CHAPTER 16: Friends Again

5 0 0
                                    

- JOAQUIN -

Hindi ko malilimutin yung dalawang araw na nagkasama kami, lalong lalo na yung araw na pinatawad niya ako kaya nga siguro excited ako pumasok

"Ngumingiti ka na naman magisa"

"Ay sorry Xander, masaya lang"

"Alam mo yan yung Ivan na namiss ko. Welcome back pare"

"Bakit welcome back? Hindi naman ako nawala"

"Nawala ka kaya kasi isipin mo ah, hindi ka pumapasok at hindi ka rin nagpapakita sa 'kin tapos sasabihin mo ngayon hindi ka nawala"

"Sorry ah, alam mo naman kung anong pinagdadaanan ko nun eh"

"Kaya nga initindi na lang kita"

"Salamat pare"

"Wala yun"

Nasa school na kami ngayon pero hindi ko pa rin nakikita si Kathy at mukhang pati si Xander hinahanap din si Agnes nang biglang may sumigaw ng pangalan ni Xander

"Xander!"

"Agnes, kanina pa kita hinahanap, saan ka ba pumunta?"

"Ang tagal kasi ni Kathy, siya kasi sumundo sa akin"

"Ah. . . Ganun ba, ok lang"

"Hi Kathy"

"Hi Ivan"

"Ehem. . . Agnes, una na tayo kasi mukhang busy yung dalawa"

"Oo nga Xander, mauna na tayo sa classroom"

"Xander at Agnes!"

"Sabay talaga kayong sisigaw"

"Bakit niyo ba kasi kami iiwan dito?"

"Binibigyan lang namin kayo ng moment ni Ivan"

"Oo nga dapat nga pasalamatan niyo kami"

"Ginatungan mo pa Xander"

"Porket kasi mahal mo si Agnes kaya sinusuportahan mo"

"May point ka dun Kathy"

"Hay naku tama na nga yan. Ano sasabay ba kayo sa amin Kathy?"

"Oo"

"Yun naman pala, eh di tara na bago pa tayo malate"

Sobrang saya ng araw na 'to kasi buong klase magkatabi kami ni Kathy, sabay kaming nagbreak at naglunch, hinatid ko pa siya sa gate ng school at sinamahan ko siya hintayin yung sundo niya. Baka hindi ako makatulog ngayong gabi sa sobrang saya at hindi na ako makapaghintay na makita siya ulit bukas. Sana palagi na lang ganito

Fated For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon