CHAPTER 9: The Plan

3 0 0
                                    

- DANIEL -

Pagkatapos ng nangyari kahapon ang laki na ng pinagbago at tuluyan na siyang lumayo. Dun ko na realize na sobrang laki ng kasalanan ko sa kanya, gagawin ko ang lahat mapatawad niya lang ako, kung kinakailangan kong magsorry sa kanya araw-araw gagawin ko pero paano ko gagawin yun. Alam ko na kung sinong makakatulong sa akin

"Hello Quen"

"Bakit ka tumawag?"

"Kailangan ko ng tulong mo"

"Saan?"

"Gusto kong bumawi kay Dria"

"Ha?! Bakit naman?!"

"Kasi malaki ang kasalanan ko sa kanya"

"Ano bang kasalanan mo?"

"Naaalala mo pa si Kath?"

"Oo, yung hinahanap mo na kababata mo"

"Nahanap ko na siya"

"Teka Deej, ano bang connect ni Kath sa kasalanan mo kay Dria?

"Di ba nga sabi ko sayo nahanap ko na siya kasi si Dria at si Kath ay iisa lang"

"Ano?! Sigurado ka ba?!"

"Oo nga pare, siya na mismo ang umamin sa akin"

"Solve na pala problema, bakit humihingi ka pa ng tulong?"

"Galit na galit kasi siya sa akin at tuluyan niya na akong nilayuan. Quen tulungan mo naman ako, ayoko na siyang mawala sa akin"

"Kalma ka lang Deej, susubukan kong humingi ng tulong kay Liza"

"Salamat pare"

"Wala yun pare"

Sana makaconvince ni Quen si Liza kailangan ko talaga ng tulong nila ngayon. Biglang nagring ang phone ko

"Ano Quen, pumayag ba si Liza?"

"Oo Deej at may nainisip na kaming paraan"

"Paano?"

"Haranahin mo siya sa school"

"Ano?! Nakakahiya pare"

"Akala ko ba gagawin mo ang lahat para mapatawad ka niya"

"Oo nga pare pero. . ."

"Di sundin mo na lang kami"

"Ok. Kailan ba ako manghaharana?"

"Bukas, during break time"

"Ok. Salamat talaga sa tulong pare"

"Wala yun"

Sana gagana 'tong plano nila Quen. Anong kakantahin ko? Dapat yung kanta na maipaparamdam ko sa kanya na mahal ko siya at nagsisisi na ako, yung kanta mapapatawad niya ako. . . Alam ko na! Yun nga yung perfect song para sa kanya. Kaya ko 'to para kay Kath

Fated For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon