I regret everything.
I know that I said I wouldn't, but my friends didn't know that I was lying when I said that. I lied because I didn't want them to know how planning everything to push Sage away was tearing me apart.
Pinilit kong sabihin sa sarili ko na kaya kong gawin ang lahat ng ito. Na ito ang dapat kong gawin dahil ito ang tama. I assured myself that I could survive this without a wound, and yet here I am, bleeding beyond comprehension.
Kahit na alam ko na ang mga mangyayari. Kahit na planado na ang lahat ay hindi ko napigilan ang pagkirot ng puso ko nang ipakita sa akin ni Avis ang video.
Cess was so good that the video looked real to me. Her editing skill was so effective that I even broke my own heart watching it. Hindi ko inaasahan na masasaktan ako nang makita ko ang video kung saan hinalikan ng isa sa mga kaibigan ko si Sage. Akala ko ay ayos lang sa akin. Na kaya ko. Pero masakit pa rin pala.
I planned it all. I schemed it. I was already expecting all of it to happen. I was the one who choreographed everything and yet I am hurting and there was no stopping the pain.
Ilang beses akong muntik bumigay nang sinuyo ako ni Sage. Guilt. Pain. Frustration. Iyon ang mga nararamdaman ko habang pinapanuod siya nung gabing nagpaliwanag siya sa akin. He pleaded me with his life to believe him. I wanted to physically hurt myself for being so coldhearted when I told him that I didn't care.
Galit na galit ako sa sarili ko. Galit ako sa ginawa ko kay Sage. Galit ako sa malaking katangahan ko. Galit ako dahil nasasaktan ako kahit sinabi ko na hindi dahil ako naman ang may kasalanan.
Ang sabi ko ay hindi ako masasaktan pero heto ako ngayon at paulit-ulit na pinapahid ang bawat luha na tumutulo sa magkabilang pisngi ko.
Akala ko kaya ko. Akala ko kakayanin ko. Yun pala ay hindi. Hirap na hirap na ang dibdib ko ngayon sa sobrang bigat. Pagod na ang mga mata ko kakaiyak. Ilang oras pa lang ang nakalipas nang sabihin ni Sage na tapos na siya sa akin ay pagod na agad ako. Paano pa kaya sa mga darating pang susunod na araw?
I don't deserve Sage. I deserve this and all the pain that I'm feeling right now. I deserve more. Hindi karapat-dapat sa isang tulad ko na sumaya. Nagawa kong saktan ang unang tao na nagmahal sa akin bukod sa pamilya at mga kaibigan ko sa pangalawang pagkakataon.
Sage was right. I'm cruel. I'm damn cruel. I was insensitive. Kung ano ang magustuhan ko ay ginagawa ko iyon nang hindi masyadong pinag-iisipan. Gawa lang ako ng gawa at hindi man lang iniisip kung may ibang nasasaktan.
A knock slowly rapped on my door and my whole body went frigid. I was busy feeling sorry for myself that I forgot to lock the door when I entered my room. I knew it was too late to hide my tears when the door opened and I saw my mother standing by the doorway.
"Celestine-" napahinto si Mommy sa pagsalita nang makita niya ang itsura ko. Hindi ko man kita ay alam kong namumula ang ilongko at namumugto ang mga mata ko sa sobrang pag-iyak. Basa pa rin ang pisngi ko dahil kahit anong habol ang ginagawa ko sa mga luhang pumapatak ay patuloy pa rin sa pagbagsak ng mga iyon sa magkabilang pisngi.
"Maria Celestine," my mother gasped and she quickly made her way to my bed. "What happened, sweetie? Why are you crying?"
Gusto kong sabihin ang lahat-lahat. Gusto ko i-kwento sa kanya ang mga nangyari mula sa umpisa pero walang lumalabas na kahit ano mula sa akin. Kahit anong pilit ko ay hindi ko maibuka ang bibig ko.
And even if I had the ability to speak, I would most probably just end up a sobbing wreck if I'm going to explain everything to her. I opted for just shaking my head. I bit my lip and stared at the blurry image of my mother. "Can you give me a hug, mom?"
![](https://img.wattpad.com/cover/23980663-288-k145937.jpg)
BINABASA MO ANG
The Ugly Duckling (PUBLISHED UNDER PSICOM)
Teen FictionIf you're looking for the ugly duckling who turned into a swan, then you got the wrong book. Les' best friend, Dee, just got rejected by the love of her life. According to the guy, ayaw niya sa babaeng conservative, hindi aggressive, underdog, weak...