MAAGA akong nagising dahil ipagluluto ko ng baon ang anak ko.Bigla nga ako nakaramdam ng hiya kay Vincent dahil siya mismo ang nag transfer kay Lucas sa school.
Nawala kasi sa isip ko yun saka nag send narin ako ng resignation form through email sa dati kong pinag tatrabahuhan.Hinihintay ko nalang ang response nila saka na ako mag aapply ng trabaho dito.
Mas better sana kong malapit sa anak ko kaya pag iisipan ko muna ng mabuti."Nak,ako nalang diyan.Tulungan mo nalang si Lucas na maligo dun mukhang nahihirapan yung bata."napalingon ako kay mama ng magsalita ito sa likuran ko.
Napakamot naman ako ng ulo dahil mag iisang linggo na kaming nakatira sa dati naming bahay pero nahihirapan parin ang anak ko."Kung ipaparenovate kaya natin ang bahay Ma,"saad ko kay mama habang pinagmamasdan ang kabuuan ng bahay.Masyadong luma na talaga kong tutuusin.
Isa pa,May pera naman akong pang gastos kasi medyo malaki naman ang sahod ko sa Canada.Medyo malaki naman ang naipon ko kaya hindi kami mahihirapan.
"Siguro sa susunod nalang Vanessa,mag iipon muna ako."saad nito habang hindi ako tinatapunan ng tingin.Masyado siyang busy sa pag luluto ng almusal namin kaya napabuntong hininga ako.
"Ako nalang ang bahala sa gastos Ma,Meron naman akong ipon para mapa ayos ang bahay."dahil sa sinabi ko ay naagaw na nito ang antensyon ni mama.
"Sigurado kaba diyan?Medyo malaki din ang magagastos mo pag nagkataon."nababahalang saad nito saakin pero nginitian ko lang siya.
"Kahit ito man lang ang magawa ko para sayo Ma,Sana naman ay pagbigyan mo akong ipa ayos ang bahay."napanatag ang loob ko nang nginitian niya ako.
"Kung yan ang Gusto mo ay ikaw ang bahala,"wika nito saka binalik ang atensyon sa pagluluto.
Masaya akong naglakad sa likod ng bahay Para puntahan si Lucas.
Alas sais pa lang naman ng umaga pero naliligo na ang anak ko.
Mamaya pa namang 7:30 ang pasok niya pero ang sabi niya ay mas mabuti na daw na maaga kesa naman daw malate siya.
May punto naman siya dun,mukhang masaya naman siya dito dahil nakikipag laro na siya sa labas kasama ang mga batang kapit bahay namin.Natigilan ako nang makita kong papano niya pinoposo ang liliguin niya.Namumula na ang mukha niya yung tipong pagod na pagod na siya.Kaya naman tiningnan ko ang timbang iniigiban niya,Halos matawa ako ng makitang hindi man lang ito kumalahati.
Hindi talaga siya nasanay sa ganitong pamumuhay.
"Kaya pa ba?Or need mo ng help ni Mom?"pagtatanong ko dito dahil ako ang nahihirapan sa ginagawa niya.Ngumuso itong humarap saakin.
"I really need your help Mom,Hindi ko na po kaya."hinihingal na saad nito pero tinawanan ko lang siya.Hindi ko alam kong matatawa ako o maaawa sa mukha niya.
"Maligo kana diyan At ako na ang bahala,maglinis kang mabuti auh."wika ko dito Mabilis naman itong tumalima para maligo.Pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa dahil makikiligo narin ako sakanya.
Nang mapuno ang timba ay saka ako umupo sa tabi niya saka nakiligo narin.
———-
"IKUHA mo naman ng towel si Mommy sa loob,nakalimutan kong magdala kanina eh."pakikisuyo ko sa anak na nakatapis na ngayon.Tumango naman ito kaagad saka umalis.
Pinagpatuloy ko naman ang pagligo ko,sinabunan ko ang buong katawan ko pati ang mukha kaya napapikit.Pilit kong inaabot ang likuran ko Para masabon pero napabuntong hininga nalang ako dahil hindi ko ito maabot.
May narinig akong yabag ng paa papunta sa pwesto ko.Malamang ay si mama o kaya si Lucas ito dahil tatlo lang naman kami ang nandito sa bahay?
Pero nagluluto si mama sa kusina tapos inutusan ko si Lucas na kumuha ng tuwalya.
For sure si Lucas talaga ang nasa likuran ko."Baby,pwede mong paki sabon ang likod ni Mommy?"malambing na saad ko sa anak saka pinagpatuloy ang pagsasabon sa mukha ko.
Hindi ito nagsalita pero May narinig akong kumuha ng sabon malapit sa pwesto ko.Napaigtad ako dahil parang malaki masyado ang kamay ng anak ko.Saka masyado iyong magaspang Para kay Lucas.
Hindi ko nalang pinansin yun.."Wait lang Nak,"saad ko dito saka hinawakan ang hook ng bra ko para hindi siya mahirapang magsabon ng likod ko.
Napatayo ako sa gulat ng tumikhim sa mismong likuran ko.Mas nagulantang ako ng makita kong sino ang nagsasabon sa likuran ko.
"W-what the—-
LUKE!?"napangiwi ako dahil biglang humapdi ang dalawa kong mata.Sheezzz!
Hindi pa pala ako nakabanlaw ng mukha ko na May sabon.
Mabilis akong naghilamos ng mukha feeling ko namumula na ang mata ko dahil sa sabon."Here's your towel,"tiningnan ko siya ng masama pero nginitian lang ako ng loko.
"What?"inosenteng saad nito saakin kaya inirapan ko siya.
Anong ginagawa niya dito?At pano siya nakapasok ng bahay?"P-paano ka nakapasok sa bahay?At anong ginagawa mo dito?"halos iumpog ko ang sarili dahil nautal pa talaga ako!?
"Pinapasok ako ni Mama eh,then my son is eating breakfast kaya sakin siya nagpa suyo na ibigay sayo to,"nginuso pa nito ang tuwalyang hawak niya.Sinong Mama ang pinagsasabi nito.
Pabalya kong kinuha ang tuwalya sa kamay niya pero hindi ko iyon nakuha dahil hinigpitan niya ang hawak."Ano ba!?ibigay mo nalang sakin yan At lumayas kana!"bulyaw ko dito pero laking gulat ko nang bigla niyang hilahin ang tuwalya papunta sa pwesto niya kaya nadala ako dito.
Halos mapatili ako mabunggo ako sa dibdib niya.Aalis na sana ako pero hinapit niya ang bewang ko.
"A-anong ginagawa m-mo?"nauutal kong saad dito pero hindi niya ako pinansin.Mas nilapit pa nito ang mukha niya sa mukha ko.
"Damn!I missed this lips."nahigit ko ang hininga ko nang dahan dahang humaplos ang labi nito saakin.Napapikit ako ng mariin ng maramdaman ang bulta bultahing kuryenteng dumadaloy sa katawan ko.
Wala sa sarili akong napakapit sa batok niya saka naman niya mas pinalalim ang halik sa mga labi ko.
Isang halik niya lang ay nawawala na ang galit ko.
"Mom?"mabilis akong kumawala sa hawak ni Luke saka pinamulahan ng mukha.
Sheeezzz!Ang rupok mo Vanessa!Susunod....
A/N:hihi Goodmorning sainyo,anong masasabi niyo sa scene ni Luke At Vanessa?Haii nga pala kay LanieTubera Wag masyado magalit kay Luke😂Godbless ang happy reading everyone ❤️feeling ko 10 chapters nalang saka end na ang story nila...pero feel ko pa lang naman yun😂
BINABASA MO ANG
Hiding the Gangster's son
RomanceHALOS matumba ako sa lakas ng sampal ni mama sakin. Tanging iyak lang ang nagawa ko sa oras na iyon.Its all my fault kong bakit nagkaka ganito kami. Kong hindi lang ako nagpa uto edi sana makaka graduate ako ngayong taon. Dahil sa katangahan ko ay n...