CHAPTER 2: First Meeting

18 0 0
                                    

- DANIEL -

As expected pinagalitan ako ng parents ko kahapon kasi nga hindi ako pumasok, eh ano naman ngayon, introduction lang naman ang ginawa nila kahapon at hindi ko na kailangan pang magintroduce by the way papunta ako ngayon sa bahay ni Quen para sunduin siya at sabay kaming papasok sa school ngayon. Since first year college kasi classmate ko na si Quen at siya lang ang naging kaibigan ko sa states nung tumira ako dun. Anyways ang tagal naman niyang lumabas ng bahay nila at lagi siyang ganyan tawagan ko na nga.

"Quen! Bakit ba ang tagal mo?! Alam mo naman na ang ayaw ko sa lahat ay yung pinaghihintay ako!"

"Pare chill ka lang, nagpapapogi pa kasi ako eh"

"Quen, gwapo ka na"

"Paano mo nasabi"

"Hindi ka naman hearthrob ng school kung hindi ka gwapo"

"Oo nga no, bakit hindi ko na isip yun"

"Ewan ko sayo basta bilisan mo na diyan"

"Oo, malapit na"

After 10 minutes, bumaba na si Quen at pumunta na kami sa school.

- KATHRYN -

Papunta na ako sa school ko ngayon at as usual hinihintay ulit ako ni Liza sa may gate ng school buti na lang at maaga akong nagising ngayon kaya hindi magagalit si Liza sa akin. After a long travel nakarating din sa school at siyempre sinalubong agad ako ni Liza.

"Hi best!"

"Hi!"

"Ready ka na ba Dria?"

"Oo naman, tara pasok na tayo?"

"Cge tara pasok na tayo"

Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa classroom ng may nakabunggo sa amin at nahulog ang gamit namin and guess what dalawang gwapong lalaki pala ang nabunggo namin pero mukhang mayayabang at ungentleman sila.

"Mga miss pwede ba sa susunod tignan niyo naman yung dinadaanan niyo para hindi kayo nakakabunggo"

"At kasalan pa namin ngayon eh kayo nga itong tumatakbo diyan at hindi niyo pa tinitignan yung dinadaan niyo!"

"Sorry kung nabunggo namin kayo ah pero kasi nagmamadali kami at wala kaming time makipag away sa inyo"

"Hoy mister yabang, hindi niyo lang ba pupulutin yung mga gamit namin?!"

"Miss kaya niyo yan. Pare tara na"

"Hay! Ang yabang talaga! Tara na nga best. Best!

"Bakit best?"

"Sabi ko tara na"

"Ay sorry best, cge tara na"

Tignan mo 'tong si Liza, na love at first sight ata dun sa kasama ni mister yabang, kanina pa tulala at ngumingiti magisa. Sira na araw ko!

- DANIEL -

Grabeng sungit naman nung babae na yun but she looks familiar to me. Hindi na kami tumuloy sa school kasi tinatakasan namin yung mga girls na humahabol sa amin kaya tumambay na lang kami sa mall nang naalala ko na naman yung babaeng nakaaway ko kanina.

"Pare yung babae kanina, she looks familiar to me and I think I've seen her before"

"Baka naman Deej may pass relationship kayo nung girl na yun"

"Impossible naman yung sinasabi mo Quen pero teka nahuli kita kanina"

"Nahuli mo kong. . .?"

"Nakatitig ka dun sa girl na kasama ni miss sungit"

"Ay yun ba, ang cute niya kasi"

"Teka pare, seryoso ka ba?"

"Oo pare, feeling ko siya ang babaeng makakapagpatino sa akin"

"Ikaw ba talaga yan Quen!?"

"Oo naman! Bakit?"

"Kasi ang kilala kong Quen ay yung playboy"

"Bakit masama bang magbago?"

"Hindi naman, hindi ko lang akalain na dadating ang panahon na magseseryoso ka sa buhay"

"Ewan ko sayo Deej. Palibhasa kasi hindi mo pa nakikilala yung babaeng magpapatino sayo"

"Alam mo Quen, dadating din tayo diyan"

Mukhang na love at first sight ata si Quen. Hay naku, love nga naman.

Fated For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon