CHAPTER 18: First Date

8 0 0
                                    

- CRISTINA -

Pagkatapos ng klase bigla na lang akong hinatak ni Ivan sa canteen. Dinala niya ako sa table namay roses in a flower vase at dalawang sandwich. Pagkaupo namin ni Ivan, tinanong ko siya kung anong meron

"Ano bang meron ngayon Ivan?"

"Ngayon ang first date natin"

"Para saan ba 'tong first date na 'to?"

"Part 'to ng panliligaw ko sayo"

"Hindi mo naman kailangan gawin 'to kasi lagi mo na lang akong sinusurprise"

"Alam mo Kathy, kulang pa nga 'to kasi wala akong pera ngayon pero pagnakapagipon ako ng pera, ibabagay ko sayo ang best date ever"

"Best date ever?"

"Hindi mo alam ang best date ever?!"

"Hindi, ano ba yun?"

"Ipapaliwanag ko sayo, makinig ka. Susunduin ka ng isang limosine at dadalhin ka sa Kazakhstan, pagdating mo dun may naghihintay sayo na rocket tapos dadalhin ka sa buwan at pagdating mo dun makikita mo ko na naghihintay sayo para sa best date ever"

"Sa buwan talaga?! Ano namang gagawin natin dun?"

"Tititigan natin ang mga planets at sasabihin ko sayo, tignan mo Kathy, sa nilawak ng universe, pinagtagpo pa rin tayo ng tadhana"

"Alam mo Ivan maganda yung best date ever mo kaya lang may klase na tayo at malalate na rin tayo"

"Oo nga no, sige tara na"

"Pero paano yung. . ."

"Ako ng bahala diyan mamaya pero sa ngayon kailangan muna kita ihatid sa next class mo, ok?"

"Ok"

Pagkahatid sa akin ni Ivan umalis na rin siya kasi may class na rin siya

- JOAQUIN -

Pagkatapos ng klase ko dumiretso na ako sa classroom ni Kathy para sunduin siya at sakto pagdating ko tapos na ang klase niya pero imbis na tawagin ko siya sa pangalan niya, nagtago ako at paglabas niya hinatak ko siya kaya lang mukhang nagulat si Kathy

"Nakakagulat ka naman Ivan, bakit ka ba nandito?"

"Sinusundo ka kasi di ba last class mo na 'to kaya sinusundo na kita para umuwi na tayo"

"May pinagusapan ba tayong sabay tayo uuwi ngayon?"

"Wala pero simula sa araw na 'to, hatid sundo na kita"

"Pero di mo naman kailangang gawin yun"

"Pero gusto ko"

"Bakit?"

"Alam mo ang dami mong tanong, halika na nga, umuwi na lang tayo"

"Opo, sasabay na"

Dinala ko na siya sa sasakyan at hinatid ko sa bahay nila. Pagkahatid ko kay Kathy, dumiretso na ako sa bahay para makapagpahinga

Fated For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon