Chapter XVIII. I'm gonna miss you babe

7.3K 113 1
                                    

Nathan's POV

Matagal ko nang nililihim na may karamdaman nga ako, last week lang nung nadiagnosed ako na stage 3 na para ang sakit kong leukemia kaya imbes na ilihim ito sa family ko ay minabuti ko na munang ipaalam kay mom then I called Vine's dad...masyadong nanghihina ang katawan ko at wala man lang nag-aalaga sakin. Kung wala si Vine ay mamamatay na lang akong mag-isa but I wanted to see her even if my days are counting with this severe illness.

Tumawag si tito sakin kaninang umaga at nakompirma na nga na magmamigrate si Vine dito the day after tomorrow at nakapagbook na siya ng ticket for her flight. Kahit masama ang pakiramdam ko ay napangiti ako na mui ko nang makakasama ang babaeng mahal ko.

Vine's POV

Nakapagbook na ko for my flight sa Thursday, hindi ko man gusto pero gagawin ko dahil tama nga naman si dad na fiance ko pa rin sya at mabuting tao naman si Nathan dahil hinayaan nya kong maging malaya. Aalagaan ko siya bilang pinsan ni Gwen at sisiguraduhing kong magiging okay din ang lahat ng ito.

Tokkk...tokkk...tokkk

Binuksan ko ang pinto at biglang nakita ko si Gwen na may dala-dalang shopping bag.

"Baby.." sabi ni Gwen sabay yakap sakin

"Baby nakapagbook na ako for the flight sa Thursday." nalulungkot kong sabi

"Eto yung mga kailangan mo, ingatan mo ang sarili mo lagi baby ha..mamimiss kita."paglapag  ni Gwen sa sabi ni Gwen habang hinihigpitan ang yakap sakin

"Thank you baby...ikaw talaga nag-abala ka pa, wag ka nang malungkot." sabay tapik ko sa likod nya habang pinipigilan na tumulo ang luha

Magkatabi kaming umupo sa sofa para buksan ko yung mga binili nya para sakin. Nung binuksan ko yung mga binili nya nakita ko yung sweater,furcap,towel,at picture namin na magkasama at bigla ko siyang niyakap.

"Baby bakit?" tanong ni Gwen

"Kasi lalo kitang mamimiss eh, bakit ba kasi binilhan mo pa ko ng mga to? baka naman mabaliw ako sa kakaisip sayo dun." naiiyak kong sabi habang niyayakap siya.

"Kailangan mo yan kontra sa lamig dun, lagi mong isipin na pag suot suot mo yan eh yakap yakap kita kahit saan ka man magpunta...lagi mong titingnan yung picture natin ah at yung necklace na binigay ko sayo lagi mong ingatan ha.." naiiyak din nyang sabi habang hinalikan yung noo ko

"Oo naman, ilang buwan lang naman siguro ako dun baby eh..at saka babalik naman ako kaya wag ka na ding malungkot, mahal na mahal kita Gwen." sabi ko habang hinahawakan ang magkabilang pisngi niyang basa ng luha

"Mahal na mahal din kita Vine, wag kang mag-alala, kahit anung mangyari ding di tayo maghihiwalay okay?" sabi ni Gwen sakin

Pagkatapos naming mag-usap ay pinaglutuan ako ni Gwen ng favorite kong food na Pork Steak at masaya kaming kumakain sa kabila ng mga biglaang pangyayari.

Gwen's POV

Maaga kong nagpunta sa isang international mall para bilhan si Vine ng mga kailangan nya sa New York, winter season dun kaya kakailanganin nya ng sweater at fur cap para naman di sya lamigin. Sobrang mamimiss ko sya, napakabilis ng oras, parang kailan lang lagi ko syang nakakasama tapos ngayon ilang buwan siyang mag-sstay sa New York para alagaan si Nathan. Anyways, wala naman akong magagawa dahil pag nalaman ng mga parents namin ni Vine na kami ay siguradong magagalit sila samin. Parehas kasing strong Catholics ang family namin kaya naman labag sa family namin ang ganitong relasyon.

--

Erika's POV


Matagal na akong nagtuturo sa mga homeless youth sa street na to. Sa katunayan nga 2nd year na akong nagvovolunteer na magturo sa mga batang gustong makapag-aral, laki kasi ako sa hirap at alam ko yung pakiramdam ng mga batang gustong makapag-aral. Bukod sa gusto ko silang handugan ng libreng edukasyon ay napapamahal na rin sakin ang mga batang ito.

"Teacher Erika!" bati ng isang batang lalaki na tumatakbo papalapit saakin

"Oh ron-ron, dahan dahan lang baka matapilok ka." pag-aalala kong sabi

"Teacher, bakit ngayon ka lang? bakit wala ka kahapon?" sabi ni ron-ron

"Eh sinamahan ko kasi si tatay sa ospital, may sakit kasi sya." pagpapaliwanag ko

"Ganun po ba? alam nyo po may mabait na tumutulong saming mga bata dito, binibigyan kami ng mga pagkain." nakangiting sabi ng bata

"Ganun..ang bait naman, pakilala nyo naman sakin yung bago nyong friend." sabi ko

"Sa susunod po...pagpupunta siya ulit dito..ang ganda ganda nga po niya eh..si ate Gwen..oo nga Gwen daw yung pangalan nya." sabi ni Ron ron

"Wow..kaya kayo magpakabait kayo ha wag kayong pasaway..tawagin mo na sina Ella..at tuturuan ko na kayo, after nun may games tayo." nakangiti kong sabi

"Yehey!!" sigaw ng mga batang kasama ni ron-ron

Natutuwa akong turuan ang mga batang to, tinuturing ko na silang mga nakakabata kong kapatid kaya naman masaya akong ibahagi sa kanila ang mga natutunan ko. Malaki kasi ang halaga ng edukasyon kaya naman gustong gusto ko silang tulungan. Nabanggit din nila saakin yung mabait na tumutulong sa kanila na si Gwen..sana ay makilala ko sya isang araw.. :)

Love Square (girlxgirl) Editing/CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon