CHAPTER 22: Amnesia

4 0 0
                                    

- JOAQUIN -

Pag-gising ko wala akong maalala basta ang alam ko lang kasama ko sila mama at papa sa kwarto pero hindi ko alam kung nasaan ako at hindi ko maalala ang mga nangyari

"Anak! Gising ka na! Jaime. . .! Gising na ang anak natin!"

"Anak, gising ka na!"

"Ma, pa, ano pong nangyari? Nasaan po ako? Sino po ako?"

"Anak wala ka bang naaalala?"

"Wala po pa"

"Jaime bakit ganun, tayo lang naaalala niya?"

"Hindi ko rin alam Juliana. Tawagin ko na lang yung doktor niya"

Lumabas na si papa ng room at pagbalik niya may kasama na siyang doktor. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero naririnig ko ang pinaguusapan nila

"Dok bakit po wala siyang maalala bukod sa 'min ni Juliana?"

"Nagkaroon siya ng temporary amnesia"

"Makakaalala pa po ba siya dok?"

"Oo naman, unti-unti rin siyang makakaalala pero sa ngayon kayo lang ang naaalala niya at dapat huwag natin siyang bibiglain"

"Ok dok, salamat"

Hinatid na ni papa sa labas yung doktor. Hindi ko napigilan ang sarili ko at tinanong ko si mama

"Ma, ano pong sinasabi nung doktor?"

"Sinabi niya anak na may temporary amnesia ka pero huwag ka magalala, tutulungan ka namin na makaalala ulit"

"Ano po bang nangyari? Bakit po ako nandito?"

"Naaksidente ka Angelo"

"Angelo?"

"Yun ang pangalan mo"

"Ano pong apelyido ko?"

"De los Reyes"

Habang naguusap kami ni mama, bumukas ang pinto at pumasok si papa sa loob ng kwarto. Pagpasok ni papa, lumapit siya kaagad sa 'min ni mama

"Anak, pwede bang magusap muna kami ng mama mo?"

"Sige po pa"

"Angelo tulog ka muna"

"Ok po ma"

Ipinikit ko lang ang mga mata ko para hindi nila mahalata pero ang totoo gising ako at naririnig ko na nagaaway sila pero hindi ko masyadong maintindihan dahil mahina lang ang boses nila

"Akala mo hindi ko narinig"

"Ang alin?"

"Bakit hindi mo sinabi ang totoong pangalan ni Ivan?"

"Gusto ko ng magsimula ng bagong buhay, malayo sa mga Dizon at mula ngayon siya na si Angelo de los Reyes"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ko na ipapaalala sa anak ko ang panahong nakilala niya ang mga Dizon, lalo na nung nakilala niya si Kathy at pati ang totoong pangalan niya ipapalimot ko na rin sa kanya"

"Hindi mo yan gagawin sa anak ko"

"Anak ko din siya at pinoprotektahan ko lang siya"

"Pagproprotekta ba yung pagpapalit sa pangalan niya?"

"Oo"

"Kasinungalingan yung ginawa mo"

"Kahit kailan hindi mo ko naintindihan"

"Alam mo tama ka kaya bahala ka na pero ito ang tatandaan mo malalaman niya rin ang katotohanan"

"Alam ko yun kaya nakapagdesisyon na ako"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Pagkagaling na pagkagaling ni Angelo, pupunta na kami sa Singapore"

"Hindi mo pwedeng ilayo sa 'kin ang anak ko"

"Kung ayaw mong malayo sa anak mo, sasama ka sa Singapore"

"Alam mong hindi ako pwedeng umalis dito sa Pilipinas basta-basta"

"Bakit? Dahil kay Lea?"

"Paano na pasok si Lea sa usapan?"

"Bakit? Totoo naman di ba? Mahal mo pa rin siya"

"Naririnig mo ba sarili mo, may asawang tao si Lea at kasal na rin ako sayo pero hanggang ngayon iniisip mo na mahal ko pa rin siya"

"Dahil yun ang nararamdaman ko"

"Alam mo bahala ka na kung anong gusto mong gawin, ayaw ko ng makipagtalo sayo"

Bigla na lang lumabas ng room ko si papa at hindi ko na natiis, tinanong ko na si mama

"Ma, bakit po nagagalit sa papa?"

"Anak kanina ka pa gising?"

"Ma sagutin niyo na lang po yung tanong ko, bakit po na galit si papa?"

"Mero lang kaming hindi pagkakaintindihan"

"Ma, bakit po tayo pupunta sa Singapore?"

"Para magbakasyon"

"Bakit po ayaw sumama ni papa?"

"Kasi walang magaasikaso ng negosyo natin dito kaya nagpapaiwan siya"

"Ganun po ba, sige po tulog na po ako"

"Anak wala ka bang ibang narinig kanina habang naguusap kami ng papa mo?"

"Yun lang naman po ang narinig ko kasi po yung iba niyo pong pinagusapan hindi ko po masyadong narinig. Bakit po?"

"Wala naman, sige matulog ka na"

"Ok po"

Ipinikit ko ulit ang mga mata ko pero this time, natulog na talaga ako

Fated For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon