I held my breath. May plano naman pala siya magpakilala. Gusto pa ata sa personal. I wonder who this texter is. OMG. Baka si coach?
Me:
Okay lang.Wala pang sampung segundo ay biglang may naglapag ng tray sa harapan ko. Napaangat ang ulo ko dahil doon at napanganga nang makita ko si Marcus na nakangiti at papaupo sa table ko. So hindi si Coach?
“Ikaw ang…”
Ngumiti si Marcus. “Salamat sa upuan.”
Napatingin si Marcus sa buko juice na nasa harapan ko. Napatingin din ako doon at hindi ko mapigilan ang pamumula ng mukha ko. Naalala ko yung message niya sa akin kanina.
“Sorry sa… buko juice. I didn’t mean to make it sound like a sexual innuendo.” Mas lalong binalot ng pamumula ang mukha ko. Hindi ako nakagot sa kanya kaya tinawan niya ako. “I bought you pasta from Hasty’s. Peace offering?”
Hindi ko pa rin makalimutan ang pamumula ng mukha ko sa pangyayaring iyon. Marcus ate a quick lunch with me. Kahit na busog ako, napilitan akong kumain dahil bumili siya ng pasta for me. I’m not the type who wastes food. Sanay ako mahiya at nakakahiya na tanggihan ang pagkain na nabili na niya.
He explained how he got my number. Nakuha daw ni Rome kay Coach Abueva and he asked my number from Rome dahil hindi na niya nahingi sa akin iyon nang nagmadali akong umalis nung huli kaming nagkita.
Sunod ako na kinamusta ni Marcus. He asked about the emergency that happened the other day and I smoothly lied to him na na napasukan ng masasamang loob ang kapitbahay ko. Thus, him asking where I live and I told him that I’m staying in a small apartment. Tinanong niya ang mga magulang ko and I just told them na nasa lugar sila kung saan ako lumaki at nag apartment ako para malapit sa University.
Those are half baked truths pero at least I didn’t lie. I just didn’t give him straight and detailed answers. Mabilis lang iyon. Siguro pagkalipas ng half hour ay umalis na rin siya agad. Ipinaliwanag niya na meron pa siyang next class. Mas maaga ang lunch niya sa akin ng half hour kaya nagkaabot pa rin kami kahit papaano. Marcus said it was sheer luck na nagkita kami, assuring me that he wasn’t talking me.
Bago siya umalis, ipinaalala niya sa akin ang utang ko sa kanya. Tinanong niya ako kung kailan ako magiging available and I told him na maaga ang dismissal ko on Saturday kaya hiningi niya sa akin ang araw na yon. Syempre, pumayag ako. I am starting to like having Marcus around. Pakiramdam ko ay genuine naman ang pakikitungo niya sa akin.
When he finally left the canteen, I can feel that all eyes are on me. Lahat sila ay may malalagkit na tingin. Most of them are looking at me while tapping on their phones. Of course it was a big deal to them. Marcus Cipriano is a popular jock. Gwapo siya kaya paniguradong marami rin ang nagkakagusto. It probably surprised them that their popular jock chose to eat his lunch with me. Me—the unworthy ugly duckling.
Siguro marami sa kanilang ang nagtanong kung end of the world na ba nung nakita kami ni Marcus na magkasama. Beauty and the Beast, all right. At alam na agad ng lahat kung sino sa aming dalawa ang beast.
BINABASA MO ANG
The Ugly Duckling (PUBLISHED UNDER PSICOM)
Teen FictionIf you're looking for the ugly duckling who turned into a swan, then you got the wrong book. Les' best friend, Dee, just got rejected by the love of her life. According to the guy, ayaw niya sa babaeng conservative, hindi aggressive, underdog, weak...