Gwen's POV
Ilang araw ang lumipas at dumating na ang araw ng Pasko.
"ringg...ringg..ringg.."
"Vine calling..."
"Hello baby?" sagot ko.
"Baby anong oras ka pupunta sa bahay?" Miss na kita eh." paglalambing ni Vine
"Miss na din kita, pamaya-maya kaliligo ko lang eh." sabi ko
"Oh sige, hinihintay ka namin nina Claire, I love you." sabi ni Vine
"I love you more, bye." pagpapaalam ko bago ibaba ang phone
Gustuhin ko mang agahan na puntahan si Vine ay bigla kong naalalang nakapangako ako sa mga magulang ni Erika na pupunta ako sa kanila kaya naman pagkatapos kong magbihis ay dumerecho muna ako sa Pastry shop para bumil ng Christmas cake para kina Erika.
Erika's POV
Abala kami ng kapatid kong si Ivan sa pag-aayos ng bahay dahil dadating mamaya ang ilang mga kamag-anak at kaibigan namin.Di ko inaasahang unang dadating si Mark na may dalang bulaklak,Christmas card at chocolates. Ilang sandali pa lang ang lumipas ay biglang pumarada sa harap ng gate namin ang pulang sasakyan ni Gwen.
"beep..beep..beep.."
Saka ko nakita na nakangiti si Gwen sakin pagkatapos ng bumaba siya bitbit ang dalawang box."Merry Christmas.." nakangiting sabi ni Gwen sabay yakap sakin at halik sa pisngi ko.
"Merry Christmas din po ma'am." bati ko sa kanya
"Pasok ka." pag-ayaya kong pumasok sa loob ng sala namin kung saan nandun sina Ivan,nanay, tatay at si Mark.
"Oh Ma'am Gwen nandito din po pala kayo , Merry Christmas po." narinig kong sabi ni Mark kay Gwen.
"Merry Christmas din Mark." bati sa kanya ni nanay.
"Oh iha, Merry Christmas buti naman at nakapunta ka, tamang-tama at katatapos lang maluto ng hamonado at spaghetti." sabi ni nanay kay Gwen
"Merry Christmas po sa inyo, eto po pala yung cake." sabay abot ni Gwen ng bitbit nyang box ng cake kay nanay.
"Naku nag-abala ka pa iha, salamat ha." nakangiting sabi ni nanay.
"Ma'am dun po muna kayo sa kwarto, di pa po kasi tapos sina kuya sa pag-aayos eh." sabi ko kay Gwen
Agad naman siyang sumunod sakin. Pagkabukas ko ng pinto ay pinapasok ko muna sya sa kwarto saka ako naglakad upang tulungan sina kuya.
Habang papaalis ako ay tinawag ako ni Gwen.
"Teka lang Erika." sabi ni Gwen
"Ano po yun ma'am?" tanong ko
"Isang ma'am pa babatukan na kita." masungit na sagot ni Gwen
"May kailangan pa po ba kayo?" tanong ko
"Gift ko para sayo." sabi ni Gwen sabay abot ng green na box.
"Thank you po, pasensya na po wala pa po akong gift sa inyo ngayon, sa New year na lang po hehe." nakangiti kong sabi
"Asus, okay lang..sige na labas ka muna andun si Mark eh." sabi ni Gwen
"Saglit lang po ako." sabi ko saka umalis
Vine's POV
1pm na pero wala pa rin si Gwen. Nakaupo ako habang nakatitig sa mga regalong personal ko pang binalot para sa kanya, Nakailang ring na ako ngunit di pa rin niya sinasagot kaya nakatulog na lang ako sa kakahintay sa kanya.
Gwen's POV
Aminado ako nung nakita ko si Mark kanina ay biglang di ko naintindihan ang nararamdaman ko. Nawala ako sa mood kaya habang nasa kwarto ni Erika ay tiningnan ko na lang ang mga photo albums nila.
"Gwen, tara kain na tayo." nakangiting sabi ni Erika
Magkatabi kami ni Erika habang kaharap naman naminsi mark at ang kapatid niyang si Ivan, saka nakisalo samin ang mga magulang ni Erika. Pagkatapos magdasal ni Erika ay tahimik kaming kumain.
"Oh Mark mukhang seryoso ka talaga sa panliligaw mo kay Erika ah." rinig kong sabi ni tito kay Mark habang nakangiti
"Matagal na po akong seryoso pero hihintayin ko po si Erika kung kelan siya handa." sabi ni Mark saka ko tahimik na kumain kunwari ay walang naririnig .
Pagkakatapos naming kumain ay saglit kaming nag-usap ni Erika tungkol sa kilala niyang potential investor para sa company.
Maya-maya palang ay nagpasalamat ako at nagpaalam para umalis.
Nag-drive ako papunta kina Vine. Alam kong nakailang missed calls na siya sakin pero di ko sinasagot dahil alam kong magseselos siya pag nalaman niyang pinuntahan ko si Erika. Pagkadating sa bahay ni Vine ay agad akong pinapasok ng kapatid niyang si Claire. Nakita ko syang nakatulog sa sofa sa kakahintay sakin kaya hinalikan ko siya sa noo kaya siya nagising.
"Merry Christmas baby." bati ko
"Bakit ngayon ka lang?" antok na boses ni Vine.
"Eh baby nakatulog kasi ako eh." pagsisinungaling ko
"Kung di lang kita mahal eh." sabi nya habang nakakunot ang noo saka ngumiti.
"Eto nga pala gift ko sayo, I love you." sabi ko
"Thank you baby, I love you more." sabay halik nya sakin saka nya ko niyakap ng mahigpit na siya ko namang ginantihan ng mas mahigpit na yakap.
"Kain muna tayo baby." sabi ni Vine
"Baby, busog pa ko mamaya na ko kakain." sabi ko
"Sabayan mo ko, just eat the dessert okay?" sabi ni Vine
Pagkatapos kumain ni Vine ay nag-drive ako papuntang Laguna para i-celebrate ang Christmas eve namin sa hotspring. Masaya akong kasama si Vine pero di ko maiwasang di maisip si Erika dahil simula noong matagal na nawala si Vine ay si Erika ang lagi kong kasama.
Dalawang oras ang nakalipas bago kami nakarating sa hotspring. Nagcheck-in kami sa isang malapit na hotel at nagpasya kaming mag-overnight na lang.
Parehas kaming na-relax ni Vine pagkatapos naming magbabad sa hotspring. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nalilimutan ang ginawa ni Vine sakin dati pero unti-unti niyang pinapakita ngayon kung gaano siya kaseryoso at kung gaano niya ko kamahal. Mahirap man sabihin pero pilitin ko man na maibalik sa dati ang lahat ay hindi ko na siya ganun kamahal.
Erika's POV
Iilan sa mga pinsan at mga kaibigan ko ang dumating sa bahay kaya naman isa ito sa pinakamasayang pasko para sakin. Hapon na rin nung umuwi si Mark kaya naman nung umuwi na lahat ng mga bisita ay naisipan kong buksan ang regalong binigay sakin ni Gwen. Masaya ako dahil napaka-special ko naman upang regaluhan nya ako ng mamahaling bagay samantalang wala man lang ako naibigay sakanya. Kahit na ilang oras lang syang dumalo sa bahay ay masaya na ako. Siguro sa mga oras na ito ay kasama nya na yung girlfriend nyang si Vine at ang tanging magagawa ko lang ay maging masaya para sa kanila.A/N: to be continued... :) sorry ngayon lang po busy po kasi. salamat sa mga nagbabasa.
BINABASA MO ANG
Love Square (girlxgirl) Editing/Completed
RomanceHave you ever heard about Love Triangle? two girls in love with one person at the same time? What about one gorgeous girl who made three girls fall in love with her personality unintentionally? Who will she choose among the three ideal girls? Meet G...