MASAYA akong naupo sa tabi ni Vincent saka kinulbit siya gamit ang dala dala kong ballpen.
Napatingin naman siya kaagad saakin saka nginitian ako."Wala ba yung boyfriend mong seloso?Baka mamaya humandusay na naman ako dito sa hapag dahil sakanya."nakangusong saad niya kaya nginiwian ko lang siya.
Dalawang buwan na makalipas ang nangyari saamin.Naka uwi narin si Vincent pero no'ng dumating kasi siya ay bigla niya ako sinunggaban ng yakap saka hinalikan sa may pisngi.Hindi niya ata napansin si Luke sa tabi ko kaya yung isa naman ay nabigla at nasapak ito ng wala sa oras.
Alam na niya ang status namin ni Luke pero grabeng sermon naman ang inabot ko sakanya.Marami siyang sinasabi na wag na wag daw akong iiyak sa harapan niya dahil babatukan niya talaga ako.
Sa dalawang buwan na iyon ay ilang ulit ng may nangyari samin.Sabi kasi nila parte daw iyon ng relasyon saka mahal naman namin ang isa't isa.Sabi pa nga ni Vincent na wag daw akong magpadala sa tukso pero hindi niya alam may nangyari na saamin.
"Hindi ko nga siya nakakausap eh.Dalawang araw na siyang hindi pumapasok tapos wala naman siya sa condo niya."mahinang saad ko dito na hindi maiwasang mag alala.
"Pag usapan niyo yan huh,dahil pag ako nakialam pasensyahan nalang kami."madiing wika ni Vincent kaya naman ay nginitian ko nalang siya.
Naging masaya ang unang buwan namin bilang magkasintahan pero habang lumilipas ang araw ay bigla siyang lumayo.Pilit kong winawaksi sa isipan ko ang kahahantungan nito kong magpapatuloy ang pagiging ilag niya saakin.Hindi niya man sabihin pero alam kong may dahilan siya kong bakit kami nagka ganito.
He said he loves me...
Pero hindi ko na maramdaman iyon.
He said he will always there if I needed him..
Pero umasa lang ako sa wala.Dalawang buwan palang pero feeling ko hindi siya magtatagal sakin.Pilit kong tinutuon ang atensyon sa klase kahit wala namang pumapasok sa utak ko.Hindi ko pwedeng pabayaan ang pag aaral ng dahil lang dito.
"Get a one sheet of paper,we will going to have a long quiz."wala sa sarili akong kumuha ng papel sa bag at agad itong sinulatan.
Pero bago ko pa matapos ay napatingin ako kay Vincent ng kalabitin niya ang braso ko."Pengeng papel,wala akong dala eh."wika nito kaya binigyan ko siya ng dalawa dahil baka magkamali siya.Nang ibibigay ko na sakanya ang papel ay hindi niya ito tinanggap kaya nagtataka ko itong tiningnan.
"Hindi mo man ako aasarin?"hindi makapaniwalang saad niya saka napahawak pa sa bibig niya.
Pinagsawalang bahala ko nalang ang sinabi niya dahil totoo naman.Kong nasa mood ako malamang ay inasar ko na siya pero dahil wala ay pasalamat nalang siya.Nakita ko pa sa gilid ng mga mata ko ang pagkabahala pero pilit ko itong iniiwasan.Alam kong alam niya na may mali pero pilit ko itong iniiwasan.Hindi ko kailangan ang sermon ngayon.Ang kailangan ko ay ang presenya ng kasintahan kong laging missing in action.
—————-
"Mr.Lee you got 45/50,keep it up."masiglang saad ng Prof habang iniisa isa ang na chekan na nitong mga papel.Masayang kinuha iyon ni Vincent saka nagtatalong bumalik sa upuan.
Nginitian ko siya ng makitang nakatingin ito saakin.Saka nag sign na good job."Ms.Laveinder you got 18/50,you should study well saka bumawi ka sa next long quiz natin."nakangiti paring saad ng Prof,wala sa sarili akong naglakad sa harapan para kunin ang papel ko pero hindi rinig na rinig ko ang mga bulungan ng mga kaklase ko.First time kong maka score ng ganito kababa,lagi kasing perfect o kaya naman ay two or one mistake lang.
"What happened to her?Shes so feeling kasi,I think thats her karma."
"She looks like a trash na nga shes so stupid pa."
"Feeling naman niya gusto talaga siya ni fafa Luke."
"Kong alam niyang pinaglalaruan lang siya ng ka gang ni Luke ay baka hindi na yan pumasok dito haha."
Ilang beses akong napalunok sa iba't ibang komentong naririnig ko.Nagmamadali akong bumalik sa upuan ko pero may pumatid saakin kaya Napa upo ako sa hapag ng room namin.Naririnig ko pa ang mga tawa nila pero pilit kong pinapatatag ang sarili ko.
Napangiwi ako ng may maramdamang tumulo sa mga hita ko.Nanlaki ang mata ko ng makitang may dugong umaagos sa hita ko.
Anong nangyari!?"Hey!Kaya mong tumayo?Sagutin mo ako!"hindi ako makapag salita habang nasa harapan ko si Vincent.Nakita ko naman kong pano umawang ang mga labi ng mga kaklase namin.
"Shit!"Rinig kong mura ni Vincent bago ako mawalan ng malay sa bisig niya.
—————-
"IS she okay now ma'am?"may naririnig akong boses pero hindi ko maaninag kong sino.
Pero nawala iyon kasabay ng mga yabag paalis malapit sa pwesto ko.Nagmulat lang ako ng mata ng marinig na sumara ang isang pintuan.Purong puti ang nakita ko at isang maliit na table.Kong hindi ako nagkakamali ay nasa clinic kami ng School.Bigla akong nauhaw kaya naman ay naghanap ako ng pwedeng inumin.Buti nalang at may mineral water sa tabi ng hinihigaan ko.Mabilis ko itong ininom at doon lang ako naka hinga ng maluwag.
"Your awake."napaigtad ako ng makita si Vincent sa tabi ko.
"K-kanina ka pa?"mahinang tanong ko dito.Hindi siya sumagot bagkus umupo ito sa hinihigaan ko saka hinawakan ng mahigpit ang isa kong kamay.
"Medyo,hindi mo yata ako napansing pumasok kasi tulala ka lang."wika nito saka marahang hinilot ang kamay kong hawak niya.
"A-anong nangyari kanina?Anong sabi ng doctor."pag uusisa ko sa kalagayang kinahahantungan ko ngayon.Nakita kong kumuyom ang mga kamao niya saka ako tiningnan ng mariin.Bigla akong kinabahan sa mga tingin niya palang.
"A-anong kalagayan ko?"nanginginig kong saad dito saka pilit na binabawi ang mga kamay ko pero lalo niya lang itong hinigpitan.
"Y-your——"
Hindi nito matuloy tuloy ang salita dahil nanginginig ito.Ano bang nangyayari sakanya!?"Im what!?"sigaw ko dito pero hinigpitan niya lang ang hawak sa kamay ko.
"Y-you're....
PREGNANT."
Susunod.....
BINABASA MO ANG
Hiding the Gangster's son
RomanceHALOS matumba ako sa lakas ng sampal ni mama sakin. Tanging iyak lang ang nagawa ko sa oras na iyon.Its all my fault kong bakit nagkaka ganito kami. Kong hindi lang ako nagpa uto edi sana makaka graduate ako ngayong taon. Dahil sa katangahan ko ay n...