Chapter XIII. Yeah, I'm fine

9.2K 143 6
                                    

Vine’s POV

Pagkagising ko sa umaga ay amoy na amoy ko pa rin ang alak na ininom namin kagabi ni Gwen. Natutulog pa si Gwen kaya naman medyo nag-iisip ako kung ano ang magiging reaskyon niya sa nangyari samin kagabi. Malaking tanong ko ay kung bakit niya ginantihan ang mga halik ko at kung bakit di niya ko pinigilan, gusto nya din kaya ako o nacucurious rin siya dala sa matinding pag-inom ng alak? Sana ay di masisira ang pagkakaibigan namin, eto pa naman yung araw na papasyal kami at magsi-zipline..Sana walang magbabago.

Gwen’s POV

8am na nung nagising ako, as usual masakit pa rin yung ulo ko kaya gusto ko pang matulog ulit. Paggising ko ay wala si Vine sa tabi ko.

San kaya siya nagpunta?Iniwan na nya kaya ako dahil sa nangyari samin kagabi? Nako! Pano ang gagawin ko? bakit pa kasi kami nag-inuman, nasabi ko ba sakanyang gusto ko siya? Gulong-gulo ang isip ko kaya bumangon na lang ako para hanapin kung nasa terrace siya ng hotel. Sa kabutihang palad naman ay andun nga siya, nakasleeveless lang, malalim ang tinatanaw na tila may iniisip siya.Umorder ako ng breakfas at idedeliver na lang raw samin yung pagkain kaya tinawag ko si Vine sa terrace para sabay na kaming magbreakfast.

“Vine..sorry nga pala sa mga nangyari satin kagabi,di ko sinasadya.” Paumanhin ko sakanya.

“Okay lang yun, nangyari na eh wala na tayong magagawa.” Sagot niya

“Anong iniisip mo ngayon?galit ka ba sakin?” tanong ko

“Hindi ako galit sayo, gusto ko lang din linawin na ikakasal na ko sa pinsan mo at dapat kalimutan na natin ang mga di sinasadyang nangyari kagabi.” Sagot niya

“Ganun ba? mas mabuti pa ngang wag muna tayo magkita at mag-usap,uuwi na lang muna tayo ng Manila.” Sabi ko

“Tama ka, magkaibigan tayo at di pwedeng masira yun dahil lang sa pangyayari kagabi, I’m sorry.” Paguumanhin nya.

Pagkatapos naming mag-usap ay kumain muna kami ng inorder kong breakfast tapos ay naghanda na kami para makauwi na ng Manila. Masyadong magulo ang lahat lalo na siguro pag-aaminin ko sakanya na may nararamdaman ako para sakanya. Siguro ay mas mabuti nalang na wag muna kami mag-usap dahil magiging complicated ang sitwasyon.

Pagkatapos naming maghanda ay ilang oras kaming di nag-usap, hinatid ko siya sa bahay niya nung pagkarating namin ng Manila, at tanaw na tanaw ko na kararating lang ni Nathan sa bahay ni Vine sa di kalayuan kaya naman di na ako nagpakita at dumaan ako sa kabilang lane para di ako mapansin ni Nathan. Nasasaktan ako, may dahilan ba ang paghalik niya na yun sakin kagabi?Kung meron, posible bang gusto rin niya ko? ang daming tanong ang nasa isip ko.

Mula nang pagkarating namin ng Manila ay di na kami nag-usap ni Vine. Mas maigi na siguro yun para naman hindi maging complicated ang lahat, ganun ko siya kamahal kaya naman tatanggapin ko na mas magiging maayos ang lahat kung magpapakasal siya kay Nathan.

Lunes ng umaga nung may tawag ako na natanggap galing sa secretary ko, may appointment nga daw pala ako kay Mr. Cruz, paalala niya. Kaya naman agad agad akong nagprepare para magpunta sa opis.

Umiinit ng ulo ko dahil 10:00am na at parang di naman umuusad ang traffic sa kahabaan ng Edsa pero after ng ilang minuto ay nakarating na rin ako sa building, kaya naman nagmamadali akong tumakbo sa elevator papunta sa opis. Kamamadali ko ay nasira pa ang takong ko kaya naman nadagdadagan ang init ng ulo ko. Pagkarating ko sa opis ay agad akong sinalubong ng secretary ko na si Leah,

“Good morning po Ma’am, may nagpapabigay po para sa inyo.” Sabi ni Leah

“Anu ka ba naman Leah, di ba sabi ko sayo na wag na wag kang tatanggap ng mga gifts na pinapaabot para sakin without my concern.” Pagsesermon ko habang inaayos yung takong ng sandals ko

Love Square (girlxgirl) Editing/CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon