Chapter LVII. Keep holding on

3.2K 74 2
                                    

Erika's POV

Dumating na din yung araw kung kailan ipapakilala ko na si Gwen bilang girlfriend ko. Aaminin ko man kasi o hindi, malalaman at malalaman din ng mga magulang ko ang tungkol sa relasyon namin.

Tahimik ang lahat pagkatapos naming maghapunan ng naisipan kong kausapin sina nanay at tatay.

"Ahh..nay, tay may sasabihin sana ako." paglalakas ko ng loob

"Ano yun Rika?" tanong ni nanay

"Ahh..eh..di ko po alam kung ano po yung magiging reaksyon nyo pero po handa po akong tanggapin kung anuman yun. Gusto ko lang po ipaalam sa inyo ang tungkol samin ni Gwen, girlfriend ko po siya." kinakabahan kong sabi saka ko hinawakan ang kamay ni Gwen na tila nabigla

"Hindi kita pinagtapos ng pag-aaral para maging isang lesbiana lang!" galit na sabi ni tatay saka ako sinampal.

"Romy, tama na!" pag-aawat ni nanay kay tatay

"Tay, mahal ko siya at wala naman kinalaman ang natapos ko sa kung sinong dapat kong mahalin." pangangatwiran ko habang umiiyak

"Ingrata! isang malaking kasalanan sa Diyos ang pagmamahal mo sa kapwa mong babae!" sigaw ni tatay nalalong nagpasakit ng nararamdaman ko

"Mahal ko po si Erika at hindi ko po siya pababayaan." sabi ni Gwen saka lumapit sakin upang patahanin ako mula sa pagkakaiyak

"Wag kang makialam dito iha, hindi mabibili ng pera mo ang anak namin, kaya kung pwede lang umalis ka na." sabi ng tatay kay Gwen

"Gusto ko lang po sabihin sa inyo na hindi po masama ang instensyon ko kay Erika na hinding-hindi ko siya sasaktan gaya ng ginawa ni Mark sakanya." paliwanag ni gwen saka umalis na lalong nagpaiyak sakin

"Tay, bakit di na lang kayo maging masaya para sakin?? Mabuting tao si Gwen at mahal ko siya. Hindi ko alam alam kung bakit niyo siya binastos ng ganun-ganun lang. Sa ayaw at gusto niyo, hinding-hindi kami maghihiwalay." halos mamugtong na ang mga mata ko sa kakaiyak saka ako pinatahan ni Ivan saka ako pumasok sa kwarto ko

Kinabukasan ay maga ang mga mata  ko nang pumasok ng trabaho. Minsan lang ako maging masaya at naging mabuting anak at kapatid naman ako sa pamilya namin kaya hindi ko alam kung bakit dahil nagmahal lang ako ng isang tulad ni Gwen saka nila ako itatakwil bilang anak nila. Humingi ako ng dispensa kay Gwen mula sa di magandang nangyari kagabi at nabunutan ng tinik ang dibdib ko nung malamang naiintindiihan niya ang lahat. Pinangako ko sa kanyang kahit kailan ay di kami susuko sa isa't-isa.


Gwen's POV

Nanghihina ang loob ko sa mga nangyayari . Parehas kasing tutol ang mga magulang namin ni Erika sa relasyon naming dalawa. I know that this would happen. That it's normal that they reacted that way. Sino ba namang mga magulang ang gustong mapunta ang anak nila sa isang di normal na relasyon? Sa relasyon kung saan di kami makakabuo ng normal na pamilya at di kami pwedeng magkaroon ng sarili namin mga anak and I understand that.

Ang tanging makakusap ko lang sa panahon to ay si kuya James na siyang lubos na nakakaintindi sakin. Ipinaliwanag ko ang lahat ng mga nangyari pero ang tanging sinabi niya lang ay kailangan ko lang bigyan ng panahon ang mom at dad ng makapag-isip. Noong araw ding yun ay nakatanggap ako ng tawag kay Jackie, ang bestfriend ko na nasa New York ngayon.

"Ang hirap nga ng sitwasyon mo." sabi ni Jackie habang kausap ko sa isang video call.

"I don't know, can you please help me?" I hopelessly said.

"Why won't you take a break from the company first?" bigla niyang sabi kaya napaisip ako

"What do you mean?" tanong ko

"Magpunta kayong dalawa ni Erika dito sa New York tutal nandyan naman yung kuya mo." nakangisi niyang sabi

"But..si Erika.." sabi ko na tila naguguluhan

"Ako nang bahala, she's a board passer anyway. Andaming hiring dito ngayon. I'll help you with that." nakangiting sabi ni Jackie

"I'll talk to her about this first and I'll let you know." sabi ko

"Okay, just be ready guys and I'll call you kung okay na." sagot nya sakin saka ako nagpasalamat at nagpaalam na kami sa isa't-isa

Mula nung pag-uusap namin ni Jackie at muli akong nabigyan ng pag-asa. Matagal na panahon na rin kasi mula nung iniwan ko ang New York. Hindi rin siguro masama kung ako muli ang mamamahala ng branch ng Bluefront sa New York.

Kinabukasan rin ay agad kong kinausap si Erika tungkol sa plano ni Jackie kaya nung nalaman niya ay binigyan ko siya ng ilang araw na makapag-isip.

Nung muling tumawag si Jackie sakin ay dumating ang isang magandang balita. May direct hiring daw kasi ngayon sa Manhattan kung kaya't agad kong ipinaalam kay Erika ang tungkol dito. malaki-laki ang mga gagastusin niya upang maka-apply ng work visa kaya naman ako na ang tahimik na nag-shoulder ng mga expenses niya . Wala naman na akong problema sa visa ko dahil American citizen naman ako.

Isang buwan na rin ang lumipas ay hindi pa rin siya kinikibo ng tatay niya kaya nung nakasama ko ulit si Erika ay pumayag na siyang tanggapin ang offer na magtrabaho bilang teacher sa New York. Maraming mga proseso ang dapat asikasuhin pero tuwing may oras kami ay sinasamahan ko siynag mag-ayos ng work visa niya saka ko ipina-renew ang passport ko. Unti-unti na yatang pinapakinggan ng panginoon ang mga dasal ko and I can't wait to start a new life with Erika.

Eriak's POV

Habang tumatagal ay mas lalong nabuo ang desisyon kong tulungan na ngang tanggapin ang opportunity na magtrabaho sa Manhattan kasama si Gwen. Alam ko namang pag kasama ko siya ay hinding-hindi niya ko pababayaan. Hanggang ngayon ay di pa rin kami nag-iimikan ni tatay. Tanging si Ivan lamang ang sinabihan ko tungkol sa plano kong mangibang bansa dahil alam kong di ako papayagan ni nanay. Ilang buwan na naming tahimik na inaayos ni Gwen ang lahat ng mga requirements ko kaya posibleng sa mga susunod na buwan ay maaprubahan na ng US embassy ang petition na ifinile ko.

A/N: Sorry for late update, busy lang po ako :( I love you guys thanks for reading.

To be continued...

Love Square (girlxgirl) Editing/CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon