Chapter X. Truth or Dare?

10.3K 160 14
                                    

Francine’s POV.-

Sa wakas ay successful ang fashion show at maraming bisita ang nagbigay ng round of applause. Maraming models pa akong nakilala sa Bluefront, sina Dawn, Sharmaine and Michael. Iniinvite nila ako sa isang bar na malapit sa Pasay City para makapagcelebrate para sa approval ng pagiging fashion icon ko of the year. Sa Thursday daw gaganapin yon kaya pumayag naman ako.

Pagkauwi ko sa bahay ay nag-aaway na naman ang mga parents ko, lasing na naman si Papa at wala na naman daw silang makain. Nagkaganun si Papa simula nang namatay ang Kuya Vincent ko, nag-iisang lalaki lang si kuya kaya hanggang ngayon ay masakit pa rin kay papa ang pagkamatay niya. Ampon lang ako nina mama at papa, nung unang nalaman ko ang totoo ay sumama ang loob ko pero nung kinalaunan ay natanggap ko na rin sa sarili ko na ampon lang ako. Breadwinner ako ng pamilya simula ng nalugi ang business ng aming pamilya kaya nagfi-freelance model ako para masuportahan lang sila, 2nd yr lang ang narating ko sa college sa kursong Tourism. Mahal ko ang pamilya ko kaya gagawin ko ang lahat para sa kanila.

“Nay eto po yung pera para sa gamot nyo po at para sa pang grocery nyo po ng mga gamit sa bahay.” Pag-aabot ko kay mama ng pera.

Salamat anak,naglalasing na naman papa mo, napapagod na rin akong intindihin siya anak,nag-aaway lang kami.” Sabi ni mama.

Nadedepress lang po siguro si Papa kaya po ganyan, yaan nyo po at kakausapin ko.” paliwanag ko.

Agad kong pinuntahan si papa para kausapin kahit na lasing siya.

“Papa tama na po ang paglalasing…hindi po makakatulong yan sa inyo..” sabi ko kay papa habang tinatanggal ang alak sa mesa.

Wag kang mangialam dito Tisay! Ang lakas na ng loob mo pagsabihan ako ah, bakit? Porke’t ikaw na ang nagpapalamon samin ng nanay mo?Alis ka dito!” paghihiyaw ni papa sakin.

“Hindi naman po sa ganun papa pero—“ pangangatwiran ko pero nagsalita siya..

“Sabi nang wag kang mangialam eh! Ampon ka lang dito naintindihan mo?!” masakit na sabi ni papa sakin sabay tulak sakin

Masakit ang ginawa at sinabi ni papa sakin kaya umiyak na lang ako sa kwarto ko.Hindi naman siya ganyan dati sakin eh pero bakit ganun? Ginagawa ko naman yung lahat pero hindi pa rin sapat, mahal ba talaga nila ako? Paminsan gusto ko na lang maglayas pero inaalala ko na may sakit si mama. :’(

Nagising ako ng maaga para pumasok sa work,traffic kaya na-late na naman ako, lumilipad ang isipan ko at parang wala ako sa modo. Siguro ay napapansin ng mga katrabaho ko iyon pero pinipilit ko na lang na huwag ipahalata sa kanila ang sakit na nararamdaman ko.

“Good morning Ma’am Gwen…coffee po tayo.” Aya ko kay Gwen habang nagtitimpla ng kape malapit sa opis niya.

Di niya ko pinansin kaya umalis na lang ako at naghanda para sa pictorial mamaya.

Gwen’s POV

Nag-iinit ang ulo ko dahil mali-mali ang mga ginagawa ng mga bagong staffs namin plus may biglaang meeting pa with the Merells at hindi ako prepared kaya umalis ako sa opis at dumerecho ako sa isang refreshing na lugar, isa siyang place na panandaliang makakalimutan mo ang mga problema mo. Bukod sa refreshing ay masyadong joyful ang ambiance, maraming bata ang naglalaro at paglingon mo sa left side ay makikita ang napakagandang bughaw na dagat.

Pero may napansin ako, may mga batang masasaya pero may mga batang humihingi ng konting pagkain sa mga namamasyal sa park.

Naawa ako kaya nilapitan ko ang mga bata, matagal ko na ring gustong tumulong sa mga homeless children na napabayaan na ng mga magulang sa kalye kaya may plano akong isakatuparan yung mithiin kong tulungan silang bigyan ng mga meals every afternoon. Haayy..kawawa naman ang mga batang ito sana ay matulungan ko silang lahat, pero babalik rin ako dito sa susunod na araw.

Love Square (girlxgirl) Editing/CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon