CHAPTER 17: Confession

5 0 0
                                    

- JOAQUIN -

Sabi nila you only live once kaya kung gusto mo gawin mo. Minsan na akong nagkamali at hindi na mauulit yun, kailangan kong makausap si Kathy at sabihin sa kanya ang totoo kong nararamdaman dahil kung may pinagsisisihan man ako bukod sa hindi ko pagtupad sa pangako ko sa kanya ay yun ang hindi ko sinabi sa kanya na mahal ko siya

"Hello. . ."

"O, Ivan, bakit ka tumawag?!"

"Busy ka ba?"

"Hindi naman. Bakit?"

"Gusto sana kitang yayain sa park"

"Anong gagawin natin dun?"

"Mamasyal lang tayo, ok lang ba?"

"Oo naman"

"Yes! Isama mo si Agnes kasi isasama ko si Xander"

"Cge sabihin ko sa kanya"

"Pero Kathy hindi ko pala kayo masusundo ni Agnes kasi may dadaanan pa ako, ok lang?"

"Oo naman, kita na lang tayo sa park"

"Sige. Kathy ibaba ko na yung telepono, bye"

"Ok, bye"

This is the day, ang araw na hinihintay ko pero kailangan ko ng tulong ni Xander, matawagan nga siya

"Hello Xander, busy ka ba?"

"Hindi, bakit?"

"Samahan mo ko sa park"

"Tinatamad ako pare"

"Sayang kasama pa naman si Kathy at Agnes"

"Kasama si Agnes?!"

"Oo nga! Hindi ka ba naniniwala sa 'kin?"

"Naniniwala"

"Yun naman pala pare, so ano sasamahan mo na ba ako?"

"Siyempre pare, ito na nga nagbibihis na"

"Nalaman mo lang nakasama si Agnes kaya ka pumayag,daanan na lang kita, bye"

"Nangaasar ka na naman pare, cge na, bye"

Sinundo ko agad si Xander at dumaretso sa park para sabihin sa kanya ang balak ko na magtapat ng narararamdaman kay Kathy

"Teka Ivan, bakit walang tao dito sa park? Bakit hindi natin sinundo sila Agnes?"

"Sinabi ko kay Kathy na dito na lang tayo magkikitakita kasi may dadaanan pa ako at kaya walang tao dito dahil pinasara ko 'tong park"

"Ha!? Bakit mo pinasara?!"

"Kasi magtatapat na ako kay Kathy, sasabihin ko na sa kanya na mahal ko siya, dati pa"

"Talaga! So anong plano mo?"

"Yun ngang problema, wala akong plano"

"Ano?! Magtatapat ka ng nararamdaman mo sa kanya ng wala kang plano!"

"Kaya nga pinapunta kita dito pare kasi kailangan ko ng tulong mo"

"Buti na lang may naisip na akong plano"

"Ano?"

"Sabihin mo yung nararamdaman mo sa kanya sa pamamagitan ng pagkanta"

"Harana! Di ba nung huling beses ko siyang hinarana nagalit lang siya"

Fated For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon