Umalis na ang kausap ni Coach nang makalapit ako sa kanila. Coach gave me his attention when he noticed my presence.
Nakasimangot siya kagaya ng lalaking katabi niya ngayon. Wala namang bago sa pagsimangot ni Coach. Pero dun sa katabi niya... Naiilang ako. His stares are making me squirm. Feeling ko nire-rape niya ako sa mga tingin niya. Ang hot naman.
"Bibigyan kita ng excuse letter on Monday, ipaalala mo sa akin."
My mouth dropped. "Po? Bakit po?"
"Sasama ka rin sa Tagaytay." Coach paused and lifted his brow at me, his lips twitching. "Ayaw mo?"
Bigla naman akong nakaramdam ng excitement sa narinig ko. Pakiramdam ko kumikinang ngayon ang mga mata ko. Bigla kong naalala si Rome dahil alam kong gusto niyang sumama sa trip. I bit my lip, trying to hide my smile. "Kasama rin po ba si Rome?"
"The whole team will be coming." It was Coach's dismissing tone. He's done talking to me. Wala na rin naman ako sasabihin kaya tumango na lang ako.
Napatingin ako kay Sage at napansin na nakatingin pa rin siya sa akin. Maybe I'm not done talking after all.
Lihim akong ngumisi at tiningnan ulit si Coach. "Coach, pwede po bang umalis na agad pagkatapos ng practice? Inaya po kasi akong lumabas ni Marcus. Hindi po ako nakatanggi."
Coach eyed me. Tumingin siya kay Marcus at tumingin ulit sa akin bago tumango. "Okay."
I heard someone scoff. I'm pretty sure it came from Sage. I was itching to see his jealous face but I restrained myself from doing it. Baka mahuli niya na pinapanuod ko ang reaksyon niya. Kahit na gusto ko siya makita nanggagalaiti, ayaw ko mahuli.
Binigyan ko ng malawak at matamis na ngiti si Coach, with the fake braces and all. Siguro ang pangit ko tingnan. "Maraming salamat po, Coach!"
He just grunted in response. Inilipat niya ang mga mata niya kay Sage kaya pati ako ay napatingin na rin. Nakanguso ngayon si Sage at magkasalubong ang kilay pero hindi siya nakatingin sa akin kagaya ng inaasahan ko. Ay, dyahe!
"Savellano,"
Sage snapped his head to him. "Coach."
"Wag mo kalimutan ang pinag-usapan natin. Sasama ka rin sa Tagaytay. Or you can forget practicing with the team." Hindi na hinintay ni Coach ang sagot ni Sage at umalis na lang agad.
I watched Sage as he clenched and unclenched his jaw. Kumunot ang noo ko at iniwas ang tingin bago niya pa mapansin na pinapanuod ko ang bawat galaw niya. Bakit naman niya ayaw sumama sa Tagaytay?
"You're going out with Cipriano?" Inalis ko ang tingin sa damo at inilapat iyon kay Sage. If he's trying to hide how pissed he is, then he's failing miserably. Or maybe he's not hiding it. I mentally grinned as I sang in my mind. Seloooossssssss.
Tumango ako sa kanya. "Inaya niya ako."
"Didn't I tell you to stay away from him?" Muntik na akong bumungisngis at kantahan siya ng selos habang nagte-twerk. He's really jealous. Oh, yes he is. Uhuh, uhuh! Go Les! Uhuh. Go Les!
"Gusto mo ba tagalugin ko pa sayo para maintindihan mo?" He started walking to close the distance between us. My eyes widened as I slowly took tiny steps back.
"Lumayo. Ka." Habang sinasabi ni Sage iyon ay patuloy siya sa paglapit sa akin habang patuloy naman ako sa pag-atras para makalayo sa kanya. "Kay. Marcus. Malinaw na ba yon sa'yo?"
My whole body stiffened when Sage swiftly leaned his body down to match with my height and placed his face centimeters away from mine. Halos maduling na ako sa lapit ng mukha niya sa akin. I took a deep breath. And then again. And then another. For research purposes, suminghot ulit ako. Halos mapapikit ako sa pagsinghot na ginawa ko. Shet, bakit ang bango?
BINABASA MO ANG
The Ugly Duckling (PUBLISHED UNDER PSICOM)
Teen FictionIf you're looking for the ugly duckling who turned into a swan, then you got the wrong book. Les' best friend, Dee, just got rejected by the love of her life. According to the guy, ayaw niya sa babaeng conservative, hindi aggressive, underdog, weak...