Chapter 26

5.6K 139 18
                                    

"MOM??"napalingon ako kay Lucas dahil kanina pa siya hindi mapakali.Hinihintay ko lang na tawagin niya ako.

"Yes?"Wika ko dito saka kunwaring tinuloy ang mga damit na tinutupi ko.

"2 weeks had past,but daddy didn't showed up.It is okay if we visit him in his office Mom?"napabuntong hininga naman ako sa sinabi ni Lucas.

Totoo rin ang sinasabi ni Lucas na dalawang linggo na itong hindi nakaka dalaw saamin si Luke.Pero nakapag paalam naman siya sakin through text.Masyado daw maraming ginagawa sa office niya kaya babawi nalang daw siya saamin.

Hindi naman ako umapila pa dahil Wala naman kaming relasyon.Hindi ko magawang mag inarte dahil baka nag aasume lang ako kung Anong Meron saamin.

"Sige,pero magluluto muna si Mommy ng merienda Para may dala tayo Para sa Daddy mo."nakangiti kong turan dito dahil alam kong miss niya na ang presensiya ng Daddy niya.
At isa pa—-

Namimiss ko narin siya.

"Ako na diyan Mom,you can make our merienda na.So we can leave already."napailing ako dahil masyado siyang excited Para umalis.

"Kaya mo na ba yan?"nagdadalawang isip kong pagtatanong dito.Last time kasi nag presenta siyang mag tupi ng mga damit namin.
Pero ang ending pinagkasya niya lahat ng damit namin sa closet kahit hindi pa natutupi.Kaya nagrambolan At naghalo-halo yung damit naming dalawa.
Ang sabi niya lang sakin—
"It's hard to fix po,that's why I already did the best thing.Easier the better right?"

Wala na akong nagawa dahil umandar na naman ang pagiging matalino niya.

Ang mahirap lang talaga kay Lucas ay mataas ang IQ niya pero pagdating sa mga bagay na walang kinalaman sa pag aaral ay napaka slow niya.

"Don't worry Mom,I know what I'm doing.Since Lola teach me how to do it."wika nito na hindi man lang ako tiningnan.Seryuso itong nagtutupi na tipong pinag aaralan ang damit na nasa kamay niya.

Walang salita ko nalang itong tinalukuran dahil tumataas na ang sulok ng labi nito.Pag ganyan na yan ay ayaw na niyang paabala pa.May pinagmanahan talaga yang ugali niyang yan.

Sa kusina na ako dumeritsyo pero kusa akong napahinto nang makita si Vincent na nakaupo sa dining.

Ang tagal ko na pala itong hindi nakita.Ang alam ko kasi ay may inaasikaso ito dahil magbubukas ang pamilya niya ng panibagong resort.

"Pst!di ka ata busy ngayon?"Malakas kong wika Para maagaw nito ang atensyon niya.

"Hmmm,ngayon lang ako nagka free time eh.Masyadong marami ang kailangang gawin sa Resort."nakangiti nitong usal pero makikita mo sa kalagayan nito ngayon ang pagod At stress.Bigla akong naawa dahil halatang Wala itong tulog pero nagawa niya pa kaming bisitahin ng anak ko.

"Sana nagpahinga ka nalang,yung free time mo sana ay tinulog mo nalang.Nagugutom ka ba?Pwede kang mahiga dun sa kwarto dahil nandon naman si Lucas."walang tigil kong satsat habang naghahalungkat ng pwedeng iluto na mayroon sa kusina.

"No need,uuwi narin ako maya maya.Nagugutom narin ako eh,saka namimiss ko nang kasama kumain si Lucas."napabuntong hininga pa ito saka kumuha ng malamig na tubig sa ref.

"Okay ba sayo ang Carbonara?"pagtatanong ko dito nang makita na available ang ingredients ng Carbonara sa kusina.

Tinanguan niya naman ako kaya nilabas ko na ang ingredients nito.

"Umidlip ka nalang kasi muna sa kwarto.Bonding niyo narin ni Lucas."pagkukulit ko dito dahil umob-ob na ito sa lamesa.

"Hmmm,Okay.Mas makulit kapa sa anak mo eh."hindi ko siya sinagot sa sinabi niya kaya tinawanan niya nalang ako.
Magsasalita pa sana ako ng Wala na ito sa kinauupuan niya.

Ayaw niya kuno pero kung makapag madali ay Akala mong si the flash.

———

UMINOM muna ako ng tubig saka ako pumunta sa kwarto Para tawagin ang dalawa.

Nakita ko naman si mama sa sala na nanunuod ng tv.Napangiwi ako sa nakitang palabas ng tv.
Sa edad niyang yan nanunuod parin siya ng kdrama.

"Ma,May niluto akong merienda.Kumain kana muna,nasa lamesa yung food."tumigil ako sandali Sa paglalakad saka siya hinarap.

"Maya nalang Nak,tatapusin ko lang tong isang episode."nakanguso akong nagpatuloy sa paglalakad dahil Para itong teenager kung maka asta.Edi sana ol!Hehe pero feeling lang naman eh kaya pagbigyan na.
Kahit sa imagination niya nalang na feeling teenager siya.

Hindi na ako kumatok pa sa pintuan ng kwarto.Nagtuloy tuloy lang akong pumasok.

"Kakain———"
Naiwan sa eri ang sasabihin ko nang makita si Vincent at Lucas na natutulog.Himbing na himbing sila kahit nagsisiksikan sila sa kama.
Sa laking tao ba naman ni Vincent ay sakop na nito ang kama.Tapos ang anak ko naman ay humihilik pa sa bisig ng tito niya.

Paniguradong nakatulog na ito sa pagod saka nalipasan narin ito ng gutom.Wala akong choice kundi ang gisingin sila dahil aalis pa kami ni Lucas tapos si Vincent naman ay kailangang kumain At magpahinga.

"Heyyy,wake up na Lucas.Aalis pa tayo diba."inuna ko na ang anak ko Para makapag prepare na siya.
Nagmulat baman kaagad ito ng mata saka dahan dahang umalis sa kinahihigaan niya.

"Need ko pa bang maligo Mom?"nagkukusot pa ito ng mata niya kaya marahan kong ginulo ang buhok niya.

"Hmmm,Mas better para hindi ka mainitan baka kasi Ma traffic tayo."wika ko dito Mabilis naman itong tumalima.Hindi na ako nagtaka ng hindi niya ako sinagot.
Pag bagong gising ito ay hindi talga siya palasalita.

Kung hindi mo pa ito kilala ay baka isipin mong snob ito.
Nilapitan ko naman kaagad si Vincent saka marahan siyang yinugyog.

"Gising na,Luto na yung food kaya kumain kana At nang makapag pahinga ka ng mas maaga."saad ko dito pero nanatiling nakapikit ang mga mata nito.

"Gising na oii!"mas malakas kong saad dito.Pero alam kong Gising na ito dahil nakita kong gumalaw ang talukap ng mata nito.

"Gising na po Ma'am,mauna na muna kayo sa labas.Susunod rin ako kaagad."wika nito habang nakapikit parin ang mga mata.

"Sige Sige,ikaw ang bahala."Sabi ko nalang dito saka lumabas na ng kwarto.

Sana hindi kami maging abala ka Luke mamaya....

Susunod....

———

A/N:Di ako nakapag update kahapon dahil parang na mental block ako....Walang pumapasok na scene sa isip ko kaya Medyo nahirapan akong mag update.Yung feeling na malapit ka ng matapos ay saka ka mawawalan ng maisusulat😭😭😭

Hiding the Gangster's son Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon