CHAPTER 4: Flashback

21 0 0
                                    

- KATHRYN -

Hay nako, na tamaan na si Liza dun sa bestfriend ni Mr. Yabang at masaya ako para sa kanya pero sana hindi siya masasaktan sa huli at hindi siya pangangakuan pero hindi rin pala tututuparin

"Best, may problema ba?"

"Ha! Wala!"

"Anong wala, kitang kita na nga sa mukha mo, denideny mo pa"

"Bestfriend nga talaga kita kasi alam mo kung may problema ako o wala"

"So may problema nga?"

"Oo"

"Ano yun?"

"Actually hindi naman talaga siya problema, naalala ko lang yung kababata ko na nangako sa akin pero pinaasa lang ako"

"Kaya pala bitter ka sa love pero teka ano bang nangyari?"

"Pwede ba huwag na nating pagusapan? Uwi na lang tayo"

"Ok sabi mo eh"

Pagdating ko sa bahay, dumiretso ako agad sa room ko at humiga sa kama para magpahinga ng bigla ko na lang naalala yung kababata ko at ang taong unang nanakit sa akin. Dahil sa kanya natakot na akong magmahal at nakalimutan ko ng may happy ending. Hindi ko namalayan na tutumutulo na pala ang mga luha ko hanggang sa nakatulog na lang ako sa kakaiyak

- DANIEL -

Mukhang wala ng makakapigil sa nararamdaman ni Quen para dun sa bestfriend ni Ms. Sungit, masaya ako para sa kanya kasi nahanap niya na yung right person for him

"Tinamaan ka na talaga pare, huwag mo na siyang pakawalan Quen at huwag mo siyang saktan, huwag mo kong tularan"

"Deej ok ka lang ba? Ano yung sinasabi mong huwag kitang gayahin? May sinaktan ka ba dati?

"Oo ok lang ako, basta tandaan mo na lang yung sinabi ko sayo, huwag ka ng magtanong"

"Sabi mo eh, cge bababa na ako pare. Thanks for the ride, bye"

"Anytime pare, bye"

Habang nasa daan ako, bigla kong naalala yung kababata ko, kung paano kami nagkakilala at paano ko siya sinaktan. Sana hindi ko na lang siya iniwan, sana hindi na lang ako nangako kung di ko rin pala kayang panindigan, sana hindi ako sumuko sa paghahanap sa kanya, sana masaya siya kung nasaan man siya. Hanggang ngayon mahal ko pa rin siya at nagiguilty ako dahil sinaktan ko siya at hindi ko tinupad ang pangako ko sa kanya. Siguro kung hindi ako sumuko sa paghahanap sa kanya baka mapatawad niya pa ako pero sumuko ako, napanghinaan ng loob kaya ngayon huli na ang lahat para sa aming dalawa

"Sir nadito na po tayo"

"Ay cge po kuya"

Sa kakaisip ko hindi ko napansin na nasa bahay na pala ako. Pagdating ko, dumiretso na ako sa kwarto at natulog

Fated For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon