CHAPTER 14: Second Chance

4 0 0
                                    

- KATHRYN -

Sa totoo lang tumatalon ang puso ko sa sinabi ni DJ at sa binigay niya kahapon kaya lang natatakot pa rin ako na masaktan kaya siguro mas maganda kung magsimula muna kami sa umpisa

"Anong iniisip mo Dria?"

"Iniisip ko si DJ"

"Teka, sino si DJ?"

"Ah. . . Si. . . Si Deej"

"Paano nangyari yun?"

"Yun ang tawag ko sa kanya dati"

"Ano namang tawag niya sayo?"

"Kath"

"You know what, mas gusto ko yung Kath than Dria"

"Bakit naman?"

"Kasi mas fabulous pakinggan. Can I just call you Kath?"

"Ok"

"Bakit mo nga pala iniisip si Deej, i mean si DJ?"

"Kasi naisip ko lang paano kaya kung magumpisa kami ulit sa pagiging magkaibigan"

"Alam mo Dria, i mean Kath, maganda yung nasa isip mo"

"Sigurado ka"

"Alam mo kasi yung pakikipagkaibigan mo kay DJ para din sayo, para sa ikatatahimik ng kalooban mo"

"Tama ka naman dun eh"

"Wait lang best, tumatawag si Quen"

"Ok lang best, take your time"

Siguro kailangan ko na ulit masanay na tawagin akong Kath kasi sa totoo lang mas maganda naman yung Kath than Dria at ayaw ko lang namang tawagin akong Kath dahil naaalala ko si DJ pero dahil handa na akong makipagkaibigan ulit sa kanya, handa na rin akong maging Kath ulit kasi tama naman si Liza para sa ikatatahimik din 'to ng kalooban ko

"Kath! Swimming daw tayo sabi ni Quen"

"Kasama ba si DJ?"

"Oo kaya sumama ka na para makapagusap kayo"

"Sige, kukuha lang ako ng gamit"

Pagdating sa pool area nakita ko sina DJ at Quen. Ang bilis ng tibok ng puso ko nung nakita ko si DJ at mukhang na pansin ata ni Liza

"Kath, kinakabahan ka ba?"

"Oo eh, hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya"

"Huwag ka ngang kabahan, halika na"

"Liza at Dria nandito na pala kayo. Bakit ang tagal niyo?"

"Pasensiya ka na Quen kasi si Kath ang tagal magayos ng gamit"

"Kath?! Di ba Dria ayaw mo ng tawagin kang Kath"

"Oo pero kasi pinilit ako ni Liza kaya pinagbigyan ko na siya at isa pa na mimiss ko na rin na tinatawag ako na Kath"

"Ah, ganun ba"

"Kaya Quen simula ngayon Kath ng itatawag natin sa kanya"

"Alam mo mas bagay sayo ang Kath"

"Salamat DJ"

"Wait, DJ ang tinawag mo kay Deej"

"Yun kasi Quen ang tawag ni Kath sa 'kin nung mga bata kami"

"Ah. . . Ok. Tara swimming na tayo"

"Ahhh. . . mauna na kayo susunod na lang ako"

"Sure ka Kath?"

"Oo Liza"

"Ikaw pare?"

"Mauna na kayo Quen, sasamahan ko na lang si Kath"

"Pare, may tanong pa ako sayo"

"Ano yun?"

"Anong gusto mong itawag ko sayo, DJ o Deej?"

"DJ na lang pare, yun naman talaga ang nickname ko"

"Ok, sunod kayo DJ"

"Oo"

Nung nakita ko na umupo si DJ naisip ko na ito na yung chance ko para kausapin siya kaya umupo ako sa tabi niya

"Hi DJ"

"Akala ko ba gusto mong layuan kita? Akala ko ba ayaw mong tinatawag ka na Kath?"

"Ah. . . DJ, sorry sa mga nasabi ko, nasabi ko lang naman yun dahil natakot ako at yung tungkol naman sa nickname, narealize ko kasi na mas magandang pakinggan ang Kath than Dria"

"Bakit ka naman natakot?"

"Kasi natakot ako na baka iwan mo ko ulit"

"Sorry din kasi naging duwag ako, sumuko ako sa paghahanap sayo noon kaya nung nakita kita sobrang saya ko pero huli na pala ang lahat"

"Hinanap mo ko?"

"Oo, pumunta pa nga ako sa probinsya natin pero pagdating ko dun wala ka na, nasa Manila na kayo ng pamilya mo"

"Nadestino kasi yung trabaho ni papa sa Manila nun kaya kailangan naming lumipat. Sorry, hindi ko alam na babalik ka sa probinsya nun"

"Ok lang, ang importante na hanap na kita Kath at sana mapatawad mo na ako"

"Alam mo sa totoo lang kaya kita kinausap ngayon para sabihin sayo na gusto kong maging magkaibigan na tayo ulit at gusto ko pumasok ka na sa school ulit"

"Ibig sabihin ba niyan pinapatawad mo na ako"

"Oo DJ"

Bigla na lang niya ako niyakap ng mahigpit

"Salamat at pinatawad mo na ako"

"Pero DJ hindi tayo babalik agad sa dati"

"Alam ko naman yun at least ngayon nagsisimula tayo ulit hanggang bumalik tayo sa dati"

"Salamat at naintindihan mo. Swimming na tayo"

"Oo nga kasi mukhang kanina pa tayo hinihintay nila Quen"

Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan, magaan pala sa pakiramdam ang magpatawad at least ngayon malinaw na sa amin ang lahat at alam niya na kailangan niya pang maghintay

Fated For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon