14

175 8 1
                                    


"Tapos na kasi ang kaarawan nitong apo ko, no'ng ika-uno pa lang ng buwan ng Abril," sabi ni Lolo Jose.

No'ng ika-uno ng Abril, wala pa siya rito sa Sta. Helena. Kung hindi ako nagkakamali, ika-lima ng Abril ko siya unang nakita. Sa loob ng halos isang buwan na 'yon, may mga araw na hindi ko siya nakikita at nakakausap. Pero dahil kay Lolo Jose, kahit papaano, mas nakilala ko siya.

Naramdaman ko rin kung paano makitungo sa amin si Lolo Jose. Dahil do'n, nakahanap din ako ng sagot sa ilang katanungang nasa isip ko tungkol kay Syano. Nando'n ang tiwala, na parang matagal niya na kaming nakasama at nakilala.

Pero paano nga ba nagsimula ang kuwento ni Lola at Lolo Jose?

"Gusot ang uniporme ni Venancia no'ng unang araw ng klase namin sa kolehiyo," pagsisimula ni Lolo Jose. "Para siyang hahabulin ng plantsa no'n."

Humagalpak naman sa tawa si Lola. Hindi ko rin maiwasang mapangiti at matawa.

"Pareho kaming nag-aral sa Katipunan, do'n kami natapos. Apat na taon kaming magkasama. Malaki nga ang pasasalamat ko sa gusot niyang uniporme, dahil 'yon ang naging daan para makausap ko siya," pagpapatuloy niya. "Dahil bago pa lang sa 'kin ang buhay sa kolehiyo, nahirapan akong makisama sa iba. Mabuti na lang at si Venancia ang una kong napansin."

Parang nakikita ko na ang p'wedeng mangyari sa unang araw ko bilang pagiging isang kolehiyala.

"Natatandaan ko pa kung ano ang sinabi ko sa kanya noon na muntik nang nagpabago sa isip niya na 'wag na lang ituloy ang pakikipag-usap at pakikipagkaibigan sa 'kin."

"Baka habulin ka ng plantsa, ah. Sige ka, unang araw pa lang natin sa kolehiyo pagod ka na," biglang sabi ni Lola at napatingin naman kaming lahat sa kanya.

"'Yan nga 'yon," natatawang sabi ni Lolo Jose. "Pero kalaunan ay nakipag-usap din siya sa 'kin. Mukhang hindi natiis ang taglay kong kagwapuhan at kakisigan."

Lahit kami ay hindi maiwasang matawa habang patuloy pa rin itong nagkukuwento. Pero si Syano, tahimik lang na nakaupo.

Mukhang nakuha 'ata ng Lolo ni Syano si Lola sa pagiging bolero niya. Biro lang. Pasensya na po, Lolo Jose.

Hay, Afen.

"Alam ko na sa sarili ko na no'ng beses ko pa lang siyang nakita, may kakaiba na. Naging magkaibigan kami sa loob ng isang taon. Pagtapak namin sa ikalawang taon sa kolehiyo, naisip ko nang haranahin siya. Sinama ko ang dalawang pinsan ko noon, sila ang tumutugtog ng gitara."

Kahit limang oras 'ata akong makinig sa kuwento ni Lolo Jose, hindi ako magsasawa. Mas lalo akong naging interesado sa kuwento nilang dalawa, popcorn na lang ang kulang.

"Madalas kong naririnig sa iba kong apo na baka 'yon ay ang tinatawag nilang... spark. Parang sa kuryente? Syano, apo, tama ba?" kamot-ulo na tanong ni Lolo Jose.

Napakislot naman si Syano. "Naputulan po tayo ng kuryente?"

Napakurap-kurap naman ako. Seryoso ba 'to? Hindi nga talaga siya interesado. Natawa na lang sila sa sinabi ni Syano, habang ako ay natahimik at napaisip.

"Mukhang kailangan po 'ata ng katawan ni Syano na makaramdam ng isang malakas na boltahe ng kuryente, para medyo magising naman po ang diwa niya," sabi ko.

Sa Hindi Malamang DahilanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon