CHAPTER 10: Reaching Out

3 0 0
                                    

- KATHRYN -

Its another day in school at isang araw na naman ng pagiwas. Hindi ko na alam kong tama pa ' tong ginagawa ko kasi wala namang epekto sa kanya. Bakit kaya hindi na naman tumawag si Liza sa akin? Ano naman kayang kalokohan ang binabalak niya?

"Nandito na po tayo"

"Salamat po kuya. Pasundo na lang po ulit mamaya pagkatapos ng klase, ingat po kayo"

"Cge po mam, ingat din po kayo"

Naglalakad ako ngayon magisa sa school campus at ang nakakapagtaka ang daming studyante na nasa labas ngayon, di ba dapat ganitong oras na sa classrooms na sila? Parang ang weird talaga ng araw na 'to. Pagdating ko sa classroom walang katao-tao pero nandun si Deej kaya binalak kong umiwas pero tinawag niya ako

"Dria! Pwede pakinggan mo muna ako? Kahit ngayon lang, pagkatapos nito di na kita kukulitin"

"Ano bang sasabihin mo?"

"Basta makinig ka lang"

Bigla niyang kinuha ang gitara niya at kumanta

Muli ay 'yong pagbigyan pagibig natin
Muli ay 'yong patawarin ako'y nagsisisi
Alam kong ako'y ngakong di na mauulit pa
Ako'y nagkamali sayo
Muli ay patawarin mo
Ako ba'y kayang yakapin, nakaraa'y kayang limutin
Magtiwalang muli, mahalin mong muli, magbalik ka sa 'kin
Di ko kakayin kung ika'y mawawala sa aking piling
Di ko kakayin pagnalaman kong wala ng pagibig sa 'kin
Di kayang magisa, gusto kasama kita
Sayo lang ang pagibig ko
Magtiwalang muli, ito na ang huling pagkakamali
Pagibig ko'y. . . Muling tanggapin

"Sorry talaga Dria, please patawarin mo na ako"

"Sorry din Deej pero masyado na akong nasaktan at hindi ko alam kong mapapatawad pa kita"

Lumabas ako ng classroom at tumakbo ng tumakbo hanggang narating ko ang restroom at dun lumabas ang mga luha ko. Hindi ko na alam kung tama ba na hindi ko siya pinatawad kasi sabi ng isip ko patawarin ko siya pero itong puso ko, hindi na siya kayang patawarin dahil wala ng ibang nararamdaman ang puso ko kundi galit dahil sa pangiiwan niya sa akin

Fated For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon