Ugly #39

80.2K 2.5K 250
                                    

I thought Sage was going to stop after the stunt I pulled. I thought he'd give up and leave me alone after the way I made him leave. It's been three days since that happened but my thoughts were nothing but hopeful presumptions.

Bumalik ang paghihintay sa akin ni Sage tuwing papasok at uwian, pero kahit ganoon ay hindi ako sumasabay sa kanya. I would drive myself to school and he'll just tail my car with his. Hanggang sa room pa nga ay sinasabayan niya ako sa paglalakad kahit na hindi ko naman siya pinapansin. Sage would mumble his goodbye or tell me to take care every time we'll reach my room and I would ignore and leave him without throwing him a single glance.

Tuwing vacant time ko naman ay bigla na lang siyang susulpot at sasamahan akong kumain nang wala man lang paalam. He'll just sit beside me or across me with a tray in hand, then eat silently.

Alam ko kung bakit niya ginagawa ang mga bagay na iyon kahit na hindi ko naman siya pinapansin. He's trying to make a point. Sage wanted to send a message saying that I could push and ignore him all I want but he's not going anywhere.

Hindi ko talaga alam kung gaano katagal niya pa gagawin ito. At hindi ko rin alam kung gaano katagal ko pa makakayanan ang tiisin siya. Sa bawat araw na dumadaan kasi kahit hindi dapat ay nanghihina na ako.

I miss annoying him. I miss teasing him and making his eyes roll. I miss the way he pulls me close whenever I laugh at my own jokes. I miss the forehead kisses, the feeling of his hands clasped with mine, and the endless talks of things that were inconsequential to the whole world.

Whenever he's around, I couldn't help but melt. Baka marinig ko lang sa kanya ang nararamdaman niya para sa akin ay baka kalimutan ko ang lahat-lahat at hindi magdadalawang isip na magmakaawa sa kanyang tanggapin ako ulit—the video be damned.

Mag-isa ako ngayon ulit sa table at katulad ng inaasahan ko ay dumating si Sage bitbit ang isang tray na may nakapatong na mga pagkain niya. Napabuntong hininga na lang ako sa isipan ko nang umupo siya at sa pangalawang pagkakataon ngayong araw ay nakita ko ulit ng malapitan ang napakagwapo niyang mukha. Umikot ang tiyan ko at ilang beses na kumirot-kirot ang puso ko sa matagal na pagtingin an ginawa ko sa kanya.

I mentally groaned and forced myself to look down. I resumed eating, acting flippantly at Sage's presence even when my knees are shaking. I was so affected by him—so very affected.

"Maria Celestine..." walang emosyon na inangat ko ang mga mata ko para malaman ang dahilan sa pagtawag niya sa pangalan ko. If he wants to announce his majestic presence, he didn't need to. I could feel him even within ten yards away from me. I was that tuned to his body.

"I... bought you your favorite." nag-aalinlangan ang boses niya habang inilagay ang isang cup ng ice cream sa harapan ko. Hindi ko na kailangan silipin ang loob para malaman na strawberry flavor iyon.

"Ayaw ko n'yan." malamig na sagot ko kahit ang totoo ay gusto ko. May lamat ang puso na inalis ko ang tingin sa ice cream bago ipinagpatuloy ang pagkain ko.

"Anong gusto mo? Sweets? Cupcake?" nang tiningnan ko si Sage ay inililibot niya ang mga mata niya sa mga food stalls sa loob ng cafeteria na parang naghahanap ng pwedeng bilhin para sa akin.

Alam ko ang ginagawa ni Sage. He's trying to see if I was going to talk to him, at kapag naging maayos ang pakikipag-usap ko sa kanya ay paniguradong hihingi siya ng pagkakataon sa akin para magpaliwanag. I don't need to hear any of his explanation. It wouldn't change anything.

Hindi ako sumagot kaya napabalik ang tingin ni Sage sa akin. Nang nagtama ang mga mata namin ay bumaba ang tingin ko sa labi niya. Wala pa ngang limang segundo ay naramdaman ko na agad ang pagkirot ng puso ko. My mood darkened.

The Ugly Duckling  (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon