Gwen's POV
"Gwen..Gwen.." paggising sakin ni Erika habang dahan dahang kong minumulat ang aking mata saka pinikit muli
"Gising ka na, malapit na tayong bumaba..magrarafting daw tayo." sabi ni Erika habang kinukurot yung pisngi ko dahil pumikit ako ulit
"Eto na gigising na.." sabi ko saka bumangon
"Magcoffee muna tayo, may toasted bread na rin dyan." sabi ni Erika
Nagbreakfast muna kami ni Erika saka nagshower at nagready para sa rafting mamaya. 34 minutes bago kami bumaba ng yacht saka sumakay sa kotse nina Aira papunta sa underground river.
Habang tumatagal ay lalo kaming nagiging close at kumportable sa isa't-isa ni Erika. Habang nasa byahe papuntang underground river ay nakatulog ako sa balikat nya.
"Ang sweet naman ng dalawa." biro ni Tyrone
"Oo nga dapat nagdala tayo ng mga jowa natin insan." sabay tawa ni Dana
"Sensya ka na sa mga pinsan ko ha, maloko lang talaga mga yan." bulong ko kay Erika
"Ayos lang wala naman sakin yun." nakangiting sabi ni Erika
Halos isang oras ang nagdaan bago kami nakarating sa sikat na underground river.
"Sige prepare nyo na yung life jacket at mga paddle." sabi ni Aira
Nung nakahanda na kami at inilibot muna kami sa pinakatourist spot ng tourist guide, pinakita nya yung ancient caves at iba-iba pang mga magagandang tanawin habang nasa bangka kami.
Matapos ang halong isang oras na paglilibot ay inaya na kami ni Tyrone na mag river rafting sa malakas na part ng river na maalon.
"Gwen, natatakot ako.." sabi ni Erika sakin habang pasakay ng bangka
"Wag ka matakot, hawak ka lang sakin, wag kang tatayo okay." sabi ko
"Sige." sabi ni Erika
4 kaming sumakay sa isang rafting boat including Tyrone and Aira. Malakas yung agos ng tubig kaya naman takot na takot si Erika habang nagpapaddle kami.
"Ahh Gwen, natatakot na ako ahon na tayo! " natatakot na sabi ni Erika habang hawak hawak yung braso ko
"Sige, malapit na magpaddle ka lang para balance tayo." nakangiti kong sabi
Pagkaahon namin ay hindi ko mapigilang tumawa sa reaksyon ni Erika kanina na parang batang takot na takot.
"Bakit ka tawa ng tawa? Hmmpp." nakabusangot na sabi ni Erika
"Wala, matatakutin ka pala." nakangiti kong sabi
"Ang lakas kasi ng alon eh..." sabi nya
"Mga insan, zipline daw tayo sabi ni Dana." sabi ni Aira
"Huh? Natatakot ako Gwen kayo nalang.." sabi ni Erika
"Halika na dito, wag kang matatakot andito naman ako natatakot ka.." sabi ko sabay hawak sa kamay niya papuntang zipline
Takot na takot si Erika na magzipline pero hindi ya ako natanggihan dahil sinamahan ko siya na magzipline habang pinipicturan naman kaming dalawa ng mga pinsan ko.
"Oh ayan, kaya mo naman ah." sabi ko
"Kahit na, nakakatakot pa rin." sabi niya
"Halika kain na muna tayo." sabi ko habang hawak hawak yung kamay nya
Kumain kami sa isang malapit na restaurant saka ako nagtake-out ng pagkain para kay lola dahil uuwi na kami mamaya sa rest house ni lola.
Habang nasa sasakyan papunta sa rest house ni lola ay katabi ko si Erikang tinitingnan yung mga pictures namin mula sa resort hanggang sa nagzipline kami.
BINABASA MO ANG
Love Square (girlxgirl) Editing/Completed
Roman d'amourHave you ever heard about Love Triangle? two girls in love with one person at the same time? What about one gorgeous girl who made three girls fall in love with her personality unintentionally? Who will she choose among the three ideal girls? Meet G...