Ugly #12

92.1K 2.8K 132
                                    

“Savellano! Cipriano! What the hell is happening here?!” Napangiwi ako nang marinig ko ang malakas na boses ni Coach Abueva. Oh, they’re doomed. I can feel it. They’re both dead. Hindi ko alam kung paano magparusa si Coach but I know that it won’t be good.

Hinintay ni Coach na sumagot sila pero ni-isa sa dalawa ay walang sumagot sa tanong ni Coach. I bit my lip as I looked at Coach’s lethal expression. He’s really scary.

“Kayo? Anong nangyari dito?” Nilingon ni Coach ang buong team. Pati ako ay nahagip niya ng tingin. Kinabahan tuloy ako na baka tanungin ako ni Coach. I know I’m supposed to tell the truth but I don’t know if I can say how Marcus raised his fist first dahil ipinagtatanggol niya lang naman ako. Ayaw ko siyang mapahamak. Okay lang na kahit si Sage na lang since he deserves it.

“Maria, nakita mo ba ang nangyari?” I jumped when Coach did what I’m afraid he’ll do. Napapikit ako at napakagat sa labi ko. Hindi ko alam kung anong dapat sabihin ko. Damn.

“Nagkapikunan lang kami ni Savellano, Coach. No big deal.”

“No big deal? You all know my rules. I strictly told you that I don’t want any brawl in my field. At anong ginawa niyo?” Wala ulit sumagot sa kanila. Pati ang ibang players ay walang imik.

“How about you, Savellano? Aren’t you going to say something?”

“Kung pikon ang pag-uusapan—you should ask Cipriano about that, Coach. He’s the one who punched first, after all.” Walang emosyon na kumibit-balikat si Sage. Kalmado na siya at mukhang parang wala lang sa kanya ang nangyari kanina. His cheek bone was bleeding though.

“Ikaw ang nagsimula?” Tiningnan ngayon ni Coach si Marcus. Pakiramdam ko ay kailangan ko nang ipagtanggol si Marcus. Ayaw ko siyang mapahamak sa ginawa ko. If I want someone in trouble, si Sage na iyon.

“C-Coach, ipinagtatanggol lang ako n-ni Marcus kay Sage. N-Natamaan ko kasi si Sage ng bola sa ulo at nagalit si Sage. Nagkasagutan silang d-dalawa kaya nagalit si Marcus—”

“Hindi ikaw ang tinatanong ko, Sebastian.” Bigla naman akong namula sa hiya sa sinabi ni Coach. “I’m asking you, Cipriano. Ikaw ba ang naunang sumuntok?”

Hindi sumagot si Marcus at pinanuod ko ang pagkuyom ng mga panga ni Coach. Umiling-iling siya. “If you’re not a good sport, then don’t start an argument. Ilang beses ko sasabihin sa inyo ang bagay na yon? Nasa isang team lang kayo. Hindi kayo magkalaban. Soccer ang laro niyo, if you wanted to play boxing then you shouldn’t have joined my team.” Wala pa rin sumagot sa kanilang dalawa.

“Thirty laps, Cipriano. Start now.” Coach turned his head to Sage whose cheek is bleeding before looking at me. “Dalhin mo si Sage sa office, Maria. Fix his wound. Go.”

Tumango ako kay Coach. I don’t like to be alone with Sage right now dahil bago mangyari ang lahat ay halos patayin niya ako sa tingin niya kanina. Tiningnan ko si Sage. “Uhm…”

Umirap siya sa kawalan. Hindi siya nakatingin sa akin pero alam ko na ako iyong iniirapan niya. Tumalikod siya at nilampasan ang ibang team mates niya. Naglakad siya patungo sa office ni Coach at sinundan ko naman agad siya.

The Ugly Duckling  (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon