“Pero Sage, baka isipin ni Marcus na hindi ko siya sinipot.” Kinagat ko ang labi ko at pinanuod si Sage sa driver’s seat.
Nang makalma ko na ang sarili ko and when my brain finally managed to grasp with what’s happening, I took control of myself again. I almost… almost slipped. Sage caught me off guard and I didn’t expect that he would have that kind of effect over me. It was very consuming. I don’t think I want to feel that again. It was corrupting my brain too much.
“Let him think that. Maybe the odds will be on me and he’ll be smart enough to stay away from you.” Is he jealous now? Kaya ba ayaw niya akong lumabas kasama ni Marcus dahil nagseselos na talaga siya? Gusto ko itanong sa kanya iyon pero baka tawanan niya lang ulit ako kagaya ng dati. The thought of Sage jealous is starting to… suffocate me. Kinagat ko ang labi ko at itinulak ang mga naiisip mula sa utak ko.
“Ayaw ko siyang magalit sa akin.” Sage clenched his jaw at my answer. His eyes weren’t on me but he was glaring at the road.
“Ako. Hindi ka natatakot na baka magalit ako sa’yo?”
“Galit ka naman na sa akin dati pa, diba?” Pinanuod ko ang paghigpit ng mga hawak ni Sage sa manibela. What does that mean, Sage? Am I starting to have an effect on you too?
“I’m trying to be a good guy here, Maria.” Hindi ko naintindihan ang ibig sabihin niya doon kaya hindi ako nakapagsalita agad. Hindi naman niya ipapaliwanag kung anong ibig sabihin ng sinabi niya kaya naisipan ko na wag na lang rin sumagot.
Sage is being too cryptic. Gusto ko isipin na nagseselos siya. Yun ang lumalabas sa mga kinikilos niya. Why else would he scheme such as stealing me from my date with Marcus? Unless...
Napasinghap ako at hindi makapaniwalang pinandilatan ng mga mata si Sage. Napalingon sa akin si Sage sa pagsinghap na ginawa ko.
Kumunot ang noo niya. "What?"
"Sage..." Naiilang na tawag ko sa kanya.
"What?" Sage sounded annoyed and curious at the same time.
"Ba... Ba..."
"I swear to God, Maria, I'm going to have someone sew your lips if you don't get straight to the point."
Tinitigan ko ng matagal si Sage, tinitingnan ang buong mukha niya nang may halong panghihinayang. Hinihintay niya ang sasabihin ko at mukhang bugnot na rin siya sa paghihintay.
"Sage... Bakla ka ba?" Umuwang ang bibig niya sa naging tanong ko.
"What the fuck?!"Kulang na lang ay mayanig ang sasakyan sa ginawang pagsigaw ni Sage. "Mukha ba akong bakla sa'yo? What the fuck!"
"Kasi... Sabi mo hindi ka na naman nagseselos. Kung ganon, bakit mo ako pinapalayo kay Marcus? May gusto ka ba sa kanya? Bading ka?" Inosenteng tanong ko sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/23980663-288-k145937.jpg)
BINABASA MO ANG
The Ugly Duckling (PUBLISHED UNDER PSICOM)
Fiksi RemajaIf you're looking for the ugly duckling who turned into a swan, then you got the wrong book. Les' best friend, Dee, just got rejected by the love of her life. According to the guy, ayaw niya sa babaeng conservative, hindi aggressive, underdog, weak...