Surprisingly, the travel passed by quickly. Itinulog ko na lang ang buong byahe dahil wala naman akong magagawa. Gusto ko man makinig ng music ay hindi naman pwede dahil polytone lang ang mga tugtugan sa antique na cellphone ko.
Nang makarating kami kung saan kami magste-stay over night ay hindi na ako tinapunan ng kahit saglit na tingin ni Sage. May kung ano sa dibdib ko na naiinis dahil doon. Gusto ko magpapansin sa kanya pero hindi ko alam kung paano. Wala akong maisip na bright idea ngayon.
Nagtagal pa kami sa labas ng resort dahil kinakausap pa ni Coach Abueva at ng isang head student assistant ang receptionist para sa reservation ng buong team. Ginamit nila ang oras na iyon para makipagdaldalan sa mga kaibigan habang ako naman ay nakanguso lang na sinusulyapan si Sage na masayang kausap ang ibang team mates niya. Hindi magkalayo ang kinatatayuan naming dalawa kaya naririnig ko ang pinag-uusapan nila kahit na hindi ako sigurado kung tungkol saan.
"Maria," narinig ko ang malakas na pag tawag sa pangalan ko kaya atomatiko na napaalis ang tingin ko kay Sage para hanapin kung sino ang tumawag sa akin.
Napaangat ang mga kilay ko nang makita ko si Marcus. Sino pa nga ba ang ibang tatawag sa akin dito? Wala naman akong masyadong kasundo sa grupo na ito maliban kay Rome at Marcus. Hindi pa ako sure kay Sage kaya hindi siya kasama doon.
"Hi, Marcus." mahinhin na bati ko at ngumiti sa kanya. Binigyan ako ni Marcus ng nakakalaglag undies niyang ngiti.
Gwapo talaga si Marcus. May pagka-singkit ang mga mata niya. Matangos ang kanyang ilong. His jaw weren't as defined as Sage, but the structure of his face was perfect. Manipis at mapula rin ang labi niya. His masculinity was emphasized by his tanned skin. I'm just not sure if it's innate or it's because of his sports.
"Sama ako sayo the whole trip, ha? Is that okay?" nakangising tanong ni Marcus. Napakagat ako sa labi ko at wala sa isip na tumingin sa gawi ni Sage. Tumalon ang puso sa loob ng dibdib ko nang mahuli ko siyang nakatingin sa amin ni Marcus. Nakakunot ang noo niya at parang may pagkainis na gumuguhit sa mukha niya.
Napalunok ako nang binigyan niya ako ng makahulugan at galit na mga titig. May kung ano na umikot sa loob ng tiyan ko. Nagseselos ba siya? He probably is. I can't think of other possible reasons that would make him want to look at me that way, like I've done something bad to him.
Then I realized that this is the first time that he's acknowledged my very existence since we first arrived at the resort. Pinapansin niya ulit ako. At dahil iyon sa nagseselos siya.
Unti-unting may mapanukso at malawak na ngiti ang nabuo sa mga labi ko. Tumaas ang kilay ni Sage nang makita niya ang pagngiti na ginawa ko pero inalis ko ang tingin ko sa kanya at tiningnan si Marcus na umaasa sa isasagot ko sa kanya.
Tumango-tango ako kay Marcus. "Gusto ko yon."
Parang nanalo ng lotto si Marcus ang tumango rin sa akin. Humahalakhak pa siya ng bahagya na parang kulang pa sa kanya ang pagngiti niya para ipakita na masaya siya sa sagot ko.
"Promise?" he grinned at me. I made sure to angle my face towards Sage before flashing back the cutest grin that I could ever make up.
BINABASA MO ANG
The Ugly Duckling (PUBLISHED UNDER PSICOM)
Teen FictionIf you're looking for the ugly duckling who turned into a swan, then you got the wrong book. Les' best friend, Dee, just got rejected by the love of her life. According to the guy, ayaw niya sa babaeng conservative, hindi aggressive, underdog, weak...