Chapter LII. Wait for you

3.3K 82 9
  • Dedicated kay my lovely readers :-D
                                    

Gwen's POV

Habang tahimik na inaayos ang schedule ko sa desk ay bigla akong nilapitan ni Leah. Dala dala niya ang magasin na tila kadedeliver lang.

"Ma'am Gwen, tingnan nyo po... nanalo bilang supermodel si Francine sa Paris." nakangiti nyang sabi habang inaabot ang magazine

"She deserves it." sabi ko habang tinitingnang maigi ang cover ng magasin kung saan larawan niya ang nakalagay

"Ang laki po talaga ng ipinagbago nya Ma'am." sabi ni Leah

"Oo nga eh mas sumikat siya sa ibang bansa." sabi ko habang nagbabasa ng magasin

Bigla kong naisip na nawalan na pala kami ng komunikasyon ni Francine mula nung nagpalit ako ng number kaya sinubukan kong hanapin muli ang luma kong sim upang matawagan siya at batiin. Sa kabutihang palad ay na-contact ko siya ulit.

"Hello." bati ko kay Francine over the phone

"Oh Gwen bakit ngayon ka lang? di kita ma-contact thesepast few weeks ah." natatampong sabi ni Francine

"Umm nagkaproblema lang yung phone ko, okay na don't worry. Congratulations pala for winning as the Supermodel of the year." masaya kong sabi

"Thank you so much anyways, malapit na akong umuwi ng Pinas." masaya niyang sabi

"Really? kailan? ako na magsusundo sayo." sabi ko

"It'll be a surprise, you don't need to know the exact date." she said

"Uh-huh okay, I miss you." sabi ko

"I miss you too, take care of yourself okay? I'm just a text away from you." sabi nya

"Thank you, sige tawag na lang ako ulit pag di na busy. " sabi ko

"Okay see you soon, bye." pagpapaalam niya

Pagkatapos naming mag-usap ay nakatanggap ako ng text kay Ivan.

"Ate Gwen, tawag ka sakin kung di ka busy. May importante akong sasabihin sa'yo." text ng kapatid ni Erika sakin

Ilang minuto pa ang lumipas saka ko napagdesisyunan na tawagan si Ivan. Nagulat ako nung sinabi niya saking mahal pa ako ni Erika kahit na sila na ni Mark. Pinapakiusapan niya akong subukang kausapin si Erika dahil alam niyang mas magiging masaya ulit si Erika kung magkakaayos muli kami. Ngayon ko lang napagtanto na napakabait pala ni Ivan. Tinatanong ko sakanya kung bakit mas gusto niya ko kesa kay Mark para sa kapatid niya pero tanging sagot niya ay dahil ako ang mahal ni Erika.

May halong kaba at panghihinayang ang nararamdaman ko. Gustuhin ko mang harapin si Erika upang ayusin ang lahat ay di ko pa kaya. Ayoko kasing maging ganun ka makasarili upang sirain kung anu man ang meron sila ni Mark ngayon. Mahal ko siya kaya rerespetuhin ko ang relasyon nila at maghihintay ako ng tamang panahon upang harapin siya.

-

Erika's POV

Sabado ngayon kaya naman nung inaya ako ni Mark sa isang party na gaganapin sa isang bar kasama ang mga kaibigan niya ay agad naman akong pumayag. 8pm nung sinundo ako ni Mark sa bahay. Linggo naman bukas kaya naman nung pinagpaalam niya ako kina nanay ay agad naman silang pumayag.

Pagkarating namin sa bar ay masaya akong pinakilala ni Mark sa mga kaibigan at kababata niya.Ramdam ko kung gaano siya ka-proud saakin kaya hindi ko maiwasang mapangiti sa mga pinapakita niya sakin. Habang nag-uusap silang magkakaibigan ay tahimik akong nakaupo sa table namin. Nilapitan ako ng mga kababata niyang sina Irra at Mich saka ako inalok na uminom ng wine kaya naman di na ako nakatanggi. Sa katunayan nga ay medyo nahihiya ako dahil masyadong magarbo ang exclusive party nila pero swerte pa rin ako dahil mababait naman ang mga kaibigan niya at hindi nila ako tinuturing na iba.

Lamig na lamig at inaantok na rin ako mula sa kakapanuod ng live acoustic band na guest nila kaya naman nagpunta ako sa kotse upang maidlip. Maya maya ay nagising din ako nung dumating na si Mark saka pinasuot sakin ang jacket niyang suot.

"Matulog ka ulit, alam kong pagod ka babe." sabi niya sakin saka niya inandar ang sasakyan

Muli kong pinikit ang mga mata ko siguro dulot na rin ito ng maraming baso ng red wine na nainom ko. Pagkadilat ko ng aking mga mata ay nasilayan kong tahimik akong pinagmamasdan ni Mark habang nakahiga. Makalipas ang ilang sandali ay sumandal siya malapit sakin saka niya inilapit ang kanyang mga labi saka ako hinalikan. Gusto ko siyang pigilan dahil lalo ko lang naalala ang mga halik ni Gwen sakin pero wala akong magawa kundi hayaan siyang gawin ang gusto niya.

Napabuntong hininga ako sa mga sumunod na mga pangyayari. Matapos niya kong halikan ay unti-unti niyang pinipilit tanggalin ang damit ko kaya naman sa sobrang kaba ko ay pinigilan ko siya.

"Mark anu ba! di pa ko handa!" naiinis kong sabi

"Mahal mo ko at mahal kita, walang masama sa gagawin natin Erika." sabi niya na tila lasing saka hinawakan ang mga braso ko at pinagpatuloy ang ginagawa niya

Nagpupumiglas ako ngunit napakalakas niya kaya naman napasigaw ako ng malakas.

"Mark tama na!" naiiyak kong sabi

"Ano ka ba Erika? wala pang babaeng nakakatanggi sakin!ano bang problema mo? lahat naman binibigay ko sayo. Erika normal lang sa mga magkakarelasyon to!" galit niyang sabi saka ako sinampal

"Mahal mo ko? eto ba yung pagmamahal na sinasabi mo? Mark ayoko na." naiiyak kong sabi dahil di ko inaasahang maging ganun siya karahas sakin

"I'm sorry Erika, nabigla lang ako. Di ko sinasadya..." paghihingi niya ng tawad saka ako pinipilit yakapin

"Pwede ba, wag mo na muna akong kausapin please. Akala ko pa naman iba ka sa lahat pero sinaktan mo ko Mark." umiiyak kong sabi habang inaayos yung mga gamit ko

"Babe, I'm sorry..lasing lang ako please naman." pagmamakaawa niya sakin

"Salamat na lang sa lahat." sabi ko saka umalis ng bahay nila upang maghanap ng hotel kung saan ako pwedeng magpalipas ng gabi

Wala akong ibang maisip sa mga oras na ito kundi si Gwen. Akala ko ba naman ayos na ang lahat, akala ko hindi akong kayang saktan ni Mark pero tulad rin pala siya ng iba. Habang nakasakay sa taxi ay patuloy pa ring dumadaloy ang luha mula sa mga mata ko. Nagpalipas ako ng gabi sa isang hotel dahil delikado na ring umuwi ng ganitong oras. Nakakailang tawag na si Mark saakin kaya inoff ko na lang ang phone ko saka nagpahinga.

--

Kinabukasan ay sumakay ako ng FX pauwi ng Bulacan. Maga parin ang mga mata ko mula pa kagabi kaya naman pinilit kong kumilos na parang walang nangyari. Ayokong sabihin kina nanay ang pananakit ni Mark sakin kagabi dahil sigurado akong manggagalaiti sila sa galit kaya itatago ko na lang ang lahat ng nangyari.

**

Gwen's POV

Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay may hindi nangyayaring maganda kay Erika. Nag-aalala akong baka saktan rin siya ni Mark gaya ng mga ginawa niya dati sa mga empleyado kong naging mga karelasyon niya. Sobrang nag-aaalala ako para kay Erika pero wala pa akong lakas ng loob upang kausapin siya dahil alam kong magagalit lang siya sakin.

Lunes ng hapon nung naisipan kong puntahan si Erika sa school dahil gustong-gusto ko siyang makita. Makalipas ang ilang minutong paghihintay ay nakita ko siyang naglalakad pauwi mag-isa. Pansin ko kasing di niya kasama ang boyfriend niyang si Mark at mukha siyang matamlay kaya naisipan kong sundan siya hanggang sa kanila. Mula sa di kalayuan ay natatanaw ko siyang papasok ng bahay nila. Gusto ko siyang lapitan pero inuunahan ako ng kaba.

--

Ilang linggo ko na rin siyang palihim na pinupuntahan sa school na pinagtatrabahuan niya kaya ko napansin na hindi na siya sinusundo ni Mark. Di ko na mapigilan sarili ko sa sobrang pag-aalala ko kay Erika kaya tinawagan ko si Ivan upang kamustahin siya. Di ako makapaniwala sa balitang sinabi sakin ni Ivan. Matagal na raw kasi niyang hindi nagkikita na magkasama si Erika at Mark at sa tuwing tinatanong niya si Mark sa kapatid niya ay umiiwas raw siyang pag-uusapan ang tungkol sa kanila. Ito na ba ang tamang panahon para lapitan ko siya? Hanggang kailan pa ba ako maghihintay? Paano pag totoong hiwalay na sila? Sana makabawi ako sa lahat ng mga pagkukulang ko sakanya. Sa pagkakataong ito, di ko na siya hahayaang mawala pa saakin...

:) to be continued...

Love Square (girlxgirl) Editing/CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon