CHAPTER 21: Revelation

3 0 0
                                    

- CRISTINA -

Habang nanunuod ako ng television, nagring ang phone ko

Ringgg. . .

"Hello"

"Kathy nasan ka ngayon?"

"Nasa bahay Agnes, bakit?

"May sasabihin daw na importante si Xander at gusto niya kasama ka"

"Ano naman yung gusto niyang sabihin?"

"Hindi ko rin alam basta ang sinabi niya isama daw kita"

"Saan ba tayo magkikita-kita?"

"Sa mall"

"Gusto ko sana pero wala akong driver ngayon at isa pa alam mo naman na hindi ako papayagan ni mama kung walang kasamang driver"

"Susunduin ka na lang namin ni Xander "

"Wait lang bes ah, magpapaalam muna ako"

"Ok, text ka kung pinayagan ka"

"Oo"

Binaba ko ang phone ko at pinuntahan si mama

"Mama pwede pong magpaalam?"

"Para saan?"

"Nagyaya po kasi si Agnes na lumabas at kasama po yung boyfriend niya, si Xander, pwede po ba akong sumama?

"Pero alam mo naman na hindi ka pwedeng lumabas ng walang driver"

"Alam ko naman po yun pero susunduin naman daw po ako nila Agnes at Xander"

"Sige na nga"

"Salamat po mama. Akyat na po ako para po magbihis"

Tinext ko kaagad si Agnes. Umakyat ako sa kwarto, nagbihis at bumaba na para maghintay. Habang naghihintay, nagtext sa 'kin si Agnes at sinabing nasa tapat na sila ng bahay kaya nagpaalam na ako kay mama

"Mama alis na po ako"

"Ingat ka at umuwi ng maaga"

"Ok po"

Nagmano na ako kay mama. Lumabas ako ng bahay, sumakay sa sasakyan ni Xander at dumiretso na kami sa mall. Pagdating sa mall, pumunta kami sa food court at nagusap

"Xander, ano bang sasabihin mong importante?"

"Alam ko kung ano talaga ang dahilan kung bakit pinasunod ni tita Juliana si Ivan sa states"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kathy kasi ang totoo pinasunod siya dun para mapaghiwalay kayo"

"Pero bakit naman paglalayuin ni tita Juliana sila Ivan at Kathy?"

"Dahil si tito Jaime at tita Lea ay may ugnayan noon Agnes"

"Anong ugnayan?"

"First love ni tito Jaime si tita Lea at ganun din si tita Lea kay tito Jaime"

"Kung first love nila ang isa't isa, bakit nagpakasal ang daddy ni Ivan sa mommy ni Ivan"

"Kasi nabuntis ni tito Jaime si tita Juliana noon at pinagbantaan ng daddy ni tita si tito kaya napilitan si tito na pakasalan si tita"

"Paano mo nalaman lahat yan?"

"Sinabi sa akin lahat ni Ivan nung na sa states kami Kathy"

Fated For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon