CHAPTER 12: Another Plan

3 0 0
                                    

- QUEN -

Sobra na akong nagaalala kay Deej, ngayon ko lang siya nakitang ganyan, halos isang week na siyang hindi pumapasok at sa sobrang pagaalala tinawagan ko na si Liza

"Hello. . . Liza"

"O Quen, bakit ka tumawag?"

"Busy ka ba?"

"Hindi naman, baki?"

"Pwede kitang sunduin? Kailangan ko ng kausap ngayon"

"Cge, magbibihis na ako"

"Cge, bye"

Pagkasundo ko kay Liza, dinala ko siya sa mall. Nagikot- ikot at pagkatapos kumain pero napansin ko na balisa si Liza kaya niyaya ko muna siya na umupo

" May problema ka ba?"

"Wala Quen"

"Alam ko meron, iniisip mo si Dria?"

"Oo eh, ikaw, iniisip mo si Deej?"

"Oo Liza, nagaalala na ako, hindi na kasi siya pumapasok, isang linggo na"

"Iniisip ko nga rin si Dria kasi lagi siyang malungkot, hindi ko na siya nakikitang ngumiti at nagkukulong na lang siya sa kwarto niya buti nga pumapasok pa siya sa school"

"Anong gagawin natin para bumalik yung mga bestfriends natin sa dati"

"Subukan kaya natin ulit na pagbatiin sila"

"Pero Liza ayaw na nga ni Deej na makialam tayo"

"Si Dria din naman, ayaw niya ng makialam pa tayo pero alangan namang hayaan lang natin na maging ganyan sila"

"Sa bagay tama ka naman pero anong gagawin natin"

"Alam ko na! Paano kaya kung pagsamahin natin sila ng ilang araw"

"Paano natin gagawin yun, ayaw nga nilang lumabas ng mga bahay nila di ba"

"Sabihin nating may outing ang school at recquired lahat sumama"

"Pero paano natin sila mapapapayag"

"Hindi ko rin alam Quen. Basta ako ng bahal kay Dria at ikaw ng bahala kay Deej"

"Ok, sabi mo eh. Hatid na kita sa inyo"

"Ok"

Paano ko naman mapapapayag si Deej? Bahala na nga. Hindi ko alam kung anong gagawin ni Liza para mapilit niya si Dria pero sana this time gagana na 'tong plano namin

- LIZA -

Hay nakakapagod 'tong araw na 'to pero ok lang kasi si Quen naman ang kasama ko. Teka matawagan nga si Dria, sana maconvince ko siya

"Hello. . . Dria, busy ka?"

"Hindi naman, bakit ka tumawag?"

"Kasi kailangan nating pumunta sa Tarlac"

"Ha! Bakit?!"

"Kasi dun napili ng school natin na ganapin yung outing"

"May innounce ba sila?"

"Oo kaya, kahapon nila innounce kasi naman ikaw ang aga mo umuwi"

"Pwede bang hindi na lang sumama?"

"Best, recquired lahat sumama at isa pa gusto ko rin makita ang Mt. Pinatubo. Please. . . Sumama ka na"

"Sabagay gusto ko rin namang makita ang Mt. Pinatubo, kailan ba yan?

"Bukas"

"Sige na nga, aayusin ko na gamit ko"

"Haaa. . . ! Thank you best, good night and sleep well"

"Same to you best"

Mission accomplished! Kamusta kaya yung mission ni Quen? Matawagan nga

"Hello Quen, mission accomplished na ako, ikaw?"

"Mission accomplish na din ako"

"Talaga!"

"Oo"

"Mukhang tuloy na tuloy na 'tong plano natin"

"Oo nga Quen, salamat sa suporta mo"

"Wala yun basta ikaw, gud night"

"Gud night din Quen"

Sana maging successful 'tong plan namin ni Quen

Fated For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon