Chapter VII. Mixed Emotions

9.5K 163 5
  • Dedicated kay Gvine fans
                                    

Two weeks na din lumipas since my birthday, puspusan ang mga work files kaya hindi kame nagkakaroon ng quality time ni Gwen para mag-usap dahil lagi akong nasa kabilang branch namin sa Taguig pero pupunta ako sa office mamayang 10am after kong i-sign ang mga requests ng mga employees for incentives dahil malapit na ang Labor day. Isang text ang di ko inaakalang matatanggap ko.

"Vine goodmorning! pwede ba kitang dalawin ngayon sa office?" 


Text iyon ng pinsan ni Gwen na si Nathan, matagal na siyang nanliligaw sakin pero di ko pinapansin dahil ayoko makipagrelasyon sa lalaki. Nireplyan ko si Nathan tutal wala rin naman masama kung bibisita lang naman siya sa office.

"Sure, mga 10:15am nasa office na ako okay." reply ko kay Nathan.

Pagkatapos kong isign ang mga requests for incentives, agad akong nagdrive papunta sa office.

"Good Morning Miss Vine" bati ng mga employees namin.

Pagkarating ko sa opis ay nakatulog ako sa sobrang rami kong iniisip, nakakapressure ang toxic ng mga meetings and appointments.

"Tokkk....tokk..tokkk." may kumakatok sa pinto

"Come in." sabi ko

Si Nathan pala, he smiled at me and he greeted me "Belated Happy Birthday Vine, I'm sorry di ako nakapunta sa houseparty mo, here, flowers and chocolates for you." nagsmile siya habang inaabot sakin ang bouquet of rose and my favorite dark chocolates.

"Ohhh Sweet, Thank you! upo ka muna." sabi ko.

"Yup okay, so kamusta ka naman? Matagal na rin tayong di nagkikita ah at lalo kang gumanda." sabi ni Nathan.

"I'm doing great, masyado lang busy sa mga appointments, hassle eh, ikaw?" I responded.

"Uhmmm eto hinihintay ka parin." pagbibiro niya.

"Haha bolero ka pa rin talaga hanggang ngayon." I responded

"No, kidding aside, I love that American Accent." sabi ni Nathan habang natatawang tingnan ako.

Napahaba ang usapan namin at nabanggit niya sakin na balak niyanglumipat ng branch dito sa main. Pamangkin siya nina Tito Albert at isa siya sa mga nasa top management kaya madali lang sakanya ang lumipat dito.

Ewan ko pero tingin ko napakauncomfortable niyang kasama pag lilipat siya dito sa main.

Gwen's POV

Natatawa pa rin ako tuwing iniisip ko ang reaksyon ni Francine nung nalaman niyang ako ang CEO ng Bluefront, ang sarap niyang asarin kaya kahit wala akong masyadong alam sa Fashion screening rules sa Marketing department as kukunsumihin ko siya sa mga complains ko. Setting it aside, namimiss ko si Vine, two weeks na kaming di nagkikita.

Iniikot ikot ko ang office chair ko nung nakita kong kararating lang ni Vine na mukhang pagod na pagod.. Tanaw na tanaw ko siya mula sa window glass. Pupuntahan ko na sana siya pero mukhang may dumating na bisita. Kung di ako nagkakamali ay si Nathan yon, ang pinsan ko, nakita kong may dala-dala siyang mga rosas at chocolates at mukhang masaya silang magkausap. Di matanggal ang pagkatitig ko sa kanilang dalawa, nakakainggit,nakakapanliit,sana ako na lang,sana ako nalang si Nathan na may pag-asang ipakita kay Vine kung gano ko siya kamahal, hindi bilang isang kaibigan lang, pero bilang ako, bilang Gwen na umiibig sa katulad ni Vine.

Love Square (girlxgirl) Editing/CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon