"AKO na,masyado ng mabigat ang anak mo para buhatin mo pa."narinig kong saad ni Vincent sa likuran ko kaya tiningnan ko.
Napanguso naman akong tumagilid para siya na ang kumarga sa anak ko.Kalalapag pa lang ng eroplanong sinasakyan namin.Hindi ko naman na ginising si Lucas dahil alam kong pagod ito sa byahe.Sumunod nalang ako sa kanila palabas saka ako nakaramdam ng ginhawa.
Napapikit ako ng malasap ang init ng hangin hatid ng init sa labas.Pilipinas na nga talaga dahil ramdam mo na ang kakaibang pakiramdam.
"Ako na ang kukuha ng mga gamit natin.Hintayin niyo nalang ako dun sa waiting area."saad ko kay Vincent ng makita ko kong gano kadami ang taong bumabangga saamin.Tumango naman ito saakin kaya kaagad akong umalis para kunin ang gamit namin.
———————-
"HINDI ka ba muna magpapahinga?"wika ko kay Vincent ng makita siyang nag aayos ng gamit niya.
"Kailangan ko nang puntahan si mama eh.Pero don't worry kaya ko naman na.Saka kailangan niyong magpahinga ni Lucas.Susunduin ko nalang kayo bukas ng umaga para dalhin sa ospital."sagot nito habang nilalagay ang mga damit niya sa bag.
"Mag iingat ka."saad ko pa bago siya tuluyang makalabas ng bahay.
Nang makaalis siya ay tumungo kaagad ako sa tinutuluyang kwarto ni Lucas.Kailangan ko ring matulog dahil nakaka hilo ang byahe namin.
Umupo ako sa bandang paanan ng anak ko saka siya pinagmasdan.
I feel bad for him kasi hindi ko man lang siya mabigyan ng kumpletong pamilya.
Kahit ang Lola niya ay hindi niya pa nakikilala.
Dahil saakin kaya hindi niya nararanasan ang buong pamilya.Hindi ko mapigilang maiyak habang pinagmamasdan ang anak kong mahimbing na natutulog.
Im very sorry kong sobrang hina ng mama mo.Pero pinapangako kong ibibigay ko lahat ng pagmamahal na makakaya ko."Mom,why are you crying."kumukusot pa nitong saad habang pinagmamasdan ako.Bigla akong nahiya dahil nagising siya sa naging iyak ko.
"I-Im okay,"utal kong saad dito.Tiningnan niya lang ako saka siya lumapit sa pwesto ko.
Tumulo lalo ang luha ko ng niyakap niya ako ng mahigpit."Im s-sorry Anak,hindi man lang kita mabigyan ng isang p-pamilya na gusto mo.S-Sorry kasi masyadong mahina si mama."garalgal kong saad dito saka mas hinigpitan ang yakap sakanya.Siya lang ang bukod tanging nagpapa kalma ng buong sistema ko.
"You don't have to say that Mom,im already contented with my life beside you.And I understand what you were suffering right now.Just promise me Mom,if you saw my real father....Can you introduce me to him?"wala akong nagawa kundi ang tumango sa sinabi niya.
Hindi ko siya sinagot dahil hindi pa ako sigurado sa magiging kahihinatnan nito.
Pero susubukan ko,
susubukan kong maging malakas para sa kapakanan ng anak ko."I love you so much Lucas."wika ko dito saka siya hinalikan sa nuo.
"I love you too Mom."napangiti ako sa sinabi niya.Don't worry Anak,Mommy will do everything para sayo.
Kahit lunukin ko na ang pride ko para lang sa anak ko ay gagawin ko.Maging masaya lang siya.
Tutal nandito narin kami ay bibisitahin namin si mama.Sana sa muli naming pagkikita ay matanggap niya na ang anak ko.Kahit hindi na ako basta iparamdam niya lang sa anak ko na tanggap niya ito.
"Do you want to meet my Mother?Shes your grandmother already."nakangiti kong saad dito kaya mabilis naman itong tumango sa harapan ko.
"Ofcourse Mom,But I already know that shes my Lola because shes your mother."saad nito na parang isang matanda.Napailing nalang ako dahil obvious namang Lola niya talaga si mama.
"But before that,dapat mag talk kana ng Tagalog.Were here in the Philippines naman so Tagalog okay?"nakangiti kong turan dito pero nginusuhan niya lang ako.
Sinadya ko talagang magsalita ng conyo para maasar siya.Ito kasi yung kahinaan niya eh."I'll try,I m-mean—susubukan ko."napangiwi saad niya dahil pinandilatan ko siya ng mata.
Marunong naman eh kaya lang kulang sa tyaga."Tulog na ulit tayo,pupunta tayong hospital bukas para i visit si Mommy La,"wika ko dito saka siya pinahiga ulit.Nang maiayos ay humiga ako sa tabi niya saka siya niyakap.Ito ang comfort zone ko eh,ang mayakap siya.Kahit anim na taong gulang na siya ay binibaby ko parin.
Natatakot akong mag mature siya sa mura niyang edad.Pero sa totoo lang ay kinakabahan na ako dahil mas matured na itong mag isip sa mga kaedaran niya.
Pero minsan talaga ay may sarili siyang mundo.Minsan ay hindi siya nakikinig saakin.Pero pilit kong denidesiplina dahil ayaw kong lumaki siyang basag ulo.Ayaw kong matulad siya sa ama niyang puro gulo ang kinasasangkutan.Pero habang tumatagal ay nakukuha niya narin ang ugali ni Luke.Kahit anong gawin ko ay kusa itong lumalabas sa pagkatao ng anak ko.
"I really like to cuddle with you Mom."nakangiting turan ng anak ko.Nginiwian ko siya dahil English na naman ito.Sweet siya sakin minsan pero mas gusto niyang mapag isa lagi.
"Dahil ang sweet mo ngayon ay pagbibigyan kita dahil nakalimutan mo nanamang mag Tagalog."natawa ako ng makitang tiniklop nito ng mariin ang mga labi niya.
"Sleep well."muling saad ko dito saka siya siniksik sa pwesto niya.
———
"DUMATING na siya kaninang Umaga boss."napapikit ako ng mariin ng magsalita ang kanang kamay ko.
Ito na ang panahong hinihintay ko.Sa muli niyang pagbabalik ay kukunin ko kung ano ang pagmamay ari ko.Hindi na ako papayag pang lamangan ng lalaking yun.
Nakasama na niya ng mahigit pitong taon ang taong mahal ko at ang anak ko.Siguro ay dapat ko nang kunin kong ano ang dapat saakin.
Hindi man naging maganda ang huling pagkikita natin.Pero asahan mong babalik ka sa piling ko.
Girlfriend parin kita hanggang ngayon dahil hindi naman ako pumayag na mag break tayo noon.
Im maybe a Jerk but once I fall inlove hindi na magbabago yun.
Gagawin ko ang lahat para maging akin ka muli.Kung hindi kaya sa santong dasalan pasensyahan nalang tayo dahil gagawin ko kahit sa dahas pa yan.You'll be mine again my—
VANESSA LAVEINDER.......
BINABASA MO ANG
Hiding the Gangster's son
RomanceHALOS matumba ako sa lakas ng sampal ni mama sakin. Tanging iyak lang ang nagawa ko sa oras na iyon.Its all my fault kong bakit nagkaka ganito kami. Kong hindi lang ako nagpa uto edi sana makaka graduate ako ngayong taon. Dahil sa katangahan ko ay n...