CHAPTER 6: Its Him

4 0 0
                                    

- KATHRYN -

Dahil magaling na ako kailangan ko ng pumasok kasi may long quiz din kami ngayon at ayokong malate. Pagdating ko sa school hindi ko nakita si Liza sa gate at hindi pa siya tumatawag sa akin, siguro nasa classroom na yun at siguro wala siyang load. Papasok na ako ng gate ng may yumakap sa akin

"Dria!!! Na miss kita. Ok ka na ba?"

"Nagulat naman ako sayo pero ok na ako, na miss din kita"

"Buti naman ok ka na. Pasok na tayo?"

"Teka lang may kasalan ka sa akin"

"Ha?! Ano?!"

"Bakit di mo ko tinawagan? Wala ka bang load?"

"Siyempre may load ako pero sinadya kong huwag kang tawagan para surprise"

"Ay ganun ba. Pasok na tayo"

Habang naglalakad kami papunta sa classroom na daanan namin ang bulletin board at nakita kong may announcement kaya nilapitan namin at nagulat ako sa nakita ko

"Liza, sinong naglagay ng picture na yan diyan sa bulletin board?"

"Yan ba, si Deej/Mr. Yabang ang naglagay niyan"

"Bakit niya daw nilagay diyan yan?"

"Baka daw kasi nandito yung kababata niya sa school"

"Kailan pa yan nandiyan?"

"Kahapon pa. Ok ka lang ba?"

"Ah. . . Oo, punta na tayo sa classroom baka malate pa tayo sa quiz natin"

Habang naglalakad kami papunta sa classroom, walang ibang tumatakbo sa isip ko kundi bakit niya pa ako kailangang hanapin. Nakarating din kami sa classroom. Uupo na sana kami sa harap ng makita ko si Deej at ang bestfriend niya na nakaupo sa harap kaya hinatak ko kaagad si Liza back seat. After a minute, dumating na si prof at nagstart na ang long quiz. Pagkatapos nun dinismiss ko na kami ni prof kaya hinila ko kaagad si Liza palabas ng classroom. Pumunta kami sa canteen para magbreak pero nakita ko na naman si Deej at Quen sa canteen kaya niyaya ko si Liza na magbreak na lang sa coffee shop. Pagdating namin sa coffee shop umupo kami agad, umorder ng coffee at nagusap

"May problema ka Dria?"

"Wala"

"Kung wala, bakit mo iniiwasan si Deej?"

"Hindi ko siya iniiwasan"

"Alam ko nagsisinungaling ka Dria"

"Ok fine. Tama ka, iniiwasan ko nga siya"

"Bakit naman?"

"Kasi siya kaunaunahang tao na nakit sa akin, siya yung kababata ko"

"Ha?! Paano mo nalaman na siya yun? Di ba sabi mo di mo na siya nakita ulit"

"Dahil dun sa picture nung dalawang bata na post niya sa bulletin board"

"Huwag mong sabihing. . ."

"Tama yung nasa isip mo, ako nga yung batang babae dun sa picture at siya naman yung batang lalaki"

"Sure ka ba?"

"Oo, ako kasi nagbigay sa kanya nung picture na yun. Binigay ko sa kanya yun bago siya pumunta sa states at para hindi niya ako makalimutan kahit na hindi kami magkasama"

"So anong plano mo? Sasabihin mo ba sa kanya na ikaw yung hinahanap niya?"

"Para san pa, para saktan niya lang ako ulit, huwag na lang"

"Pero hindi mo ba nakikita, pinagtatagpo kayo ng destiny"

"Hindi totoo ang destiny. Alam mo bumalik na tayo sa school kasi tapos na po ang break"

"Oo nga! Tara na Dria!"

Bakit ba kasi bumalik pa siya? Bakit ba kasi nakita ko pa siya ulit? Sa tingin ko wala na akong magagawa kundi ang iwasan siya dahil sa tuwing nakikita ko siya naaalala ko lang yung ginawa niya at ayaw ko ng maalala pa yun dahil pagod na akong umiyak

Fated For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon