NAPATAYO ako sa gulat ng may kumasang baril sa mismong mic ng host kaya bahagyang lumakas iyon.
Naghihintay nalang ng hudyat ang mga kalaban ni Luke.Once na pinutok no'ng host ang baril ay siyang hudyat ng pag uumpisa.
Nag aalala ako dahil masyadong marami ang kalaban ni Luke.Dehado siya masyado dahil sa anim na grupo ay may limang miyembro.
Nagtaka ako ng bigla silang nagsi babaan sa stage.Nagkanya kanya silang may kinuha sa ilalim mismo ng stage.
"A-ano yang ginagawa nila?"wala sa sarili kong tanong kay Vincent habang hindi nilulubayan ng tingin ang nasa harapan.
"Kumukuha sila ng patalim na pwede nilang magamit sa paglalaban.Sila mismo ang mamimili non para magamit nila sa kalaban."mas nadagdagan ang kabang nararamdam ko.Hindi ko akalaing madugo ang magiging laban ni Luke.
Nanghihina akong napaupo sa tabi ni Vincent.Parang hindi ko kayang panuoring masaktan si Luke.Kahit nga gasgas lang ay sobrang nag aalala na ako.Pano pa kaya kung may tama na siya?
Nangilid ang luha ko dahil sa mga maaaring mangyari.Hindi ko kayang tumagal sa ganitong lugar.Pero may parte ng puso ko na gusto kong manatili bilang suporta kay Luke."H-hindi mo kakayanin ang makikita mo Vanessa.Kaya ngayon palang ay tatanungin na kita,mananatili ka paba?"Mas nanlumo ako sa tanong ni Vincent.Hindi ko alam ang sasabihin ko sakanya.
Pero nandito na ako,ngayon pa ba ako aalis kung saan mag uumpisa na."M-mananatili ako,gusto kong makita siyang manalo."nanginginig kong saad dito.Narinig ko pa ang malakas niyang buntong hininga.
"LET THE GAME—-"
Biglang umingay ang buong paligid dahil sa hindi inaasahang pangyayari.Biglang namatay lahat ng ilaw kaya sobrang dilim ng paligid.Naririnig ko pa ang mga pagpapanik ng iba pero nanatili ako sa pwesto ko.Napangiwi ako ng may natumba sa gilid ko at pati ako ay nadamay.Tumayo ako saka kinapa ang kinauupuan ni Vincent kanina.Pero nanlumo ako dahil hindi ko siya makapa.Bigla akong kinabahan dahil nagtatakbuhan na ang karamihan.May nagsisigawan pa.
"V-VINCENT,where are y-you!?"nanginginig kong sigaw pero wala akong natanggap na sagot Mula dito.Binomba ng kaba ang dibdib ko dahil naiwan akong mag isa.
Paniguradong nasama siya sa mga taong nagtutulakan kanina.Hindi ko man lang napansin ang mga taong paparating kanina na nagrarambulan.Na tila ito na ang katapusan ng buhay nila.Mga taong makasarili na sarili lang nila ang iniisip nila.Hindi man lang sila naawa sa mga taong natapakan nila dahil sa kagustuhang makaligtas.
Napaupo ako sa mga kalabog na naririnig ko.Ibat ibang ingay dahil sa mga taong nagapapanik.Mas lalo akong nagimbal ng marinig ang mga putok ng baril.Anong nangyayari!?
Okay naman ang lahat kanina pero bakit nagka ganito?Gumapang ako ng dahan dahan dahil sa wala akong maaninag kahit maliit na liwanag.Sobrang dilim dahil nasa underground at namatay lahat ng ilaw.
Kahit walang kasiguraduhan sa pupuntahan ko ay pinagpatuloy ko lang ang pag gapang.Biglang nawala ang ingay ng buong paligid.
Kaya dahan dahan akong napaupo.Parang biglang nakaginhawa sa ingay kanina.
"Hmmm,the famous Gangster is here in front of me."nagimbal ang buong pagka tao ko dahil sa narinig.
Napa angat ang tingin ko ng may umilaw na Spotlight sa bandang gilid ko.Doon ko lang nakita na pinapa libutan nila ang buong ring.
Sa tingin ko ay mga body guard ito dahil sa mga Pare-pareho nilang uniform."What the hell do you think is your doing!?Sinisira mo ang plano ko!Ang gusto ko lang ay maka alis sa organisasyong ito!"ramdam ko ang gigil sa bawat salitang binabato ni Vincent sa kaharap.
"Wag na wag mo akong sisigawan dahil hindi ako magdadalawang isip na barilin ka."mariing saad naman no'ng kaharap niya.
Hindi ko alam pero may kakaiba akong nararamdam sa presensya ng kaharap ni Luke.Matangkad siya pero sa tingin ko ay nasa late 50s na siya.Hindi ko gaanong maaninag ang mukha niya pero alam kong nakita ko na siya.
"Go ahead,shoot.Hindi ko alam kong pano ka naging ama ng taong pinaka mamahal kong babae."nanigas ako sa kinatatayuan ko.What the hell!!
Anong pinagsasabi niya.Napalunok ako sa halo halong nararamdaman."W-what do you mean!?"ramdam ko ang galit at pagtataka sa boses no'ng lalaki.
Pero imbis na matakot ay nginisihan lang siya ni Luke.
"Alam mo ang sinasabi ko pero hindi mo lang matanggap,kasi duwag ka!"biglang tumahimik ang kaharap saka naman nagpa lakad lakad sa harap niya si Luke.
"Anong klase kang ama?Hindi mo man lang magawang tingnan ang anak mo?Hindi na ako magtataka kasi wala ka namang puso MR.
————-——
—-
—-
—-
TIMOTHY LEGAZPI!"
Nanghina ang mga tuhod ko dahil sa mga narinig.All this years ngayon ko lang siya nakita.Tapos nasa hindi magandang lugar ko pa siya nakita.Natawa ako bahagya,bakit ngayon pa!?
Bakit ngayon ko pa nalaman na hindi ko na siya hinahanap.Kaya naman pala wala akong makita na kahit anong impormasyon mula sakanya.Ang akala ko no'ng una ay simpleng tao lang ang tatay ko.
Ang kaninang hikbi ko ay nauwi sa pag hagulgol.Hindi ko magawang pigilan ang nararamdam ko dahil sa sakit na hindi ko malaman kung saan nanggaling.
Napasalampak ulit ako sa kinauupuan ko.
"V-Vanessa?"tiningnan ko ang pinanggalingan ng boses na iyon.
Si Luke na hindi makapaniwalang tiningnan ako.Magsasalita pa sana siya pero tinikom niya nalang ang bibig saka mabilis akong nilapitan sa pwesto ko.
Nakita ko kung pano sundan ng totoo kong tatay ang kilos ni Luke.Hindi ko man lang magawang tawagin siyang papa."Are you okay?Bakit ka nandito?Masyadong delikado ang pinasok mo Vanessa."nag aalalang saad nito saakin.Mas lalo akong naiyak sa presensiya niya.
Dahan dahan akong tumayo,naramdam ko pa ang marahang pag alalay saakin ni Luke.
"N-narinig mo ang lahat?"ramdam ko ang baka sa boses nito.Hinarap ko siya inalis ang kamay niyang naka alalay saakin.
"K-kahit ngayon man lang ay pagbigyan mo ako.G-gusto kong makita ang papa ko sa m-malapitan."seryusong saad ko dito.Nakita ko kung pano kumuyom ang kamao nito.Saka ang marahas niyang pag hinga.
"Okay then,pero pagkatapos nito ay kusa kang sasama sakin,okay?"malambing na saad nito saka marahan akong niyakap.Dahan dahan naman akong tumango dito.
Kahit galit ako sa ama ko ay hindi ko maipagkakailang gusto ko siyang makita sa malapitan.Gusto ko ring malaman ang totoo kung bakit niya kami pinabayaan.Gusto ko siyang makilala at kung sakali ay pwede ring makasama.
Susunod...
A/N:Kala ko sapat na pero hindi pa pala hahaha!tingin ko another one chapter saka ako mag eepilogue.Bigla ko kasing naremember ang papa ni Vanessa.Sayang naman kung wala siyang exposure sa story hihi.See you again sa next chapter,godbless you all and thankyou sa pagbabasa❤️
BINABASA MO ANG
Hiding the Gangster's son
RomanceHALOS matumba ako sa lakas ng sampal ni mama sakin. Tanging iyak lang ang nagawa ko sa oras na iyon.Its all my fault kong bakit nagkaka ganito kami. Kong hindi lang ako nagpa uto edi sana makaka graduate ako ngayong taon. Dahil sa katangahan ko ay n...