Chapter 9

4.5K 122 1
                                    

HINDI ako mapakali sa kinauupuan ko nang hindi parin nakikita si Vincent.Ilang minuto nalang at magsisimula na ang unang klase pero wala pa siya.
Sana naman ay okay lang siya.Maaga pa naman akong pumasok para makapag sorry sa mga inakto ko kahapon.

Napaayos lang ako ng upo ng makitang pumasok ang Guro namin.

"Good morning everyone."bungad nito saamin kaya mabilis kaming tumayo para bumati dito.

"Bago tayo mag umpisa,nais ko lang sabihin sainyo na hindi natin makakasama sa isang buwan si Mr.Lee.Mayroon silang family problem kaya kinakailangan niyang umalis ng bansa."bigla naman akong kinabahan sa narinig.Wala man lang akong kamalay malay na may nangyari na palang masama sa kaibigan ko.

I feel bad kasi wala man lang ako magawa o matulog.

"Sir,wala naman po bang masama na nangyari sa family niya o kaya sakanya?Magiging okay lang po ba talaga siya."wala sa sarili kong usal sa guro namin.Nginitian lamang ako ng guro saka bahagyang lumapit sa pwesto ko.

"Oo naman Ms.Laveinder,kailangan lang samahan ni Mr.Lee ang ama nitong nasa hospital pero stable na naman kaya wala ka ng dapat ipag alala."nakangiti nitong turan kaya naka hinga ako ng maluwag.Kong may cellphone lang sana ako ay kinamusta ko na siya.

Sana maging okay na ang lahat para makabalik na siya sa paaralan.Walang buhay ang isang buwan ko nang wala siya sa tabi ko.Pero kung para naman sa pamilya niya ay maghihintay ako.

————

"Can I sit beside you?"naiilang akong napatango sa harapan ni Luke.
Lunch time na kaya naisipan kong kumain dito sa canteen.Naiilang ako kay Luke dahil kaming dalawa lang ang nasa isang table.Nong nakaraan kasi ay kasama pa namin ni Vincent kaya hindi ako naiilang.

"Where's your friend anyways?Hindi ko siya nakitang kasama mo kaya nagtataka ako."Napa angat ang tingin ko sa turan nito kaya kimi akong ngumiti.

"Absent siya eh.Isang buwan din yun dahil may family problem silang kinakaharap ngayon.I feel sorry kasi hindi man lang ako makatulong o ano pa man."mahinang saad ko dito saka yumuko dahil sa talim na natatanggap ko mula sa mga babaeng estudyante.Kong nakakamatay lang ang tingin ay malamang kanina pa ako naka bulagta dito.

"You don't have to feel sorry kasi wala ka namang kinalaman dun.At isa pa,lagi na kitang makakasama dahil wala ng babakod sayo habang nilalapatan kita."
Nakangiti nitong saad kaya naman ay napayuko ako lalo sa pamumula ng pisngi ko.Kasing init ng kumukulong tubig ang pisngi ko.
Parang sinampal ako ng higante panigurado sa pula ng pisngi ko.
Gosh no comment ako kasi baka maturn off siya sa bibig ko.

Nahihiya ko itong nginitian saka nagpatuloy sa pagkain.Pero kinabahan ako ng lumapit ang isa sa ka gang si Luke sa table namin.
Bat natatakot ako sa mga ka grupo ni Luke pero sa mismong leader hindi?

"Boss,ito na yung pina bibili mo kanina sa labas."narinig kong saad ng kasamahan niya kaya hindi ko maiwasang tingnan ang bagay na iyon.

Hindi ko pa man nakita ay mabilis na itong siniksik ni Luke sa gilid ng upuan niya.

"Ano yun?"sa isip ko lang sana sasabihin yun pero langya bat ko nasabi ng malakas?

"Ahm,a-ano-hehe."di ko alam ang sasabihin ko kaya kunwaring natawa nalang ako pero deep inside sobrang nahihiya na ako.

"You don't have to be shy,by the way.This is for you."ngiti ngiting saad nito saakin sabay abot ng isang tangkay na pulang rosas.
Wala sa sarili ko iyong pinagmasdan sa kamay niya.

"S-sakin?"pagdadalawang isip kong saad sabay turo sa sarili ko.

"Yeah,pwede mo nang kunin kasi nangangalay na yung kamay ko Vanessa."nakangiti parin nitong turan kaya dali dali ko naman itong kinuha bago pa magbago isip niya.

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang bigay nitong bulaklak.Its my first time na makatanggap ng bulaklak.Kadalasan kasi kapintasan ang binibigay sakin ng karamihan.

"S-salamat."utal kong saad saka siya tiningnan pero laking gulat ko nang maka tulala siya sa mukha ko.
Kong hindi ko pa kinaway ang kamay ko sa harapan niya ay hindi pa siya iiwas ng tingin.

"A-ano nga ulit ang sinabi mo?"nautal pa siya.Siguro ay may naisip itong kaganapan sa buhay niya.Nginitian ko siya saka binalik ang tingin sa bulaklak.
"Sabi ko Salamat sa bulaklak."pag uulit ko saka naman siya tumayo kaya Napa angat ang tingin ko dito.

"A-ah hehe your welcome,mauuna pala muna ako.May importante pa akong pupuntahan.See you around."nagmamadaling saad niya.Mabilis na itong tumalima kaya pinagmasdan ko nalang siyang lumabas sa canteen kasunod ng ka grupo niya.

Kinuha ko naman kaagad ang bag ko saka kumuha ng isang notebook.Saka ko nilagay ang rosas at tinupi ng maayos.
Akalain mo yun.
Ang dating pinagmamasdan mo lang sa malayo ngayon ay abot kamay mo na.Nang dumaragsa na ang tao sa canteen ay lumabas narin ako saka pumunta sa susunod kong klase.

———

PAGOD akong naglakad pauwi dahil sa dami ng activities kanina sa School.Tapos yung Zumba talaga ang nakakaloka sa lahat.Talagang pinahirapan ako no'ng naka asigned na student.Ako ba naman ay huling pina uwi dahil hindi daw ako maka sunod ng instruction.Eh ang totoo lang naman ay galit siya saakin dahil may lihim din siyang pag tingin kay Luke.

Nakita niya yata ang kaganapan kanina sa canteen kaya ayun.
Nang masilayan ko na ang bahay ay agad akong nagtaka ng making bukas ang ilaw sa loob ng bahay.

Mabilis pa sa alas kwatro akong nagpa linga linga sa paligid.Pero sobrang tahimik ng paligid kaya panigurado walang tutulong sakin pag nagkataong sumigaw ako.

Nang may mahagip ako ng tubo ay kinuha ko ito saka dahan dahang pumunta sa likod ng bahay.Pero ang mas nakakapagtaka ay may umuusok na kong ano sa kusina.Ano yun nagluluto na magnanakaw!?

Pero nawala lang ang agam na agam na iyon ng makita ang taong nanghahalungkat sa kusina namin.
Mas nagulat pa ako ng humarap ito sa pwesto ko.
Wala sa loob ko itong nasabi.

"A-ano——-

















Mama!?"
Gulantang sigaw ko dito.

Susunod...

A/N:Haii guys hihi malapit nayung part na tinaguan ng anak..Kaya naman sana mahintay niya update ko everyday..Don't forget to vote and comment..Godbless you all😍😍😍

Hiding the Gangster's son Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon