Chapter LV. Walk away

3.7K 85 5
                                    

Francine's POV

Eto na ang araw na pinakahihintay ko, ang umuwi ng Pilipinas.Hindi ko nasabihan sila mama o maging si Gwen man kaya sigurado akong masusurpresa ko sila.

Mahigit 17 oras bago ang arrival ng connecting flight ko from France to London hanggang dito sa NAIA, kaya naman kahit pagod ako sa biyahe ay naisipan kong dumerecho sa hospital kung saan nakaconfine ang stepfather ko. Habang dahan-dahang naglalakad papunta sa private ward ni papa ay medyo kinakabahan ako lalo na nung binuksan ko yung pinto. Tahimik na nakayuko si mama sa gilid ng kama ni Papa na mahimbing na natutulog. 

"Ma, kain muna tayo." sabi ko kay mama kaya nabigla ito nung nakita ako

"Tisay, anak?" masayang sabi ni mama sabay tayo niya upang bigyan ako ng isang mainit na yakap.

"Na-miss ko kayo ma." nakangiti kong sabi saka siya hinalikan sa pisngi

Pagkagising ni Papa ay lumapit agad ako upang magmano.

"Kamusta po yung kalagayan nyo Pa?" tanong ko.

"Tisay, anak maraming salamat." naiiyak niyang sabi

"Walang anuman po Pa, basta po ingatan nyo na lang po lagi ang kalusugan nyo." sabi ko

"Pasensya ka na kung naging masama akong ama, kung naging perwisyo ako sayo anak." malungkot na sabi ni Papa hawak-hawak ang isang kamay ko

"Ang mahalaga Pa, okay kayo, buo na tayo ulit, mahal ko po kayong dalawa ni Mama." nakangiti kong sabi tila pinipigilang wag umiyak

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Sa wakas ay nagkaayos na kami ni Papa. Sa awa ng Diyos ay unit-unti nang nakarecover si Papa sa pagkakastroke niya. Tila naging balewala ang pagod na naramdaman ko sa biyahe kaya laking pasalamat ko dahil makalipas ang ilang taon naming di pagpapansinan ni Papa ay naging maayos na ang lahat.

Pagkatapos naming kumain ni Mama ay kinausap ako ng Doctor na maaari nang madischarge si Papa this week after ng observation sakanya ng ilang araw.

Gwen's POV

"Baby bumalik ka na kaya ng office?" sabi ko kay Erika habang tahimik siyang nakaupo sa sofa

"Eh Gwen, itutuloy ko na muna siguro etong pagtuturo. Napamahal na rin kasi sakin ang mga estudyante ko at saka masaya ako na marami akong natutulungang mga bata." paliwanag niya

"Kung diyan ka masaya...namimiss ka na rin kasi ng mga bata dun sa YFC." sabi ko

"Hayaan mo at one of these days dadalawin ko sila okay?" nakangiti niyang sabi habang kinukurot ang pisngi ko

"Aray! masakit ah." pagsusungit ko.

"Wag ka nang magtampo, ang mahalaga nagkakasama pa rin tayo." saka niya ko niyakap ng mahigpit kaya di ko mapigilang ngumiti.

"I love you." sabi ko habang hinahawi ang buhok niyang nakatakip sa mga mata niya

"I love you more." sagot niya saka ako hinalikan sa labi

Hindi ko alam pero pakiramdam ko siya na yung babaeng gusto kong ipakilala sa pamilya ko. Hindi ko inaasahang sa tinagal tagal naming magkasama ay magiging ganun siya kahalaga saakin. Pinag-usapan na rin namin ni kuya kung kelan ako pwedeng mag-set  ng dinner upang ipakilala ko si Erika sa kanila as my girlfriend.

Erika's POV


Gustuhin ko mang sabihin sa magulang ko ang tungkol sa relasyon namin ni Gwen ay natatakot ako. Ako lang ang kaisa-isang anak nilang babae kaya naman alam kong malaki ang expectation nila na magkakaroon ako ng sariling pamilya at mabibigyan ko sila ng apo. Pinili ko na munang isekreto ang relasyon namin upang makaiwas sa mga chismis na maaaring ikasira ng pangalan ko bilang isang guro.

Love Square (girlxgirl) Editing/CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon