok na kami ngayon dito sa kwarto. I took off my top. Si Jason tulog pa rin. When Im trying to take off his top, he moaned at nagulat ako nung bigla siyang nagsalita.
"Oh please. Di kita kilala. Pero may girlfriend ako. Itigil mo yan." Maluha luha ako nung bigla niya yang sinabi. Hindi niya ako nakikilala at hindi niya rin alam kung sino ako pero loyal pa rin siya kay Chloe. Eto na ba talaga ang nagagawa ng love? Grabe. Nagiguilty ako ngayon sa ginagawa ko.
"Mahal kita." Bigkas ni Jason. Kahit alam kong hindi ako ang tinutukoy niya, sumagot pa rin ako.
"Mahal rin kita, Jason. Mahal na mahal." Naluluha kong sabi. Ang swerte ng twin sister ko sa kanya. Pero hindi pwede, itutuloy ko pa rin ang plano kong sirain ang buhay niya.
Oo, mahal ko pa rin si Jason. At gusto ko siyang mabawi mula kay Chloe. Pero paano na? Eh hindi na niya ako mahal. Si Chloe na talaga.
"Zoey.... mahal kita." Laking gulat ko ng lumabas yan sa bibig niya.
"Pa-paki ulit nga."
"Mahal kita.... Zoey." Sa sobrang saya ko, naisipan kong ipagluto si Jason para magising na siya. Kumuha ako ng bimbo at pinunasan ko siya. Mushroom soup ang niluto ko para sa kanya.
Nang mahihimasmasan siya ng konti, naidilat niya na ng maayos ang mga mata niya.
"Zoey?" Pagtataka niya. So all this time hindi niya pala alam na ako ang kasama niya?
"Oo ako nga. Jason, uhmm. May gusto lang akong malaman mula sayo. Sa sinabi mo kanina. Uhmm."
"May sinabi ako kanina? Ano yun?"
"Sabi mo mahal mo ako. Totoo ba yun?"
To be continued...
Vote for my story guys! :) please do read my second story. Overdose of Love. Thankies.