NASA may gate palang ako papasok sa School ng mamataan ang grupo ni Luke nakabantay sa gate.Pero ang nakakapagtaka ay wala mismo ang leader nila.
Ewan ko ba,ang dami daming pwedeng tambayan dito pa talaga sa labas.Tapos hindi man lang sila sinisita ng guard dahil malamang ay takot sila dito.Sino ba namang hindi matatakot sakanila!?Eh anak mga mayaman yan tapos big time yung mga back up nila.
Lalampasan ko na sana sila ng may tumawag sa pangalan ko.
"Ms.Laveinder,pinapa sabi pala ni boss na hindi ka niya mahahatid mamaya, hindi maganda ang pakiramdam niya."walang ka ngiti ngiting saad no'ng lalaking may kulay berde na mata.
Malamang may lahi itong foreign blood dahil sa mukha niya palang.
Hindi ko kasi kilala yung mga ka gang ni Luke.Basta ang alam ko meron silang 8 members sadyang sa leader lang talaga ako interested.
Awts!bat anlandi sa part nayun!?"By the way Kevin Parker here,Luke's bestfriend."may bestfriend pala ang Gangster's?
Ayyy!oo nga pala si Luke!
"K-kamusta naman na siya?M-may nag aalaga naman sakanya diba?"pagtatanong ko dun sa bestfriend niyang si Kevin.
Nakita ko pang tumaas ang isang sulok ng labi niya sa sinabi ko pero pinagsawalang bahala ko nalang iyon."Actually,his alone in his condo.I don't know if may kasama siya or what basta ang alam ko lang his not feeling well."pag singit naman no'ng isang pinaka matangkad sakanila.Mahina naman akong napatango dun sa sinabi niya.
"S-sige saka thankyou pala."usal ko sakanila saka nagpatinuod na sa paglalakad.
"Wait,you can have this.In case you want to visit him."saad no'ng bestfriend niya sabay abot saakin ng isang papel at nauna nang pumasok saakin.Sumunod naman kaagad sakanya ang mga kasama kaya naiwan akong mag isa dito sa labas.
Tiningnan ko naman ang papel na hawak saka ko lang narealize na address pala iyon ng condo ni Luke.Pupunta ba ako?
Pero paano ang classes ko?
May parte ng isip ko na lumiban muna pero ang isang parte naman ay naiisip ko si mama.Kusang humakbang ang paa ko patalikod sa School saka dali daling humanap ng masasakyan.
Bahala na,basta ang importante ma check ko kung okay naba si Luke.——————
HUMINTO ang sinasakyan kong tricycle sa isang malaking building kaya mabilis naman akong bumaba saka nagbayad.
Alam kong mayaman sila Luke pero di ko naman akalaing may sarili siyang condo.At sa tingin ko ay sobrang mahal nitong condo na to.Sa labas palang worth it na masyado sa ganda ng view pano pa kaya sa loob.
Pumasok na ako sa building saka dumeritso sa front desk na nakita ko.Pati ang mga empleyado mukhang yayamanin din.
"Ahm,excuse me Miss."pagtatawag ko ng atensyon dun sa isang babaeng busy sa pagtatype sa laptop.Nakangiti naman itong tumuon ang atensyon saakin saka lumapit.
"How may I help you Ms.?"nakangiti paring saad nito kaya kimi akong nagkamot ng ulo.Papasukin kaya ako dito?
"Pwede bang magtanong if nasan ang condo ni Mr.Luke Evans Santiago?"pagtatanong ko dito."Relatives po ba kayo or girlfriend?"polite parin nitong saad kaya hindi ko mapigilang magulat sa sinabi nito.
"Kailangan lang po kasi nating i clarify ma'am,para narin po ito sa personal information ng mga bisita."mukhang nakita niya ang naging reaksyon ko kaya nag explain na siya.
Nahiya naman ako bigla sa inasal ko.Bat ba masyado akong maraming iniisip?Yan tuloy!"A f-friend po."mahinang saad ko dito kaya tumango ito saka nagkukulikot sa isang telepono.
"Good morning Mr.Santiago,You have a visitor her outside.Oww okay I get it."bigla itong tumingin saakin pero hindi parin nito binababa ang tawag.Tinakpan lang nito ang speaker saka nagsalita.
"Your name ma'am?"tanong nito saakin kaya mabilis naman akong sumagot dito.
"Vanessa Laveinder po."wika ko dito saka naman siya nagsalita ulit dun sa telepono.Naghintay lang ako ng ilang saglit dahil mukhang may pinag uusapan pa ito sa telepono.Napaayos lang ako ng tayo ng binaba na nito ang telepono saka humarap sakin.
"Room 37 ma'am,you can visit him kasi na inform na namin siya."saad nito saka binigay ang isang nametag na may nakalagay na visitor.Sinuot ko naman ito pero nagpasalamat muna ako.
Tinahak ko naman agad ang elevator saka sumakay.Pero nakalimutan kong itanong kung anong floor ang room niya.Buti nalang at may nakasabay akong dalawang matatanda kaya magtatanong nalang ako dito.
"Pwede pong magtanong?"wika ko sa dalawa kaya tumango naman kaagad yung isa.
"Anong floor po ba yung room 37 Lola?"pagtatanong ko dito saka nginitian sila.
"Nasa fourth floor yan hija,saka para lang yun sa mga VIP owners.Bakit hija,doon ba ang punta mo?"pang uusisa nito saakin kaya dahan dahan naman akong tumango.
Hindi ko akalain na may pa VIP pala dito.Nagpasalamat naman ako sakanila bago sila bumaba sa third floor.Nang bumukas ang elevator sa fourth floor ay dali dali akong lumabas.Hinanap ko kaagad ang room nito saka ko ito nasulyapan sa pinaka gilid ng hallway.
Huminga muna ako ng malalim bago nag door bell dito.(Ding,Dong,Ding,Dong)
Dalawang beses akong pumindot sa doorbell saka humakbang sa gilid ng pintuan.Sheezz kinakabahan ako!
Napaigtad ako ng bumukas ito saka bumungad saakin ang mukha ni Luke.Pero para naman siyang walang sakit sa lagay ko.Hindi naman siya maputla at mukhang nalalantay.
"Come in,come in."mukhang expected niya na talaga ako kaya dahan dahan naman akong pumasok.Sumunod din naman kaagad siya ng maisara na nito ang pintuan.Nahihiya akong naupo sa sofa niya saka siya umupo sa harapan ko.
"M-may sakit ka daw kaya binisita kita dito.Okay kana ba?M-mukhang okay ka naman pala."pambasag ko sa katahimikan naming dalawa.He just smiled at me.
"What do you want,juice,coffee or water?"hindi ko mapigilang magtaka dahil hindi niya sinagot ang tanong ko.Pilit niyang iiniba ang usapan kaya wala akong nagawa.
"Just a tea,im not into coffee din kasi."nahihiya kong saad dito dahil wala sa choices niya ang gusto ko.
"Oww,okay wait up.Ill just make it for you."mabilis nitong saad saka nagpa alam na pupuntang kusina.Gosh sana ilayo niyo ako sa tukso!
Susunod....
BINABASA MO ANG
Hiding the Gangster's son
RomanceHALOS matumba ako sa lakas ng sampal ni mama sakin. Tanging iyak lang ang nagawa ko sa oras na iyon.Its all my fault kong bakit nagkaka ganito kami. Kong hindi lang ako nagpa uto edi sana makaka graduate ako ngayong taon. Dahil sa katangahan ko ay n...