Chapter LIII. I'm still yours

3.5K 85 7
                                    

Erika's POV

Ilang araw ang nagdaan at tila napansin na nila nanay na hindi na dumadalaw sa bahay si Mark. Hindi ko rin natiis na di sabihin ang totoo kaya inamin kona sa kanilang wala na kami. Maaaring naging napakabilis ng mga pangyayari pero hindi ko na hahayaang maulit pa ni Mark ang pagbubuhat ng kamay niya sakin. Nakakailang texts at tawag na siya sakin ngunit di ko sinasagot. Minsan gusto kong patawarin siya at bigyan ng pangalawa pang pagkakataon pero laging parang may pumipigil sakin. 

Di ko alam kung nagalit ako dahil pisikal niya akong sinaktan o dahil di ko lang siya ganun kamahal. Gabi na nung nakarating ako samin. Nadatnan ko siyang hinihintay ako sa bahay kasama ang kapatid kong si Ivan. Walang anu-anu pa man ay tinawag ko siya upang makapag-usap kami sa labas ng masinsinan.

"Babe I'm so sorry. I was just so drunk that time that's why I lose control." sabi niya sakin

"Mark, nagawa mo na eh...wala na tayong magagawa." sabi ko

"What do you mean? Please give me a chance, di ko na uulitin. I love you so much."pagmamakaawa niya sakin saka hinawakan ang kamay ko

"I guess it's better na maging friends na lang muna tayo." sabi ko

"I'll make it up to you." sabi niya saka ako niyakap

"Mark mas magiging okay tayo kung babalik tayo sa pagiging magkaibigan." paliwanag ko sa kanya

"Hindi mo ba talaga ako mahal?" sabi niya habang tinitingnan ako sa mga mata

"Wag mong isipin yan." sabi ko saka umiwas ng tingin sa kanya

"Okay kung yan ang gusto mo. Rerespetuhin ko yung desisyon mo." sabi niya sabay abot sakin ng hawak-hawak niyang sulat

"Ingatan mo sarili mo, salamat sa lahat." pagpapaalam ko sa kanya

"Ikaw din, lalayo na muna ako. Tandaan mong lagi lang ako nandito kung kailangan mo ko." sabi niya saka naglakad paalis

"Oh asan na si Mark?" tanong ni nanay sakin

"Umuwi na po." mahina kong sabi

"Anu bang nagyayari sa inyo?" tanong muli ni nanay

"Wala po, sige magpapahinga na po muna ako." sabi ko saka ako pumasok ng kwarto

Pilit ko mang itagao ay nalulungkot ako sa paghihiwalay namin ni Mark, kahit papano kasi ay napamahal na rin siya sakin at sa pamilya ko pero ayokong lokohin siya. Ayong magsinungaling sa nararamdaman ko para sa kanya dahil pilitin ko mang mahalin siya na higit pa sa pagiging magkaibigan ay di ko magawa.

Gwen's POV

"Mukhang pagod na pagod yung kapatid ko ngayon ah." sabi sakin ni kuya habang nakasandal ako sa desk ko.

"Di naman, medyo napuyat lang sa mga paper works." sabi ko

"Ma'am Gwen, Sir James, tawag po kayo sa Function room." sabi ni Leah samin

"We'll be there in a minute." sabi ni kuya James kay Leah

Makalipas ang ilang sandali ay sumunod kami ni kuya sa Function room kung saan hinihintay kami ng ibang mga staff at stockholders ng kumpanya.

Masaya ako at naging maayos naman ang lagay ng kumpanya sa tulong ng kapatid ko simula nung umalis si Vine.

Pagkatapos ng isa't kalahating oras ng pagpresenta ni kuya ng mga bago niyang proposals ay nagbigay ang lahat ng isang masigabong palakpakan. Ilang sandali ang lumipas ay naisipan kong lapitan si Mr. Gomez na sing inappoint kopara sa Charity works ng kumpanya.

"Miss Martin." bati sakin ni Mr. Gomez nung papalapit ako sa kanya

"Mr. Gomez, I'm glad you're taking care of the project very well." nakangiti kong sabi

"Thank you, I'm happy to know that Mr. Martin is back to the company." nakangiti niyang sagot

"Thank you, uhh-- actually I need your help." sabi ko

"Go ahead Ms. Martin, I'll be happy to help you." sagot niya

"I'm planning to make an outreach program for the students of Sta. Monica Elementary School in Bulacan." paliwanag ko

"That's a very nice idea Ms. Gwen, we will make it possible." he assured me

Buong maghapon akong tinulungan ni Mr. Gomez at ng iba ko pang mga empleyado tungkol sa plano kong makagawa kami ng programa upang matulungan ang mga estudyante sa pampublikong paaralan kung saan nagtuturo si Erika.

Sa katunayan nga ay ito ang tanging paraan na naisip ko para muling makausap si Erika. Alam kong nagmumukha na akong desperada pero walang mangyayari kung hindi ko susubukan. 

Tatlong araw pa ang lumipas bago ko naayos ang lahat. Nakausap ko na rin ang head ng paaralan tungkol sa outreach program na isasagawa namin sa susunod na linggo.

Bagamat masyado akong pagod this week ay sulit naman dahil ilang araw na lang ay makakasama ko muli si Erika. Panay kantsaw sakin ni kuya dahil sa wakas ay nagkaroon na rin ako ng lakas ng loob upang makausap ulit si Erika. Di ko maiwasang mapangiti sa planong naisip ko.Iba talaga nagagawa ng pagmamahal, kahit imposible nagagawa nating posible. :)

Francine's POV

Ilang linggo na lang ay uuwi na din ako ng Pinas kaya maaga akong namili ng pasalubong para kina mama at mga pamangkin ko. Excited na akong muling makapiling at makasama ang pamilya ko at higit sa lahat gusto ko mag-spend time ng time kasama si Gwen. Habang mag-isang nakaupo sa isang pastry shop ay naaalala ko ang mga panahong pinagbe-bake ko siya ng cake. Sino ba namang mag-aakala na magiging malapit pala sakin ang taong minsan kong tinarayan. 

Paminsan-minsan ay dinadalaw ako ni Dave sa may apartment. Masaya akong nanatili ang pagkakaibigan namin. Sabi niya sakin ay may bago siyang babaeng nililigawan kaya naman maligaya ako para sa kanila. Mula nung nakilala ko si Gwen ay bumalik na ang matagal kong kinatatakutan, pakiramdam ko kasi ay lalo akong na-aattract sa mga babae kesa sa mga lalake. Di ko alam kung bakit ko nararamdaman lahat ng to pero mas na-eenjoy kong kasama ang mga kababaihan kesa sa mga lalake. Whatever it is, I hope that I'll be able to find my real self.

A/N: Alam ko bitin pero mag UUD po ako mamaya :))

Love Square (girlxgirl) Editing/CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon